Pahina Veinticinco: Coming back

1 0 0
                                    

Sumakit ang ulo ko dahil sa kakaisip ng halikang naganap kahapon. At lalo itong sumakit dahil nakatanggap ako ng sulat galing kila Yssa. Nagiisip na ako ng idadahilan ko kay nanay para sa aking pag alis.

Ngayon ay nagaayos na ako ng aking mga gamit na aking dadalhin. Nag kita pa kami ni adam kanina at mukhang wala itong natatandaan dahil tinanong ko ito kung may naaalala ay wala naman daw. Napahinga nalang ako ng malalim dahil sa mga nangyayari.

Pagkatapos kong mag ayos ay bumaba na ako at tinawag si nanay delia. Hinintay ko ito sa kusina at umupo ako sa isa sa mga silya dito.

" Oh Sarah anak, ano bang paguusapan natin?" Tanong ni nanay at umupo na ito sa harapan ko. Napabuntong hininga ako at seryosong tumingin dito.

"Nay aalis po ako." Ani ko dito. Bumuntong hininga ito at nagsalita.

"Alam ko sa tono mo palang ay aalis ka na naman at maglalakbay."

" Pasensya na po nanay kaylangan ko lang talagang umalis."

" Kaylan ba ang alis mo anak?"

" Mamaya po nanay." Napabuntong hininga ulit ito at lumapit sa akin. Inakap ako nito at bumulong.

" Magiingat ka lagi."

" Opo nanay." Sagot ko.

Kumalas na ito sa akap namin at inipit nito ang aking buhok sa likod ng tainga ko. Hindi ko naman akalain na mabilis lang akong makakapag paalam sa kanya at parang alam nya na agad kung anong sasabihin ko.

" Parang kaylan lang nakita ka ni kuya kanor mo sa kagubatan ng alder at kinupkop ka namin. Tapos natatandaan ko pa noon ilang buwan ka palang dito ay nagpagpasyahan mo nang maglakbay sa ibat-ibang kaharian. Ewan ko kung mahilig ka lang ba mag lakbay o ano, pero hinayaan ka nalang namin dahil nakikita namin ng kuya mo na masaya ka sa bawat pag lalakbay mo tuwing umuuwi ka dati sa amin. At alam ko kanina nang tinawag mo ako sa seryoso palang ng iyong mukha ay alam ko nang aalis ka na naman." Mahabang litanya nito sa akin. Makikita mo ang saya at lungkot sa mga mata nito kanina habang nagsasalita.

" Salamat po nanay dahil kahit hindi nyo alam kung saan ako nang galing ay kinupkop nyo parin ako at hindi kayo nagtanong kung saan ako nanggaling kahit ilang beses nyo na akong tinanong noon. Pero tanong ko lang po nanay na, bakit nyo parin po ako pinatuloy dito kung hindi nyo naman po alam kung saan ako nagmula?"

" Nakikita ko kasi sa mga mata mo na wala ka na mang masamang binabalak sa amin o kahit kanino paman." Ngiting ani nito.

" Salamat po ulit nanay adelina sa lahat ng mga ginawa mo para sa akin."

" Kami dapat ang mag pasalamat sa iyo anak dahil simula noong dumating ka sa buhay namin ay sumigla muli ang tahanang ito at napaayos mo pa dahil sa kasipagan mo. Nahihiya na nga kami sa iyo dahil pinapaaral mo pa ang bunsong anak ko tapos nag tayo kapa ng negosyo at pinangalan sa akin." Ika nito.

" Yun lang po ang pasasalamat ko sainyo nanay." Sabi ko dito at inakap ulit.

" Ikaw bata ka talaga. Teka nakapag ayos ka na ba ng mga gamit mo?" Tanong nito at kinalas ang yakap.

" Opo nanay kanina pa po."

" Magiging maayos ka lang ba doon."

" Opo nay, wag po kayong mag alala lagi po akong magiingat."

" Ewan ko ba sa iyong bata ka, kay hilig mong maglakbay at ewan ko pa kung anong ginagawa mo tuwing naglalakbay ka."

" Eh, matagal na nga po akong hindi naglalakbay nay eh. At wala naman po akong ginagawang masama tuwing umaalis ako dito at kung saan-saan ako nagtutungo nay, kaya wag po kayong mag alala at hindi po ako gagawa ng ikakapahamak ko at ninyo."

Into The World of Tigris Where stories live. Discover now