Pahina Dieciseis: Store

1 0 0
                                    

Isang araw makalipas nang makarating kami sa mayanar, ngayon naman ay andito ako sa aming Store upang bisitahin ito kung maayos parin ba ang pamamalakad ni Yani.

Maaga akong umalis at nagpaalam kay nanay na bibisita sa aming store. Maghapon akong tutulong ngayon dito at mag o-observe kung ano ang mga pwede pang baguhin para sa ikakaganda ng store. Kakatapos rin ang pagpapalaki ng store namin at bago rin ang mga ibang gamit. Second floor ito at sakto lang ang lawak para maka-ukupa ng hindi karamihang tao.

Nang makarating na ako sa centro ay dumiretcho ako agad sa store. Binati ako ng aming mga empleyado na binalik ko rin sa kanila na may kasamang ngiti.

Habang binibuksan at nag aayos sila para sa araw na ito ay tinatanong ko si Yani kung ano na ang kalagayan ng store at kung ano ang mga nangyari dito, ganun din kung may naencounter ba silang pasaway na customer. Nagtanong rin ako kung ano ang pwede pang baguhin at idagdag kung sakali. Nilista ko ang mga problema at kulang sa store at iuutos ko nalang sa aking tauhan para ayusin. Nang ayos na ay nagsimula na kaming batiin ang mga customer na maagang namimili.

Gaya ng dati ay mas maraming bumibili ng umaga kaysa sa hapon dahil mas prefer talaga ng mga tao dito na mamalengke ng umaga.

Masaya ako dahil gumanda kahit papaano ang aking store. Sa totoo ay ako naman talaga ang nagpatayo nito at pinangalan ko lang kay nanay ang store which is "Adelina's Herbal Store". Una ay Herbal store talaga sya ngunit kalaunan ay nadagdagan na ng jam kaya ayun. Lumalago naman sya hanggang ngayon na kinakatuwa ko, marami naring nakakakilala sa aming store lalo na ang mga nobles.

Ang ibang herbal kasi ay inaangkat ko sa ibang kaharian ganun din ang spices na kaylan ko lang dinagdag sa aming tinda. May mga nag-umpisa naman nang bumili kahit papaano.

Andito ako sa counter at nira-wrap ang mga pinamili ng customers na nakapila. Pagkatapos ay nagpapasalamat ako sa mga ito bago umalis at ngingiti. Nagbibigay rin ako ng coupons or free items sa mga maraming nabibili. Hindi ko ganong minamahalan ang aking Herbals dahil alam kong maraming gustong bumili ng gamot kaso minsan hindi sila makabili dahil sa mahal ng gamot. Minsan kasi ay hindi maiiwasan na kulang o walang pera ang bumibili dito na mga hirangyan o yung mga lower class.

Minsan tuwing sabado kami nagbibigay ng libreng gamot dito na pinipilahan ng mga marami. Hindi kami lagi namimigay dito dahil ang ibang mga gamot ay limitado lang ang stocks or natitira. Nagbibigay ako sa kanila pag alam kong nabawi ko na ang kita ko. Hindi rin ako nagdadamot pagmerong nagmamakaawa sa harapan ng store ko upang humingi ng kaunting gamot.

Naging usap-usapan ang store dahil doon na lalong lumago at syempre dahil ako lang ang kakaibang Herbal Store na bukod sa medicinal erbs nila ditong binebenta ay nadiskubre kong hindi pa nila alam ang ibang herbs na nakakagamot sa ibang sakit.

Dahil sa ibang herbs na itinitinda ko ay may mga pasikretong pumupunta dito sa store ko para malaman ang itsura ng mga ito at gayahin ang gamot. I know this would happen kaya may mga secret ingredient akong inilalagay sa aking medicinal herbs.

Ang medicinal herbs ay nakalagay sa Mason jars na nakadisplay sa wooden shelves dito sa first floor. Sa second floor naman ay ang mga jams na nakalagay sa canning shelves at ganun din ang mga spices. Meron silang mga ibat-ibang sizes para afford parin ng iba ang pagbili sa aming paninda.

Maganda ang panahon ngayon at sakto lang ang init. Ang ibang tauhan ko ay inaalalayan ang ibang customers at sasabihin kung ano ang mga pangalan at kung ano ang mga naitutulong ng gamot. Matagal rin bago nakilala itong store ko at dalawang buwan ko rin tinuruan ang mga tauhan ko lalo na si Yani ang tumatayong manager ng store ko.

May ibang tauhan akong inuutusan para sa mga stocks ng aking Herbals at jams. Sila rin ang inuutusan kong ayusin ang mga problema dito sa store na inalalayan ko rin noon. Nag hire rin ako ng guard o taga bantay kung meron mang may mangyaring gulo dito. Tumutulong rin sya mag buhat at maglinis dito. Bali apat na lalaki at tatlong babae ang trabahador ko dito, hindi pa kasali ang trabahador ko sa labas. Ang iba ay hinire ko at ang iba ay ang mga tinulungan ko noon.

Into The World of Tigris Where stories live. Discover now