Pahina Diecisiete: Shopping

0 0 0
                                    

" Ate Sarah!!" Sinalubong ko nang yakap si belinda sa aming gate at mabilis itong yumakap sa akin. Kumalas ng yakap si belinda sa akin at sinalubong nya rin ng yakap sila Nanay at kuya.

Namiss talaga namin ito dahil ilang buwan ding nawala para mag aral. Ngayon ay bakasyon nila kaya nakauwi ito.

Masaya kaming naguusap at tawanan habang pumapasok sa bahay. Kinuha naman ni kuya kanor ang mga gamit ni belinda at tinulungan ko ito. Nang maiakyat namin ang mga gamit ni belinda ay bumaba ulit kami. Alam naming ngayon ang dating ni belinda dahil nagpapadala ng sulat ang school ni belinda sa amin.

Nagluto rin kami para sa pagsalibong dito at nagbake rin kami ng cake. Dati hindi ko alam na meron palang cake dito pero nalaman ko noong pumunta ako sa centro at nakita ko sa isang bakery shop na meron rin pala silang cake. Halos magkatulad lang talaga dito at sa earth ang mga pagkain at gamit pero meron rin namang pinagkaiba kahit papaano.

Kinakausap ni nanay si belinda tungkol sa kanyang pagaaral. Hindi alam ni nanay ang tungkol sa nangyari noon kay belinda dahil hindi ko na sinabi ito at magaalala lang sya. Naayos ko naman na at alam rin ni kuya kanor iyon.

Habang kumakain ay nakikinig lang ako sa kanila at sisingit pag magtatanong si belinda. Nag sandok ako ng kanin at ulam at kumuha ng barbecue, may tawag sila nanay dito sa barbecue ngunit nakalimutan ko lang. Kanina pa ako gutom kaya bahala sila dyan galit galit muna tayo.

" Ateh, tara sa centro mamaya para mamasyal." Yaya sa akin ni belinda habang nakalingkis ang kanyang kanang kamay sa kaliwang braso ko.

" Naniniwala na akong marami kang reyal ate hehehe." Pangloloko pa nito sa akin. Nilingon ko ito at tinaasan ng kilay magsasalita na sana ako kaso kinausap nya si nanay.

" Nay, pupunta kami ni ate sarah sa centro mamaya ililibre nya daw ako. Pwede ba kaming lumabas mamaya?" Tanong nito kay nanay na lalong ikinataas ng kilay ko.

Aba sya! Wala pa akong sinasabi paladesisyon si gurl. At nag paalam pa agad-agad kay nanay.

" O sya sige alam ko namang nangulila kayo sa isat-isa." Pag payag ni nanay sa'min.

Lumingon agad sa akin si belinda at tinaas taas nito ang kanyang kilay na pangit. Pagkatapos ng bonding with chika ay naghugas na kami ng pinagkainan at tumambay sa garden. Lumapit si nanay sa aming tatlo at nilapag ang tea na tag isa namin.

Nakangiti itong tumabi sa amin at humigop sa kanyang tasa.

" Masaya akong pagmasdan kayong tatlo dajil nakumpleto ulit kayo. Siguro mas masaya tayo kung andito si Rene ngayon." Pagsalita nito na ikinalingon namin sa kanya.

" Nay naman, alam nating masaya na si tatay ngayon kung nasaanan sya." Sagot ni kuya kanor.

" Oo alam ko kanor, ngunit hindi mo parin ako mapigilan na mangulila sa iyong itay minsan." Turan nito.

" Nay, ayos lang pong mangulila rin kayo minsan tanda ng mahal na mahal nyo si tatay hanggang ngayon, at alam kong masaya si itay ngayon sa itaas ngayon dahil magkakasama na tayo ulit." Pagpapagaang loob ni belinda kay nanay. Hinimas ko nalang ang likod nito at tumango dito.

Habang nag kwe-kwentuhan kami dito ay inaayos ni nanay ang kanyang mga halaman at dinadamuhan. Pinagkagastusan ko pa ang garden ni nanay para gumanda dahil mahal na mahal nya ito. Mas sumaya naman ito dahil lalong gumanda ang garden nya at nadagdagan pa ng ibang variety na bulaklak na binili ko.

" Kuya baka gusto mong sumama mamaya sa aming pagpasyal sa centro ni ate sarah?" Tanong ni belinda kay kuya kanor.

" Hindi na bunso may trabaho pa ako mamaya, alam ko rin namang panay sa pangbabae kayo pupunta mamaya." Sagot nito na ikinatawa namin. Medyo naging spoiled ko kasi itong si belinda simula noong nagkapera na ako. Nakikita ko kasi sa kanya ang mga kapatid ko na binibigay ko nalang ang atensyon sa kanya pag nangungulila ako sa mga kapatid ko. At trinitreat ko ito madalas na syang ikinasasaya nya dahil noon pa man ay hindi sila nakaranas ng ganitong buhay. Simula nang dumating daw ako sa kanilang buhay ay gumaan at mas sumaya noong dumagdag ako sa kanila.

Into The World of Tigris Where stories live. Discover now