Pahina Tres: Gift

4 0 0
                                    

Hi guys pls bear with the grammatical errors minsan tama nilalagay ko minsan namamali haha. Okay keep reading na po.

Maaga akong nagising at nag ready para mamaya upang makipag kita kay Adam baby. Sinuot ko ang isa sa favorite kong victorian dress, kahit na ayaw kong mag-suot dati ay wala na akong nagawa dahil na sa ibang mundo tayo eh, hindi pwedeng mag inarte dahil mag tataka ang mga tao kung bakit kakaiba ang suot ko.

Sa tatlong taon ko dito ay nagustuhan ko narin mag suot ng dress lalo na tuwing may bagong labas na design ang mga sikat na brand dito. Katulad rin sa earth ang mga babae dito ay nagkakagulo tuwing may bagong labas na design. pagkatapos kong isuot ito ay naglagay ako ng kolorete sa mukha at nang matapos na ay bumaba na ako upang makapag paalam kay nanay adelina.

Pumunta ako sa kitchen at doon ko nga nakita si nanay, pumayag naman ito kung saan man ako pupunta. Dala ang regalo ko kahapon na hindi ko naibigay kay Adam dahil hindi ako maka chempo kahapon kaya't ang ending ngayon ko pa lamang maibibigay sakanya. Ginamit ko ang isa naming kabayo upang mabilis makapunta sa aming tagpuan.

''Let's go snow, Hiyahh.'' i maneuvered the horse and start to take our track. I felt the breeze passing thru my skin and it is so refreshing. As we entered from the forest, i start to spread my hands to feel the freedom. I inhale the refreshing air that brought by the old trees and as we pass by to the tall trees the leaves starts to fall in our way, instantly a smile crept in my face. This is beautiful, because of many trees here and they have a different variety and colors it became like you're in a fairytale.

Nang malagpasan namin ang mga puno ay nakita ko na ang lugar kung saan kami magkikita ngunit meron akong nakitang pigura sa malayo at naka tayo ito malapit sa puno. Inihinto ko ang kabayo malapit sa puno at bumaba sa aking kinalalagyan. Lumapit ako dito at yumukod.

''Magandang umaga ginoong adam.''bati ko dito.

'' Magandang umaga rin binibining sarah.'' sagot nito sa'kin. lumapit ako dito at nag umpisa na kaming mag-usap ukol sa aming misyon. Sumasagot naman ako dito dahil simple lamang ang kanyang mga tanong ukol sa huling misyon na aking ginawa. Pinadala nya ako upang mag manman sa kalaban at makakuha ng impormasyon. Hindi naman kami nabigo dahil naka kalap kami nito. Minsan nya akong pinapapunta upang mag manman dahil ako lamang daw ang nakakagawa ng malinis sa aming trabaho. well, hindi naman nahuhuli ang aming mga kasamahan dahil maingat rin sila ngunit mas matalino lamang akong gumalaw sa kanila.

Naalala ko pa noong aksidente kong narinig silang nag uusap at nakita nila ako ay sa hindi inaasahang pagkakataon namalayan ko na lamang na nakasali na sa kanilang layunin. At alam rin pala nang mga tao ng mga mayanar ang layunin nila at nag kakaisa sila dito at sumusuporta sila kay adam dahil narin ang iba dito ay dating residente ng kahariang Nefero.

Dahil sa nakitang potensyal sa akin ni adam ay madalas nya na akong ipadala sa mga misyon at ang last ay noong nakaraang linggo lamang. Pagkatapos naming mausap ay inilabas ko na ang aking regalo para sa kanya.

Tumikhim ako dito at tumingin naman ito sa akin sabay abot ko dito ng regalo.

''Para saan ito binibini?'' tanong nito. Kumamot muna ako bago ito sinagot.

''Ah regalo ko lang sayo, diba nag regalo rin naman sila sayo kahapon kaya ayan.'' sagot ko.

''Salamat Sarah.'' sabay ngiti nito sa akin na kinahinto ng aking puso at naramdaman ko na lang na parang nasa ulap ako.

Dahil dyan, dyan sa kanyang ngiti at kanyang kilos halos lahat ng mga tao dito ay malapit sa kanya. Mabait rin sya lagi sa akin, nung una nga wala lang sa akin pero habang tumatagal nahuhulog na ako sa kanya. Hindi ko kayang ipag tapat ang aking nararamdaman dahil meron pa itong layunin at alam kong hindi pa nya kayang suklian ang aking nararamdaman pag nagkataon dahil tanda ko pa ang kanyang sinabi na..

Into The World of Tigris Where stories live. Discover now