Pahina Veintidos: With them

1 0 0
                                    

Because of my boredom ay kung ano-ano na ang ginagawa ko. At hindi ako ngayon ma boboring dahil ngayon ang dating ni adam. Kahapon ay inaya kong mag picnic sila lilia kasama ang mga kasamahan namin sa misyon. Nag enjoy kami dahil marami kaming baon na pagkain. At Oo nag baon na sila ng pagkain kaya masaya ako kahapon. Pagkatapos noon ay nag sanay kami saglit at bumalik ulit sa ilog para mag swimming. Nang kinagabihan ay uminom kami kasama ang mga mukang bouncer ng mga mayanar.

Umuwi ako nang medyo maaga dahil baka pagalitan ako ni nanay at hindi rin ako gaanong uminom.

Pumunta agad ako dito para abangan ang pagdating ni adam. Nag stay muna ako sa bahay nila koko at andun rin si charles na tumutulong sa gawaing bahay. Mabait naman ito at wala kaming problema. Nagsusulat ito sa kanyang ama at nababasa ito ni haring hamarani. Hindi pa kasi ito makauwi dahil delikado parin at mawawala sa huli ang aming pagligtas sa kanya kung makukuha ulit ito ni maximo.

Tumango ako dito at nilagpasan na. Lumabas kami ni koko kasama si bibing para bulabugin si nathan sa kanyang bahay. Mag-isa lang rin kasi ito sa kanyang bahay kaya ayos lang.

" Nathan tara sa alder mamaya." Yaya ni bibing nang makarating kami sa loob.

" Anong gagawin." Maikling tanong nito habang nakataas ang kilay. Nakaupo kasi ito at may binabasang libro. Wala ring ginagawa kaya alam kong bored narin ito hehe.

" Wala naman kung anong pwedeng gawin doon mamaya. Pero hintayin muna natin si pinuno." Sagot ni bibing. Hindi umimik ito at nagbasa ulit sa kanyang libro. Umikot kami sa loob ng bahay ni nathan at naglumikot.

Pumunta ako sa bookshelves nya at binasa ang mga titles ng libro. Kumuha ako ng isa at binasa ang harapan nito.

" Don't touch that." Sabi ni nathan. Tumingin ako dito at nakatingin ito sa hawak ni bibing. Isang babasaging teapot, hindi ko alam na nangongolekta ito ng teapot si nathan dahil ngayon ko lang nakita ang mga ito. Meron pa kasing ibang nakahelera sa wooden shelves at malinis itong tignan. Hula ko kinolekta nya yan sa bawat kaharian na pinuntahan namin.

Binaba naman agad ni bibing ang teapot ng dahan dahan sa wooden shelves. Isinarado ni nathan ang kanyang libro at tumayo ito.

" Okay that's enough sasama na ako basta lumabas na kayo dito." Sabi nito sa amin at binitbit sa kwelyo ang dalawa papalabas. Isinauli ko naman agad ang libro at sumunod sa dalawa. Napakamot ako sa aking ulo dahil tuwing pupunta kami dito sa bahay ni nathan ay hindi kami nagtatagal. Pero pag ako lang mag-isang dadalaw dito ay nagtatagal ako. Malilikot kasi sila koko kaya pati ako ay nadadamay.

Behave naman kasi ako lagi.

Pumasok ulit ng bahay si nathan at paglabas nito ay isinarado ang kanyang bahay.

" Tara na." Ika nito at nag umpisa nang maglakad. Sumunod naman kami at pumunta sa gitna ng mga kabahayan dito para abangan si adam.

Naguusap ang dalawang kasama namin at nagkukulitan, tahimik kami ni nathan sa gilid nila dahil napapagitnaan namin ang mga ito. Nang makarating ay nakita namin ang ibang kasama namin at kinausap muna namin ito.

" Oh saan nyo balak pumunta at kayo'y magkakasama na namang tatlo. At kulang kayo ng isa ah." Sabi ni lulu ang isa sa mga kasama namin sa misyon.

" Ah wala naman hinihintay lang namin si pinuno sa kanyang pagdating. At mamaya naman ay pupunta lang kami ng alder." Sagot ni bibing.

" Oo, si bunok naman ay wala may pinuntahan ngayon kaya hindi namin kasama." Sagot ni koko.

" Ah, ganun ba, sige una na kami may gagawin pa kasi kami." Sabi ni lulu. Tumango naman kami sa mga ito.

Into The World of Tigris Where stories live. Discover now