Pahina Treinta: Antidote

0 0 0
                                    

Pagkatapos ng ilang araw na paglalakbay patungo sa kaharian ng Limpako sa bayan ng Lilan ay na didinig ko ang mga usap-usapan na epektibo ang aking na gawang gamot. Nagulat ako nang iba ang sinasabi nilang pangalan na nakagawa daw ng gamot laban sa sakit na kumakalat. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ako o hindi. Ngaunit sa huli ay hinayaan ko nalang ito dahil alam kong ako naman talaga ang nakahanap ng tunay na gamot at iyon ang importante. Alam ko rin na meron talagang kukuha ng kredibilidad sa pag imbento ko ng gamot ngunit sa huli ay hindi parin nila malalaman ang patent ng gamot. Hindi lang kasi ang Halamang gamot na ulasima ang hinalo ko sa gamot kundi meron pang iba.

Nang makarating ako sa bahay ampunan ay nakita ko agad si nanay samy sa harap ng gate. Ang iba naman ay naglilinis sa gilid ng bahay. Nang makalapit ako sa gate ay tumingin sa gawi ko si nanay samy at napatigil ito sa kanyang ginagawa. Patakbo itong sumalubong sa akin at binuksan ang gate. Napansin agad ng iba ang pagdating ko at lumapit rin sila sa akin.

" Sarah anak!" Sigaw nito at bumaba ako sa likod ng kabayo. Inakap ako nito at ganun din ako.

" Nay sam."

" Ate sarah!"

Nakita kong lumabas ang iba pa at nagulat ang mga ito dahil dumalaw ulit ako sa kanila. Kinamusta ko silang lahat at inaya na nila akong pumasok sa loob. Tinulungan nila akong bitbitin ang mga gamot ko at saktong sumalubong sa akin ang mga bata. Tuwang tuwa ang mga ito at binigyan ko naman sila ng lollipop at candies. Kakaiba ang lollipop nila dito at candies. Saktong dumaan ako kanina sa sentro kaya bumili na ako ng pasalubong ng mga bata.

Bitbit si ningning sa aking kaliwang braso ay hawak ko naman si bentong sa kanan. Umupo kami sa sofa sa sala at nakipaglaro muna ako sa mga bata. Tumango sila nanay samy dahil alam nilang na miss ako ng mga bata. Mamaya nalang siguro nila ako kakausapin. Pati ang mga anak ng iba ay nakipaglaro narin sa amin. Pinapakita pa nila sa akin ang kanilang laruan at kinakausap ko naman sila.

Ilang minuto pa akong nakipaglaro sa mga bata ng tumayo na ako at nagpaalam sa mga itong maliligo muna ako. Hindi na ako natatakot na mahawaan sila ng sakit dahil bibigyan ko sila agad ng dalawang bote mamaya. Hindi narin gaanong kumakalat ang sakit dahil sa nagbigay ako ng isang litro ng mga bote ng gamot at kinalat ko ito sa ibat-ibang kaharian.

Nagbabad muna ako sa bathub ng ilang minuto at nagsabon ng aking katawan. Nang matapos maligo ay nagbihis na ako at bumaba na. Nakita kong naghahanda ng mga pagkain sila nanay samy at ate Sisa sa kusina. Lumapit ako sa lamesa at sinilip ang kanilang mga niluto.

" Prinsesa andito ka na pala, naghahanda pala kami para sa iyong pagdating. Malapit na po itong matapos kaya sandali na lang po ito." Ika ni ate sisa.

" Oo nga prinsesa maupo muna kayo at matatapos narin ito." Si nanay samy. Kasama rin nila sila kuya amboy na nagluluto kaya mabilis silang kumilos.

" Ayos lang po makakapaghintay pa ako. Doon lang muna ako sa hardin at magpapahangin." Tumango at pinayagan nila ako kaya tumungo na ako sa hardin.

Nakita pa ako ng iba at kinausap nila ako. Nakipagkulitan ako saglit sa mga bata at nagpaalam muna na lalabas. Baka kasi magtampo ang mga ito kapag hindi nila ako makita dahil ngayon lang ulit ako dumalaw sa mga ito.

Nang makalabas ay sumalubong sa akin ang malamig na hangin at tinangay nito ang aking buhok. Sinakop ko sa likod ang aking buhok at inayos ito. Naglakad ako papunta sa hardin at umupo sa kahoy na upuan doon. Pumikit at ninamnam ko ang malamig na hangin sabay buga ng hininga ko.

I thought hindi ko mahahanap ang gamot at magtatagal pa bago ko mahanap ito. Buti nalang at naisipan kong umakyat sa bundok ng Galeya. Kung hindi ay hindi ko pa mahahanap ang gamot para sa sakit na kumakalat.

Into The World of Tigris Where stories live. Discover now