Pahina Veinte: Maximo

1 0 0
                                    

Maximo POV

Nagising ako dahil sa katok ng mga walang silbi kong kawal.

"Kamahalan meron pong nakapasok na mga kaaway." Sabi nito nang pagbuksan ko ng pinto.

"Ano! Hulihin nyo sila!" Sigaw ko dito at nagpalit agad ng damit. Kinuha ko rin ang aking espada at sumunod sa aking mga tauhan. Galit na galit akong sumisigaw sa kanilang lahat dahil ilang beses na kaming napasukan ng mga kalaban. Ang mga naunang naglakas na lumuob ay nahuli namin ang isa nilang kasamahan ngunit hindi nagsalita hanggang sa namatay ito na syang lalong nakapag pa bwisit sa akin. Mga wala talagang silbi ang aking mga tauhan pati ang aking mga kapatid at ang kanilang mga anak. Naghahari-harian sila mga wala namang utak!

May lumapit sa aking tauhan ko at nagsalita ito.

" Kamahalan itinakas nila ang isa sa iyong bilanggo." Hinihingal pa itong nagsalita. Nagpakunot naman ang aking noo dahil hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nito.

" Tang* ka ba? sino doon ang iyong tinutukoy marami akong bilanggo." Sabi ko dito dahil naiinip na ako sa kanya at fusto ko ng tirisin.

" Yung lalaki sa basement na ikinulong nyo po kamahalan." Hindi na ako nakatiis at sinaksak ko na ito sa tagiliran nya. Lumaki ang mata nito dahil hindi nya inaasahan na sasaksakin ko sya. Napaatras naman ang iba at natakot lalo sa'kin.

" Walang silbi hindi lang isa ang bilanggo sa mga basement ko." Malalim kong sabi.

" Ngayon sino ang kanyang tinutukoy."

" . "

" Kamahalan ang anak ni king hamarani ang naitakas ng mga kalaban." Sagot ng isa.  Napakuyom ang aking kamao at mabilis na nagtungo sa basement kung saan ito nakakulong.

Kinuha ko ang isang sulo sa gilid at bumaba. Nang makarating ako sa baba ay wala na nga ito doon. Mabilis akong umakyat at tinanong kung saan sila nag tungo. Tinuro ng aking mga tauhan at sinundan sila. Umikot pa kami dahil wala ng daan doon at tumungo sa likod ng palasyo.

May mga tauhan akong nakahandusay at ang iba ay gising ngunit sugatan. May lumapit sa aking kawal at nakasakay ito sa kanyang kabayo.

" Kamahalan nandoon pa po sila sa kakahuyan sinundan po sila ng iba pa."

Kumuha ako ng kabayo ng isa sa aking kawal at sumakay dito. Sinundan ko ang kawal at tumungo kami sa kakahuyan. Habang nagpapatakbo ay biglang umulan ng malakas at nabasa kami.

Nakita kong nagpapakawala ng palaso ang mga kawal ko sa mga nakakabayo. Medyo malayo ang mga ito at nakita kong sinasalag nila ang mga tumatamang palaso sa kanila. Hinaklit ko ang isang pana at palaso sa isang kawal at hinabol namin sila ulit. Lalong lumakas ang ulan at naghiwalay hiwalay ang mga ito.

"Doon kayo! Dito kami!" Naghiwalay kaming lahat at sinundan sila. Nangmaaninag ko ang isa sa kanila ay inasinta ko ang aking palaso sa kalaban. Nang sakto na ang aking asinta ay pinakawalan ko ang palaso. Ngunit lumiko ito na hindi tumama sa kanyang likod ngunit dumaplis sa kanyang braso. Sinundan parin namin ito ngunit kalaunan dahil sa lakas ng ulan ay hindi na namin ito makita at naligaw kami.

Nang makarating kami sa aking palasyo ay inihagis ko lahat ng mga vase at paintings sa baba. Nagpupuyos ako sa galit dahil ilang beses na akong napasukan ng mga bubwit. Napasabunot ako sa aking buhok n tumawa.

" You! Get me a glass of my wine!" Turo ko sa isang maidservant. Hindi nya ito naintindihan kaya nainis ako lalo. Lumapit ako at sinakal ito. Nagmamakaawa ito sa kanyang buhay, natigil lang ako sa pagsakal sa kanya ng may lumapit na isa sa akin.

" Kamahalan! Ako na po ang kukuha ng iyong wine!" Sabi nitong nakayuko.

Binitawan ko ang kasama nito at lumapit sa kanya. Napaatras ito at nagsalita ako.

Into The World of Tigris Where stories live. Discover now