Pahina Veintitres: Dancing in the rain

1 0 0
                                    

" Ah ganon ah." Hinabol ko si adam at tumakbo ito ng mabilis. Tinatawanan nya ako dahil maliliit daw ang aking mga hakbang.

Mas matangkad kasi silang lahat sa akin at 5'4 lang ang height ko. Si adam ay mga nasa 5'11. Mas matanda rin ito sa akin ng dalawang taon at sya ay 26 na. Sila nathan at koko ay magkasing edad lang at sila ay 25. Si bibing naman ay ang bunso sa amin at mas matanda lang ako ng bwan sa kanya. Magkalalapit lang ang tangkad nila at ako ang pinakamaliit sa amin. Kaya minsan ay inaasar nila ako.

Patuloy na tumakbo si adam pa ikot sa mga puno. Hindi ko agad mahuli ito bukod sa mabilis rin sya at maliksi kahit na matangkad ito.

" Come on sarah." Sabi nito habang nakangisi sa akin at nakasilip sa puno.

Napasimangot ako at mabilis na hinuli ito ngunit nahawakan ko lang ang kanyang damit.

" Argg."

" Hahahaha what are you doing? Give up already?" Tumawa ulit ito na syang nakapag painis sa akin lalo.

" Oh you're frowning my little angel." Hindi ko naman alam kung maiinis ako o kikiligin sa kanyang sinabi.

Tumigil ako sa aking kinatatayuan at tumitig dito. Nag cross arms naman ito at tumayong deretcho.

" Ano na my angel, maghihintayan lang ba tayo dito?" Tanong nito at napangisi ako.

Mabilis akong lumapit dito at tumakbo. Tumakbo rin ito ngunit mas binilisan ko ang aking takbo hindi katulad kanina.

" Run baby, run!"

"Run for your life. Hahaha"

" Shit!" Tumakbo ito ng mabilis ngunit naabutan ko ito.

Nang malapit na ako ay tumalon ako ng mataas at inakap ko ang kanyang likod.
Napahiga ito sa lupa at napasama ako. Gumulong-gulong kami sa damuhan at napadaing kami dahil hindi pantay ang lupa dito.

"Ah! Shit." Daing ko at nasa ibabaw ko na ito. Buti nalang nakatungkod ang kamay nya sa ibabaw ng ulo ko at hinawakan ng kanang kamay nya ang aking ulo kanina.

" Ayos ka lang ba sarah.?" Tanong nito sa akin at magkalapit na ang mukha namin. Tumango ako dito at nagkatitigan kami.

Napakaganda talaga ng mga mata nito pinaghalong kulay grey at brown. The grey reminiscent of a stormy sky, and the rich shade of brown that holds the warmth of an inviting hearth.

" Your eyes are beautiful Sarah." Sabi nito at napakurap ako dahil pareho kami ng iniisip. Bumaba ang aking tingin sa kanyang matangos na ilong papunta sa kanyang mga labi na kay pula. Napakagat ako sa aking labi at narinig kong lumunok ito.

" Your lips is inviting me." Napanganga ako sa sinabi nya at napakurap-kurap ulit.

Lumapit ang kanyang mukha at alam kong namumula na ako ngayon, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Magsasalita na sana ako kaso biglang umulan at nabasa na kami ni adam. Umalis naman na ito sa ibabaw ko at tumayo na kami. Saktong nagsitakbuhan ang mga kasama namin papunta dito. Sumilong sila sa ilalim ng puno at inaya ako ni adam na sumilong ngunit hindi ako sumunod.

Bakit kapa sisilong kung nabasa ka narin ng ulan? Ewan ko rin kila nathan dahil sumilong sila kahit naligo naman sila sa ilog.

Ngayon lang ulit ako maliligo sa ulan kaya susulitin ko na. Tinignan ko ang kalangitan at pumikit. Pinakiramdaman ang bawat patak ng ulan na tumatama sa aking mukha. Napangiti ako at itinaas ang mga kamay. Naririnig ko pa sila nathan at adam na tinatawag ang aking pangalan. Kumukulog rin kasi ng malakas at natatakot silang matamaan ng kidlat. Hindi naman malakas ang kidlat at alam kong hindi ito tatama dito.

Into The World of Tigris Where stories live. Discover now