Chapter 13: Dinner Meeting

6 4 0
                                    

Niyaya ni Mr. Rodelio ang iilang taong mahalaga sa isang dinner. Balak niyang ipaalam ang tungkol sa nilahad sa kanya ni Warren.

"Alam kong first time natin kumain ng ganitong sabay-sabay," kanyang panimula saka uminom muna ng pineapple juice. "Nais ko lamang ipaalam sa inyo tungkol sa balitang nakalap ko."

Kahit isa sa kanila ay walang nais magsalita pa. Panay lamang lunok ng kanilang pagkain.

Napatitig ang matandang lalaki sa kanyang apo, "Katherine, tungkol sa'yo ang balitang ito."

Sandaling natigilan ang dalaga sa pagkain at ganoon din si Arianne.

"Ano po ang sa'kin, lolo?" Curious at walang kaideya-ideyang tanong ni Katherine.

Dismayado at malungkot ang expression ni Mr. Rodelio sa kanyang nalaman.

"Pupunta ang mga pulis dito bukas sa mansion. May arrest warrant silang dala base sa ebidensyang nakuha nila laban sa'yo." Hinihinay-hinay lamang niya ang nais sabihin. "Pero nabayaran ang judge sabi sa nag-report sa'kin kaya magiging walang saysay ang presenya at testimonya mo sa korte, Katherine."

Halos nagtinginan ang bawat isa at natigilan sa pagkain.

Halos di makapaniwala ang dalaga sa naging pahayag ng kanyang lolo, "Papaano po nangyari 'yon?"

"Maimpluwensya ding tao ang gumawa niyon sa'yo," tugon ni Mr. Rodelio.

"So, you knew them?" Nagmamaang-maangan lamang ang dalaga dahil nawawalan siya ng lakas ng loob sabihin sa kanyang lolo na kilala niya ang nasa likod ng issue ng paninira sa kanya.

Tumango ang matandang lalaki. "Mga taong nagpunta sa party ang gumawa niyon."

"Grabe! Ganoon na ba talaga sila kadesperada?" Biglang singit ni Arianne sa usapan. Hindi na rin niya mapigilan ang inis na nararamdaman.

"Ganid din kasi at makasarili," sabat naman ni Yael sa usapan.

"Tama ka Yael. Ganoon na talaga si Mrs. Lhorin. Kahit gaano pa kayaman hindi pa rin titigil hangga't di pa nakukuha ang gusto niya," pagsang-ayon naman ni Mr. Hidalgo.

"So, ano po gagawin namin lo?" tanong ni Katherine sa matandang lalaki.

"Sasabihin ko na lang kay Gabriel ang gagawin niyo bukas. Basta, maghanda lang kayo."

Nais pa sana ng dalaga magtanong sa kanyang lolo subalit nawalan na siya ng lakas ng loob. Tanging pagtango na lang ang naging sagot niya rito.

May ilang segundo nag-hesitate pa rin siyang nagsalita.

"Mukhang di naman maganda na takbuhan ko ang mga pulis, lo. Bakit di na lang ako mismo ang sumuko sa kanila? Tutal wala naman talaga ako kasalanan eh."

"Di mo naiintindihan apo," wika muli ni Mr. Yuzon. "Walang saysay ang pagsuko mo."

"Binayaran na ni Mr. Lhorin ang judge na may hawak sa kaso mo. Kahit anong gawin mong patunay sa korte mapapawalang bisa pa rin 'yon." Si Mr. Hidalgo na lang ang nagpaliwanag kay Katherine.

"Tama si Warren, apo. Kaya, sumunod ka na lang sa sasabihin ko. Ginagaawa ko 'to para protektahan ka. Hindi kita hahayaang mapahamak ng ganoon na lamang," muling pang saad ni Mr. Rodelio.

Pagkatapos nga ng kanilang usapan, nagsibalikan na rin sila sa kanya-kanyang pwesto. Tanging si Gabriel at Alfred lamang kanilang pinaiwan.

Nakipagkamayan si Mrs. Montes kay Mrs. Lhorin matapos matanggap ang pera. Nanlaki ang mata nito sa kanyang nakita sa loob ng briefcase.

"Sigurudahin mo lang na walang sinuman nakakaalam ang tungkol rito, Mrs. Sylvia," pahayag ni Melanie sa judge na may hawak ng kanilang sinampang kaso kay Katherine. "Siguraduhin mong makukulong ang babaeng 'yon para tuluyan nang masira ang reputasyon nito at maihiwalay na sa matandang niyon."

You Are The Reason Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon