Pahina Ocho: Breath Zarah

1 0 0
                                    

Lumipas ang ilang araw at sa ilang araw na iyon ay ginugol ko ulit sa pag reresearch sa mundong ito at lalo na kung pano ako makakauwi, ang kaso hindi ko parin alam kaya nag decide akong mag pahinga muna ngayon.

Mag lilibot libot ako ngayon sa kung saan. Kung saan ang maraming pera mwehehe. Punta tayo sa isa sa aking mga brilyante hahaha. Kukuha lang tayo ng kunti tapos ibebenta natin sa underground market. At kahit hindi na tayo pumunta mismo doon ay may kakilala ako kung sino ang pwedeng bumili na maraming datung.

Well, sa kanya naman talaga ako dati pa nag bebenta ng mga brilyante natin.

Need na kasi ni bunso ulit ng pera kaya kaylangan nating mag hanap ulit. Hindi pa kasi kasya yung kinita ng mga palaman at gamot na tinitinda namin sa sentro lalo na at kapapagawa lang yung ibang parte ng shop namin. Nasa tight budgeting tayo ngayon mga sis. Pinapalaki natin yung shop natin.

Nang makaalis na ako ay isang oras mahigit rin akong nag byahe. Hindi ako gumamit ng kabayo dahil kagagamit ko lang si snow kahapon tapos si Chocolate ay ginamit rin ni kuya kanor. Ganun din si brown na nagamit kahapon kaya hindi muna.

Huminto rin ako sa sentro kanina para kamustahin ang aming shop na hinahandle ng ginawa kong manager ng aming shop at mapapagkatiwalaan naman ito.

When i arrived in my destination ay binigay ko na ang bayad sa kutchero at nag umpisa nang maglakad papunta sa kagubatan ng Lilan. Doon ako makakakuha ng datung mga mie.

Ilang minuto akong naglakad papunta sa gitna ng gubat at para sa safety natin ay nag matchag ako kung may tao bang nakakita sa akin o kung may sumusunod. Nang wala naman ay pinagpatuloy ko ang aking paglalakad. sandali pa ay nakarating rin ako sa cave ng lilan.

Pumasok ako sa yungib at nagtuloy tuloy na sunundan ang dating daan kung saan ako laging sumusuot. Maraming pasikot sikot dito, may malalaking butas at maliliit rin kung saan ka pweeng dumaan. Kaya kung hindi mo kabisado ang mga daan ay pwede kang ma stock dito at hindi na makabalik pa. malawak ang yungib na ito kaya hindi rin ako nag aalala kung may pumunta dito dahil hindi basta basta ang daan dito.

Nang makarating nga ako sa kung saan makikita ang mga amethyst ay nag simula na akong manguha. Hindi basta basta ang aking pagkuha dahil baka masira ang ibang mga bato. Nag dala rin ako ng mga gamit ko at inilabas ito. Unti unti ay nag tanggal ako at inilagay agad ito sa aking lalagyan. Tatlong kumpol ng amethyst ang aking kinuha dahil kaylangan ko rin ng pera ngayon.

Sakto na siguro ito, ay teka kukuha pa ako ng isa hihi. kasya pa naman sa aking lalagyan.

Nag umpisa na ulit akong nag lakad at sinundan ang aking daan kanina. Kung nag tataka kayo kung bakit hindi ako naliligaw ay gumawa ko ng mga blue print kung saan ang daan ng mga yungib at ang tamang daan ng mga ito. Minemorize ko talaga para hindi na hassle at tinago ko rin ang mga blue print incase kung may maka alam ng mga nalalaman ko.

Bumalik ulit ako malapit sa bayan ng Lilan. Pupunta ako sa isa kung saan ako laging gumagawi. Maingay na kapaligiran ang aking nadatnan sa gilid ng mga kalye, may mga nag bebenta ng kung ano-ano katulad ng prutas, gulay, karne at mga meryenda. Bumili ako ng mga pagkain at prutas para sa mga pamilyang pag bibigyan ko mamaya. Sila ang mga pamilyang tinutulungan ko dito at meron rin sa ibang kaharian. Dala narin ng ilang taon na paglalakbay sa ibat-ibang kaharian ay nakita ko ang mga kalagayan ng mga mamamayan sa mga kaharian. Oo pili lamang ang aking mga tinutulungan dahil hindi ko kakayaning lahat sila ay tulungan, yung mga walang wala lang talaga ang aking mga binibigyan ng tulong. Meron rin akong tinutulungang mga tao na dumaan sa pagiging alipin ng ilang taon at binenta lamang sa bermuda. Hindi nila deserve ang ganung buhay kaya nag desisyon na akong kumilos at gumawa ng bahay sa ibat-ibang kaharian at doon ko sila pinatira.

Into The World of Tigris Where stories live. Discover now