Pahina Dieciocho: The saving

1 0 0
                                    

Kahit ilang araw palang ni belinda ay sinusulit nitong kasama nya kami. Makulit ito at laging hindi mapakali sa bahay, talagang pumupunta kung saan-saan ngunit sa mga kakilala nya lang naman ito pumupunta.

Ngayon ay andito sya sa mayanar at kinukulit ang mga batang nag lalaro. Hinayaan ko ito at sumama na kila nathan para sa pagpupulong. Isasagawa na kasi namin ang pagtakas sa anak ni Hamarani.

" Sarah!" Salubong sa akin ni Ramil.

" Oh, ramil buti at nagpakita ka ngayon."

" Ah, Oo wala naman na akong ginagawa kaya tutulong ulit ako sa misyon. " sagot nito.

" Buti naman." Sabi ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad at tumabi sa amin si bunok.

" Baka bukas wala ka nanaman ah, lulubog at lilitaw ka pa man din." Singit ni bunok sa usapan.

Napasimangot naman si ramil at napakamot sa ulo nito. Ewan ko ba dyan minsan meron sya minsan wala naman kaya hinahayaan nalang namin. Alam naman naming adventurous ito at alam rin namin kung saan sya nagsusoot.

Nang makarating kami sa kampo ay pumasok na kami dahil maguumpisa narin ang pagpupulong. Hindi nagtagal ay pumasok na si Adam. Tumayo ito sa harapan at inikot ang tingin.

" Sa kaalaman ng lahat ay naging maayos ang paguusap namin ni haring Hamarani at pumayag ito sa ating hangarin. " nagumpisang nag saya ang lahat at kanya-kanyang kumento.

" Ngunit, kaylangan muna nating iligtas ang kanyang anak na lalaki upang tuluyang umanib ito sa atin." Dagdag ni adam.

" Ano."

" Bakit naman pinuno."

" pwede nya namang iligtas ang kanyang anak bakit pa tayo ang kukuha sa anak nyang lalaki."

" Oo nga."

" hindi ba delikado dahil papasok mismo tayo sa palasyo ng hari."

" tuso ito."

" Tigil." Malalim na sabi ni adam n nakapag patahimik sa maingay na kapaligiran.

" Naiintindihan ko ang inyong mga hinaing, ngunit walang hindi laging madali o mahirap ang ating misyon. Minsan kaylangan rin nating pumasok sa butas ng karayom upang mapagsama ang dalawang tela." Tumango naman ako dito dahil naiintindihan ko ang kanyang mga tinuran.

" Bukas ng gabi gaganapin ang pagligtas sa anak na lalaki ni haring hamarani." Pagpapatuloy nito sa usapan.

" Sa nagdaang ilang araw ay pumasok ako at ang iba pa upang isulat ang pasikot-sikot sa palasyo. Sobrang higpit ng bantay sa palasyo na muntik na kaming mahuli ngunit buti nalang ay agad rin kaming nakatakas. At hindi naman malalaman ng haring maximo kung sino ang pumasok sa kanyang palasyo dahil kamakaylan lang ay may pumasok ulit sa kaniyang palasyo at isa doon ang kanyang kalaban na hindi natin alam kung sino mismo dahil marami itong kaaway. Ginawa namin itong pagkakataon para makapasok upang hindi sya magtataka na magkaiba ang grupo na pumasok sa kanyang palasyo. Sa pangalawang pagkakataon naming pagpasok sa palasyo ay hindi kami nahuli sapagkat tatlo lang kaming pumasok. Nalaman kong nasa isang basement kinulong ni maximo si charles na anak ni hamarani. Ito'y aking kinausap at sinabing ilalabas natin sya bukas ng gabi. Ngayong mag plaplano tayo kung pano natin sya ililigtas. " mahabang sabi nito at nilapag ang blueprint na kanilang pinaghirapan. Hindi ko alam na gumalaw sila ng sila-sila lang. Okay lang naman sa akin dahil hindi rin ako laging sumasama sa misyon dahil minsan ay kumikilos ng mabilis si adam. Hindi na ako magtataka dahil gawain nya na ito dati pa.

Sinabi lahat ni adam ang mga detalye sa palasyo at ang mga galaw ng mga tauhan sa loob ng palasyo ganun din si maximo. May nalamang daan si adam na mas ligtas kaysa sa kanilang dinaanan noong una. Sinabi rin nito ang plano kung paano ililigtas ang lalaking anak ng hari.

Into The World of Tigris Where stories live. Discover now