Pahina Veintiocho: Continue

1 0 0
                                    

Nandito ako ngayon sa bundok ng sinay at naghahanap ng mga gamot. Dalawang oras narin akong naglalakad at medyo marami narin akong nakitang mga halamang gamot ngunit ilan lamang ang aking nakitang bagong variety ng gamot. Ang iba kasi ay nagamit ko na sa mga naunang experiment ko at hindi gaanong tumatalab at ang iba ay walang epekto.

Dala ko si chocolate at habang namimitas ako ng mga halamang gamot na pwedeng gamitin ay inilalagay ko sa maliit na bag na dala ko. Hindi pa gaanong mainit kaya hindi pa mahapdi sa balat ang sikat ng araw. Maganda ang panahon ngayon ngunit parang may paparating na bagyo dahil halos tahimik ang paligid dala ng mga emosyong may sakit na kumakalat. Hindi katulad dati na kahit tahimik at payapa ang kapaligiran ay alam mong masaya at masarap ang dala nito sa'yo.

Tinignan ko ang mga halamang nakuha ko at napagpasyahang umalis na dahil sapat na ito ngayon para sa aking gagawing experiment na panibagong mga gamot. Sumakay ako kay choco at nagsimula na itong tumakbo. Mahigit kalahating oras rin kaming naglakbay bago nakarating sa bahay dahil kumuha pa ako ng mga mushroom sa baba ng bundok. Nauulam ang mga ito kaya ipapaluto ko nalang kila soledad mamaya. Bukod kasi sa mga halamang gamot na naituro sa akin ni nanay adelina ay itinuro rin nito kung ano ang pwedeng makain sa mga bundok at kung ano ang delikado. Marami rin akong natutunan dahil kay nanay na ipinagpapasalamat ko. Wala kasi ang ibang halaman, prutas, at iba na meron dito sa mundo ng tigris na wala sa earth.

Minsan napapaisip nalang ako kung paano nilikha ito ni Aurora. Nang makauwi na kami ay saktong may nakaabang na sa akin at kinuha si choco para makapagpahinga at mapaliguan ito. Nagpasalamat ako kay Nala at pumasok na sa kusina. Naabutan ko pang nasa sala ang iba at nagbuburda, binati nila ako at tumango ako sa mga ito. Tinanggal ko ang telang nakabalot sa aking mukha at katawan sabay bigay kay Lalay ng mga kabuteng nakuha ko sa bundok ng Sinay.

Umakyat na ako para maligo at makapag bihis. Kaylangan ko paring maging maingat at malinis sa katawan dahil sa sakit na kumakalat. Hinubad ko na ang aking dress at inilagay ito sa bamboo basket kasama ng mga maruruming damit ko. Ilang minuto lang akong naligo at nagbihis na. Bumaba ako at tinignan ang mga binuburda nila.

" I like this one." Sabi ko kay Nerisa.

" Huh?"

" Maganda ang iyong gawa nerisa, gusto ko ang mga bulaklak na binurda mo." Sabi ko dito. Napangiti naman ito at nagpasalamat.

" Gusto mo ba ito binibining sarah, pwede mong kunin pag natapos ko." Ika nito. Umiling ako dito at sinabing hindi na. Umalis na ako sa sala at tumungo sa kusina. Nakita kong niluluto na ni Lalay ang mga kabuteng nakuha ko at nakaluto narin sya. Tumulong akong nag-ayos ng mga plato at inihain din namin ang ulam at kanin. Tinawag na namin ang iba para kumain, hindi nagtagal ay sama-sama na kaming lahat at nagdasal bago kumain.

Walo silang lahat dito sa pangalawang bahay na pinatayo ko at edad beinte ocho ang pinakamatanda sa kanila. Ipinaalala ko ulit ang mga dapat gawin nila at kung paano makaiwas sa sakit na kumakalat. Bihira na lang sila lumabas at buti nalang ay may source of nutrients kami dito dahil may mga tanim kaming mga gulay at prutas. Sa apat na bahay ay ito ang pinakamaraming tanim na gulay at prutas. Ang iba kasing bahay na pinatayo ko ay maliit lang ang garden at sakto lang para sa ilang linggo na stock namin. Kaya minsan bumibili parin ako para may pangdagdag sa pagkain nila.

Nang matapos kumain ay pumunta ako sa aking kwarto at ginawa ko na ang aking experimental research sa mga halamang gamot. Binasa ko ang mga nakasulat sa bawat pahina na naisulat ko sa mga previous research ko. Karamihan talaga ay failed test at anim na gamot ang pwedeng ipahalo. Ito ang gamot na medyo nakatulong dati sa mga nahawaan ng sakit ngunit hindi rin nagagamot sa huli. Kaya ang dating ay failed parin ito.

Maggagabi na ng naisipan kong magpahinga saglit. Hindi naman ako inistorbo na ipinagpapasalamat ko. Alam kasi ng mga ito kung ano ang ginagawa ko dahil pinapaalam ko rin kung bawal akong istorbohin kung may ginagawa ako. Nang makababa ay kumain ako at ilang minuto ring nagpababa ng kinain.

Into The World of Tigris Where stories live. Discover now