Pahina Veintinueve: Medicines

2 0 0
                                    

Gulong gulo na ako dahil ilang bwan na akong nagpapatuloy sa aking research. At wala pa akong nahahanap na gamot. Naipon narin ang mga medisina sa maliit na lalagyan ko tuwing naglalakbay ako. Nadaanan ko na ang ilang lugar na may mga halamang gamot at wala parin akong nakikitang sagot para sa research.

Limang bwan na rin akong wala sa Vermon at gusto ko nalang na umuwi kila nanay ngunit hindi pwede. Kaylangan ko pang magpatuloy sa aking ginagawa. Naglalakbay ulit ako ngayon papunta na sa kaharian ng Melania kung saan doon ko ipinatayo ang third house. Doon ko ipagpapatuloy ang aking research at para makasama ko narin sila Nami.

Sa mga nakaraang linggo ay natataranta na ako dahil may dalawang nahawaan sa 1st house at isa sa 2nd house. Nalaman ko ito ng matanggap ko ang mga sulat nila soledad at yssa. Ganun din ang mga taga mayanar na nahawaan na ng sakit at mas lalo akong hindi pwedeng huminto dahil nadagdagan ang rason ko para magpatuloy. Lalo ring dumami ang mga namamatay sa sakit at halos wala na talagang mga taong lumalabas.

Ilang araw rin akong nagpatuloy sa aking paglalakbay at nang makarating sa aking destinasyon ay napahinga ako. Dahil sa binigay ko ang aking pera sa babae ay tinipid ko ang reyal na natira sa akin. Makakakain narin ako madami ulit. Hindi ako nagsisisi dahil nakatulong ako sa mag-iina.

Bumaba ako ng nasa tapat na kami ng bahay at nakasara ang gate. Pinatunog ko ang maliit na bell sa poste ng gate at naghintay ng isang minuto. Napahiyaw si Saniya at mabilis na tumakbo para buksan ang gate. Lumabas rin ang iba at sinalubong nila akong lahat. Pinaatras ko ang mga ito dahil hindi pa ako malinis. Mahirap na baka makahawa ako kahit na alam kong hindi ako lumapit sa ibang tao.

Naintindihan naman ng mga ito at binigay ko nalang sakanila sila chocolate at snow para painumin at asikasuhin. Binigyan ko ng instructions si Saniya at ganun din ang iba. Tinanggal ko ang dalawang telang nakabalot sa akin at inilagay ito sa maliit na balde para ibabad sa tubig na may sabon. Tumungo ako sa banyo nila sa baba ng bahay at naligo agad. Mas mabuting maging maingat dahil ayokong pati sila ay mahawaan.

Pagkatapos kong naligo at pinaghanda nila ako ng makakain. Gutom na ako at sinimulan ko nang kumain. Hindi muna nila ako inabala at alam nilang galing ako sa paglalakbay.

Kumuha ako ng karne at sinubo ito pagkatapos ay yung gulay na sinabawan naman ang tinikman ko. Halos 40 minutes rin akong kumakain at napadighay ako na malakas dala ng kabusugan. Tumingin ako sa kanila na nabagot na ata kakahintay sa akin na matapos kumain.

Inayos na nila ang aking pinagkainan at sinabi kong doon kami sa salas maguusap. Nagpahinga pa ako ng ilang minuto at saktong kompleto na kaming lahat. Tumikhim ako at sinimulang magsalita.

"Kamusta kayong lahat dito?" Tanong ko.

" Ayos lang naman po kami dito binibining sarah." Sagot ni tatay Felipe.

" Ikaw po kamusta binibini, taon narin noong huli ka naming nakita. Nangulila kami sa iyo dito." Tanong ni nanay liwanag.

" Oo nga po binibining sarah."

" Eh kamusta naman po ang ibang bahay ampunan maayos lang po ba sila?"

Sinagot ko ang mga katanungan ng mga ito at sinabi ko rin na ilang bwan na akong naghahanap ng gamot para sa sakit na kumakalat. Kahit papaano ay may alam sila sa ibang pinagsasabi ko dahil nakakatanggap sila ng liham sa akin. Halos lahat sila dito ay may pinagdaanang sakit at sa tulong ko ay nagamot rin sila. Anim lang sila dito at sakto lang ang bahay para sa kanilang lahat. May kwarto rin ako dito na pinasadyo ko katulad ng ibang bahay.

Kinausap ko pa sila ng isang oras at dinetalye ko kung paano makakaiwas sa sakit dahil ayaw ko silang mahawaan pa. Nagdaan na sila dati sa mga karamdaman at ayaw ko silang makaranas ulit ng kahirapan sa katawan.

Into The World of Tigris Where stories live. Discover now