Nagulat si Gabriel sa naging pahayag ni Mr. Rodelio. Binawi nito ang pagpapaalis sa kanyang msnsion at mananatiling magtatrabaho bilang personal bodyguard ni Katherine. Hindi niya inaasahan na mismo pa ang dalaga ang gumawa niyon para sa kanya. Nagkaroon pa tuloy siya ng utang na loob sa babae.
"Nakiusap ng dalawang beses sa'kin ang apo ko. Binigyan niya ako ng isang mahalagang rason para sumang-ayon sa kanya," wika ng matanda. "Kaya sana hindi masayang 'yon. Sa susunod kailangan mo mapatunayan na tama ang naging desisyon ni Katherine."
"Maraming salamat po, Sir Rodelio," natutuwang sabi ni Gabriel.
"Sa apo ko ikaw dapat magpasalamat dahil binigyan ka niya ng isang pagkakataon. Mabuting tao ang apo kong 'yon kahit matigas ang ulo." Kaya, sa huli doon niya napagbigyan ang dalaga.
"Maraming salamat pa rin po." Nakipagkamayan siya kay Mr. Yuzon at ngumiti rin itobsa kanya.
"Walang anuman. Sadyang mabait lang aking apo. Paano na 'yan Mr. Bustoz, kailangan ko ng bumalik sa opisina dahil marami pa akong dapat tapusin." Habang naglalakad palabas ng kwarto ni Gabriel. "Good luck ulit sa'yo!"
Matapos ng kanilang pag-uusap ni Mr. Yuzon kaagad niyang hinanap si Katherine. Nagtungo si Gabeiek sa kwarto ng dalaga subalit wala siya roon. Nagtanung-tanong siya sa mga kasamahan hanggang sa itinuro ang kinaroroonan ni Katherine.
"Sabi ni Yael, nandito ka raw." bungad ng binata sa dalaga dahilan upang lingunin siya nito.
"Ikaw pala." Ngumiti si Katherine sa kanya.
"Salamat nga pala sa tulong." Nakaramdam ng kaunting pagkahiya si Gabriel sa ginawang pagsagip sa kanya ni Katherine. Isang napakalaking utang na loob niya ito sa dalaga.
"Walang anuman saka kailangan mo naman ng trabaho di ba?" Abala ang babae sa pagdidilig ng mga halaman. Naiinip na rin kasi siya sa loob ng mansion lalo na wala si Arianne.
Tumango lamang si Gabriel bilang tugon dahil hindi niya alam kung ano pa dapat niyang sabihin.
"Tutal, mapagkakatiwalaan ka naman eh kaysa mag-hire nanaman si lolo ng bagong bodyguard kaya muling bagong pakikisama nanaman." paliwanag ng dalaga sa kanya. Tinapos na niya ang pagdilig ng halaman. Inayos ang mga gamit saka siya kaagad lumapit kay Gabriel.
"Pasensya ka na sa pagiging mahigpit ko." Nagsalita pa muli si Gabriel matapos ang kinse minuto na pananahimik.
"Ayos lang tutal para sa'kin din naman 'yon." Naglakad na sana si Katherine papasok ng mansion nang napansin niyang may kausap pala siya. "May napansin lang kasi ako sa mga naikwento mo kagabi eh."
Sandaling natigilan si Gabriel sa kanyang narinig. Ano naman kaya ang napansin ni Katherine sa kanyang mga sinabi kagabi?
"Ano narinig mo?" Napa-curious tuloy siya at bahagyang kinakabahan.
"Secret, hehe!" Tinawanan lamang siya nito. "Huwag mo ng isipin 'yon. Babalik na pala ako sa kwarto. Ingat ka."
Tinanguan na lang niya si Katherine dahil wala pa rin siya gaanong masabi at napapaisip naman siya naging pahayag ng dalaga. Ibang klase. Masayahin, matalino subalit hindi ganoon kadali mabasa ang mga kilos at paraan ng pakikitungo nito kahit matagal na rin niya ito nakikita sa CCTV camera at sa tuwing may pagkakataon na nagkakausap sila. Alam lang niya na matigas ang ulo ni Katherine pero bukod pa roon ay wala siyang mapansin.
Pagpasok ng dalaga sa kanyang kwarto nang may biglang nagpadala sa kanya ng mensahe mula sa di-kilalang numero.
From: 0915*******
Hi, Miss kamusta? Alam kong gumaling ka na rin matapos ang nangyari. Huwag kang mag-alala patikim ko pa lang sa'yo 'yon. Hahahaha!
BINABASA MO ANG
You Are The Reason
RomanceSi Katherine Grace Yuzon isang kilalang writer sa Pilipinas at tagapagmana ng kanyang lolo na ai Rodelio Yuzon, na naghahangad lamang ng simpleng pamumuhay. Masayahin, matalino, matapang na babae at mabuting kaibigan si Katherine subalit may katigas...