Chapter 1: New Bodyguard

38 11 5
                                    

Kasalukuyang nagsusulat ng nobela si Katherine nang may kumatok sa pintuan ng kanyang kwarto.

"Kath, are you busy?" tanong ng pinsan niyang si Arianne matapos ipagbuksan niya ito ng pinto.

"Yes. Why?" balik na tanong ng dalaga nang makaharap niya ang pinsan.

"Gusto ka raw makausap ni Lolo Delio," tugon kaagad nito sa kanya.

"Tungkol saan?" tanong naman uli ni Katherine. Wala siyang ideya kung bakit siya ipapatawag ng kanyang lolo sa opisina niyo dahilan upang siya'y mapaisip.

"Hmmm! Tungkol raw sa bagong ini-hire niyang personal bodyguard mo," diretsahaang sagot ni Arianne.

"What? Hays, si lolo naman. Sinabi ko na sa kanya noon na hindi ko na kailangan ng bagong bodyguard pa. Ayos naman si Kuya Fred ah!" naiinis na saad ni Katherine.

"Mabuti pa, mag-usap na lang kayo ni lolo." Isang positibong payo ni Arianne dahil iyon ang pinakatamang gawin para maging malinaw ang sa pagitan ng kanilang lolo.

"Sige kausapin ko na lang," sambit na lang ni Katherine saka lumabas ng kanyang kwarto at nagtungo sa opisina ni Mr. Rodelio.

"Good afternoon, Lo," walang ganang bati ng dalaga kay Mr. Yuzon na may pitongpu na edad.

"Maupo ka muna, apo," saad ng kanyang lolo habang pumipirma ito ng mga papeles sa mesa. Tumititig sa kanya saka muling nagsalita, "Gusto ko sana makilala mo ang magiging bagong personal bodyguard mo."

"Sinabi ko naman po sa inyo noon na ayos na sa'kin si Kuya Fred?" dismayadong sagot ni Katherine. "Hindi ko na rin po kailangan ng bagong bodyguard, lolo. Sapat na sa'kin sila Kuya Fred at dapat nga eh mabigyan niyo rin ako ng kalayaan paminsan-minsan. Hindi 'yong ganito na parati akong napapaligiran ng mga personal bodyguards sa tuwing lalabas ng mansion." May mahabang pangangatwiran rin ang iginawad ng dalaga sa matandang lalaki.

"Pero mas magaling itong nakuha kong magiging bodyguard mo at higit sa lahat, maaasahan rin. Mas mapoprotektahan ka niya kahit saan. Kabisado niya bawat galaw at isip ng mga tao sa paligid kaya madali lang niya mapansin kung may panganib na darating," malinaw na pahayag ni Mr. Rodelio sa kanyang apo. Alam niya kung ano mas makakabuti para kay Katherine kaya gagawin niya ang lahat para maprotektahan ang dalaga laban sa mga taong nais saktan ito.

"Di ba gano'n, si Kuya Fred?" tanong ni Katherine.

"Magkaiba sila ng abilidad, apo. Kung papansin mo ang lalaking kinuha ko ay mas mahusay siya. Hindi ka magdadalawang-isip sa kanya," muling paliwanag ng matanda. "Mabuti pa nga papasukin ko na siya rito."

Tinawagan ni Mr. Rodelio ang kanyang executive secretary upang ipaalam rito na papuntahin na ang bagong hire niyang personal bodyguard sa kanyang opisina. Hindi nagtagal kaagad pumasok ang isang binata na may matikas na pangangatawan, may katamtamang taas at kulay ng balat.

"Luke Gabriel Bustoz!" sambit ng matanda sa buong pangalan ng binata. "Maupo ka."

"Salamat," seryosong sagot ni Gabriel.

"Siya ang tinutukoy kong bagong personal bodyguard mo, apo," nakangiting sambit ng matanda sa dalaga. "Gabriel, siya nga pala si Katherine Grace Yuzon na apo kong pagsisilbihan mo."

"Nothing different," reklamo ng dalaga. "With Kuya Fred. I think I don't need an another bodyguard, lolo." Habang tinititigan niya ang lalaki na nasa kanyang harapan. Seryoso ang itsura nito at halata sa kanya ang pagiging strikto.

Huminga nang malalim si Mr. Rodelio, "Makinig ka sa akin, apo. Kailangan mo ng isang tulad ni Gabriel para sa iyong kaligtasan. Hindi ako papayag na gano'n na lang dahil ikaw ang susunod na magmamay-ari ng negosyo na aking pinatatakbo at ninety percent ng aking kayamanan sa'yo mapupunta na," patuloy ang matanda sa pagkukumbinse.

You Are The Reason Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon