Pahina Doce: Harvest time

1 0 0
                                    


Ilang araw na ang nakalipas simula nang mag tapat ako ng aking nararamdaman kay Adam. Hindi ko alam kung iniiwasan nya ako dahil hindi naman sya galit o ano, civil ang kanyang pakikitungo sa akin nitong mga nakaraang araw. Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano dahil hindi nya ako itinakwil bilang isang kaibigan, alam kong maunawain si adam kahit na alam nya nang may gusto ako sa kanya ay naging gentle ito sa akin pagkatapos naming mag usap.

Ngayong araw ang pag h-harvest ng mga prutas dito sa malawak na lupain ng kapatid ni nanay adelina. Kahapon kami nag lakbay at ngayong umaga ang pag harvest. Ibat-ibang klase ang mga tanim nilang prutas kaya marami-rami kaming aanihin.

May kanya-kanya kaming grupo para sa pag aani at sa ubasan ako pumunta hehe. Balak ko kasi habang namimitas ay kakain rin ako. Malayo naman ang distansya namin sa bawat isa.

Nag umpisa na kami kanina pa at nakakatatlong subo palang naman ako baka kasi mahuli tayo. Nag insist naman si nanay na kahit wala ng bayad ang pagtulong namin ngayon dahil kada taon naman talaga ay tumutulong kami sa pag harvest.

Napangiti ako dahil ang lalaki ng grapes nila dito hindi kagaya sa earth malalaki nga hindi naman natural. Pinunasan ko ito at itinapat sa araw. Grabe ang ganda talaga ng pag kakatubo alam mong masarap. Sinubo ko ito at nginuya.

" hmmm, sarap! Ang tamis." Maligalig kong sabi.

Ilang oras pa kaming nag harvest at tinawag na kami ng kapatid ni nanay. Mas bata ito kaysa sa kanya at nasa mid 40's palang ito, si nanay kasi ay 54 na.

Ayos! Kainan na gutom na rin kasi ako. Tinipon ulit namin ang mga na harvest at inayos ito. Pagkatapos ay pumunta na kami kung saan nakalagay ang pagkain. Kanya kanya kami ng sandok at upo sa gilid. Napili ko sa ilalim ng puno pumwesto.

" Sarah! Ayos naman ba ang pag h-harvest mo kanina?" Tanong sa akin ni Harlin na kasama ko sa ubasan.

" Ayos lang naman, ang saya nga eh- libre tikim hehe"

" Mabuti kung ganon." Dinaldal pa ako nito na tumatango tango nalang ako.

Pagkatapos naming kumain at mag pahinga ay bumalik na kami sa aming mga pwesto at ginugol ang ilang oras na pag h-harvest.

Tumulong rin akong mag buhat at ilagay sa kariton ang lahat ng mga na harvest. Pagkatapos nito at sumakay ako sa likod ng kariton kasama ng iba pa na nakasakay rin sa kariton.

Pinag masdan ko ang ang kapaligiran, makulay at masarap na hangin na syang pinaka isa sa paborito ko dito sa mundo kaya minsan naiisip ko nalang na ayaw ko nang umuwi, ngunit meron akong sariling mundo at may naghihitay parin sa aking pagbabalik. Tumingin ako sa kalangitan na nagsisimulang dumilim at pumikit ako. Huminga ako ng malalim at kumanta.

" Blue as the wings of a heron in the night
Like the rising of the tides on the shores of Isle Skye
They gleam evergreen, winds 'a whistling in the pines
Like a castle-crawling vine, like the grassy Glen of Lyon
And rich as the mud after rain upon the ground
They're a whisky hue of brown, braided river running wild

I fell astray, but in you, I have found
That I am ever bound to your hazel eyes"

This is also one of my favorite saktong-sakto yung vibe ng kanta dito sa mundong ito magagandang kapaligiran and also because like the title i also have hazel eyes.

I hummed to continue the beat of the song and i open my eyes na syang ikinatigil ko dahil nakikinig na pala sila tapos yung iba nakangiti na. Nakasunod lang kasi ang ibang kariton at nakasakay doon ang iba kaya narinig nila akong kumanta. Tapos bigla naman kasing mag kakalapit na yung mga kariton kaya yun.

Pumalakpak ang iba tapos ay pinuri ako.

" Magaling ka palang umawit binibini matagal ka na naming nakakasama dito ngunit ngayon ka lang namin narinig umawit." Ika ni lolo isko, isa sa nag mamaniobra sa kariton na sinasakyan namin.

Into The World of Tigris Where stories live. Discover now