Chapter 16: Unexpected Visitor

6 4 1
                                    

Napaawang ang bibig ni Katherine habang naglalakad palapit sa kanya ang matalik na kaibigan.

"Denz, how did you know I'm here?" Labis pa rin ang pagtataka ng dalaga.

"Hulaan mo kung paano?" Nakakalokong pang pahayag ng binata sa kanya.

Pilit na hinuhulaan ni Katherine na kung paano natunton ni Denzel kanilang lugar.

"Hindi ko alam eh." Tinawanan lamang siya ng binata.

Sa gitna ng kanilang pag-uusap ay natigilan si Gabriel sa kanyang nakita. Lalo siyang nakaramdam ng selos nang niyakap ng kanyang karibal si Katherine. Napaatras siya at di na binalak pang lapitan ang dalaga.

"Hindi na importante kung paano ako nakapunta dito, Kath. Ang importante na makita at madamayan kita kahit sandali," pahayag ni Denzel habang nakayakap pa siya sa babaing mahal niya. "Dahil alam kong di madali ang pinadaraanan mo at alam kong kailangan mo ng taong makikinig sa'yo at ako 'yon."

Nagulat naman ang apat nang bumalik si Gabriel sa kanilang silid. Tahimik at tila frustrated ang itsura nito.

"Ano nangyari?" Pag-uusisa ni Patricio dahilan upang dumungaw naman si Yael sa bintana. Natigilan din ito.

"Si Sir Denz pala nandito na." Nagtinginan sa kanya ang mga kasama.

"Ikaw ang nagbigay sa kanya ng location natin?" sambit ni Alfred nang may pagkadismaya. Hindi dapat ipinapaalam kahit kanino kung nasaan sila.
"Nako naman, Yael. Paano kung nasundan siya? Eh di yari tayo niyan."

"Di ko naman talaga sana sasabihin kaso kinulit niya ako eh saka kung gaano naman siya ka-sincere kay Ma'am Katherine," paliwanag naman ni Yael.

"Siguraduhin mo lang, Yael. Nako, kundi yari tayo kay Sir Rodelio pati sa mga pulis."

"Ok ka na ba?" tanong ni Denzel kay Katherine.

Kasalukuyan silang nakaupo sa buhangin. Pinapanood lamang ang bawat paghampas ng alon sa dagat.

"Napansin ko talaga na sobrang pula na ng mata at ng ilong mo. I thought you cried earlier," muling sambit ng binata. "You have to be brave. Ok lang na umiyak ka paminsan-minsan to express your pain pero di ka susuko. You just trust the time na magbago ang lahat. Walang kasamaan na nagwawakas sa dulo."

"Thanks, Denz," nakangiting saad ng dalaga. "You're here."

"Ako pa ba? I'm your bestfriend since college, right?" Tumango lamang si Katherine. "Anong silbi ng pagkakaibigan natin kung tutunganga lang ako. You knew me on how much I value someone like you." Nagpapahiwatig na si Denzel sa nais niya iparating sa dalaga. Ito na ang time para mag-confess sa matalik na kaibigan. Matagal niyang itinago ang tunay nararamdaman para rito.

Mga ilang sandali ay napansin nila ang unti-unti ng pagbagsak ng ulan kaya naman kaagad sila nagtungo sa mansion.

Nakasalubong nila roon sila Yael at Patricio.

"Hey, Sir Denzel," bungad ng mga ito. "Wala kang sinabi na ngayon na pala punta mo dito, tsk."

"Walang suspense kung sasabihin ko," wika ni Denzel.

"Tamang-tama naghahain na sila ng dinner. Kakain na rin tayo," sambit naman ni Patricio.

"Meron pang isang kwarto sa itaas na pwedeng mong tulugan." Inihatid nga ni Yael ito sa mismong silid na kanyang tinutukoy.

"Ok na 'to," komento ni Denzel.

"Sige, mauna na kami ni Pat sa ibaba. Sunod na lang kayong dalawa." Iniwanan na nga sila roon kaya ipinagpatuloy nila ang usapan naudlot kanina.

You Are The Reason Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon