Chapter 9: Rodelio's Birthday

10 7 3
                                    

Lumapit si Gabriel at umupo sa dulo ng kama ni Katherine.

"Ano kailangan mo?" Tinarayan pa siya ng dalaga.

Ilang segundo pa bago muling sinubukan ng binata na magsalita, "Gusto ko na sana makipagbati sa'yo. Di dahil sa gusto ng lolo kundi dahil sa pinagsamahan na rin natin."

Tinawanan lamamg siya ni Katherine, "Pinagsamahan? Paano tayo nagkaroon ng pinagsamahan?"

Napasapo nanaman ng noo si Gabriel sa ugali ng babaeng nasa harapan niya.

"Wala nga ba?" tanong na lang niya sa dalaga.

"Wala naman talaga eh!" Pagtanggi pa rin sa kanya nito.

"Eh kahit wala, di man lang ba tayo magkakasundo?" pahayag ni Gabriel na pilit niyang maging maayos na sila ni Katherine. "Totoo naman kasi na hindi kita sinumbong dahil ayaw ko ng nagagalit ka pa sa'kin."

May bahagi sa puso ng dalaga na dapat maniwala na siya sa sinasabi ni Gabriel pero dahil sa tuwing naalala niya ang mga nakaraan na nagsusumbong ito sa lolo niya ay baka maaaring ginawa pa rin ito ng binata. Nagsinungaling lamang siya para matigil na ang kanilang diskusyon.

"Pasensya na, inaantok na ako. I need to sleep now." Akmang itatalukbong na sana niya ang kumot ay biglang hinila iyon sa kanya ni Gabriel dahilan para mapaupo siya at niyakap ang sarili.

Napakamot ng ulo si Katherine, "What's wrong with you, uh?"

"Ikaw 'tong ayaw akong kausapin kaya ayan!" giit ng binata sa kanya.

"Inaantok na kasi ako eh at pagod. Kailangan ko na magpahinga," reklamo ng dalaga.

"Di ka naman tatakbo eh. Kakausapin mo lang naman ako at makikipagbati. Di ka naman mapapagod niyon," paliwanag pa rin sa kanya ni Gabriel subalit hindi nagpatinag si Katherine.

"Inaantok na talaga ako. Bukas na lang pwede?" Pilit inagaw ng dalaga ang kumot na sa kamay ng binata. Sa paghihilahan nilang dalawa ay nauwi ito sa biglang pagpatong ni Gabriel ibabaw niya.

Nagtinginan silang dalawa sa mata. Biglang lumakas ang kabog ng puso ni Katherine na tila tumakbo siya ng ilang kilometrong layo. Hindi niya magawang idilat kanyang mga mata at nanatili siyang nakatitig sa magagandang mata ni Gabriel.

Nang nakabalik siya sa wisyo kaagad niyang itinulak ito palayo sa kanya.

"I'm sorry!" Biglang napatayo si Gabriel sa nangyari. "Di ko sinasadya. Ikaw naman kasi."

"Ok na," tanging sagot ni Katherine.

"Anong ok na?" Naguguluhang tanong ng binata sa kanya.

Sinimangutan pa ng dalaga si Gabriel, "Ayos na tayo. Bati na tayo ganoon.." sabi niya lang na di tumitingin sa binata. Bigla siya nakaramdam ng pagkailang sa nangyari lalo na ang eksenang napatitig sila sa isa't isa.

"Talaga? Walang biro?" Paninigurado ng binata sa kanya.

"Oo!" Mahina subalit hindi pa ring napapakaling sagot ni Katherine. Sobrang lakas pa rin ang pagtibok ng puso niya.

Nang sinubukan niyang tumititig sa mukha ni Gabriel na nakangiti ngayon ng tipid ay kaagad na siyang nahiga at tinalukbong ang sarili.

"Magkaibigan naman tayo di ba? Kaya, natutuwa akong bati na tayo." dinig pa niya kahit di pa nagagawang pumikit ng ulo. "Sige, matulog ka na. Good night!"

Matapos niyon ay wala na siyang narinig na nagsalita pa kaya ipinikit na ni Katherine kanyang mga mata hanggang sa nakatulog.

KINABUKASAN ay nagtungo sila sa isang botique shop na kung saan suki na ang kanyang lolo rito pati ang ina ni Katherine. Ang Ella Vaile's Botique.

You Are The Reason Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon