Pahina Siete: Bond

2 0 0
                                    

" Nag padala ako ng sikretong mensahe sa kaharian ng Lumpur at nakapaloob doon ang impormasyon na mayaman sila sa sulfur at kung saan natatagpuan ito. Sinabi ko rin na may nag tatangkang kumuha ng natural na yaman sa kanilang lupain. At sa ngayon ayos na ang ating problema sa isa sa mga balak nila Haring Maximo para lumakas ang kanilang hukbo." Mahabang litanya ni Adam. Andito kami ngayon sa bahay na lagi naming pinag m-meeting-an tuwing may misyon at kung may paguusapan ang grupo.

"Magandang balita yan pinuno." Pag sagot ni Bunok.

" Pinuno ano naman pong balita kila Aurelio noong nalaman nilang nawala ang bote?" Tanong ng isa sa kasamahan namin dito.

" Magandang tanong Felipe, Sa huling misyon nila Koko,bibing at Sarah ay matiwasay nga nila itong naisagawa at doon sa tanong mo. Nag karoon ng alitan ang grupo ni Aurelio dahil sa pagkawala ng boteng nag lalaman ng lason. Hindi na ulit sila makakapag likha ulit ng ganong lason dahil namatay narin kamakaylan ang gumawa nito. At Oo, sya lang ang nakakaalam kung paano gawin ang lason na iyon." Paliwanag ni pinuno sa amin.

" Eh ano naman pong kinamatay nung nag embento ng lason pinuno?" Kuryusong tanong ni Bugon.

" Sya ay namatay sa labis na lamig o tinatawag na hypothermia, dahil narin sa katandaan at nakatira ito sa mataas na bundok kung saan kilala ito sa malamig na temperatura." Sagot pa ulit nito sa tanong ni bugon. Nag patuloy pa ng ilang minuto ang pag pupulong bago natapos at nag umpisang nag uwian ang mga lalaki at babaeng kasama sa mga misyon.

Bago mag tanghali nag pasya kami nila koko, bibing, bunok, kupong, nathan at dalawa kami ni Adam na pumunta sa bundok ng Hanalis kung saan mangangaso kami para may nakaimbak na bagong karne tuwing may handaan at pag titipon o hindi kaya ay tuwing gustong mag handa ng karne sa hapag kainan ng mga mayanar. May kanya kanya namang imbak ang mga bawat bahay ngunit ito ay iimbak para kay Adam dahil sya ang namumuno at nag bibigay ng mga ibang pangangaylangan ng mga mayanar at isa na doon ang pag kain.

Kalahating oras bago kami nakarating sa paanan ng bundok. Nakasakay kami sa kanya kanya naming kabayo at may dala kaming kalesa para sa pag lalagyan ng malalaking huli namin mamaya.

" Tayo'y mag hahati hati ng lugar kung saan tayo mangangaso. Kayong dalawa sa Hilagang kanluran at kayong dalawa rin ay sa Hilagang Silangan naman. Kaming natitira ay sa Hilaga." Pagturo at pag hati ni Adam sa bawat isa sa amin.

Kami laging pito ang mag kakasamang nangangaso pero minsan ang isa o dalawa samin ang wala kaya napapalitan ng ibang kasamahan pa namin. Hindi lang rin naman kami ang laging nangangaso dahil meron pang dalawang grupo ang nangangaso sa iba pang lugar o bundok. Kami lang ang pangalawang grupo na maraming nakukuha tuwing araw ng pangangaso, ang una ay ang grupo nila Bugon na malalaki ang katawan at bihasa sa ganitong trabaho. Kahit nakakatakot ang grupo ni bugon ay mababait naman sila kahit papaano.

Nag umpisa na kaming nag hiwahiwalay dala ang aming mga gamit para sa pangangaso. Kasama ko si koko at bunok ngayon, tatlo kaming pinag sama ni adam dahil mag isa ko lang na babae kaya dapat daw dalawang lalaki ang kasama ko.

Hindi pa kasi sabihin na "you need to go with them for your safety baka hindi mo kayanin pag dalawa lang kayong mangangaso, my love." Hihihi

Napangiti naman ako dahil doon ngunit napadaing ako dahil may kumaltok sa aking ulo.

" Aray!" Daing ko sabay tingin kung sino ang hinayupak na tumuktok sa ulo ko.

Si bunok bwisit na yan..

" Tara na doon kanina ka pa namin tinatawag ni koko kanina ka pa nakangiti dyan na parang tanga." Masama parin ang tingin ko dito ngunit pinatakbo na nito ang kanyang kabayo. Hindi ko tuloy nabatukan ang unggoy. Mamaya ka lang sa'kin.

Into The World of Tigris Where stories live. Discover now