Chapter 8: Competition

12 7 1
                                    

"Writing contest?" gulat na tanong ni Katherine sa kanyang pinsan.

"Yeah at sasali ka dito. It's time para maipakita mo sa mga tao at sa kanila na hindi mo ninakaw ang akda na 'yon," pagpapaliwanag at pagbibigay nito ng motibasyon ni Arianne sa kanya."Tamang-tama kasama si Avril sa nasabing contest. Hamunin mo."

"Yeah, you are right. This is the time to shine. We can fight for this." Naging maaliwalas muli ang mukha ng dalaga sa magandang balita. Ito na ang panahon para mas lalo niyang patunayan na hindi siya manggagaya at mas lalo hindi magnanakaw ng gawa ng ibang tao para lang maging panalo.

"Tama 'yan, Kath. Tiwala sa sarili at lakas ng loob ang sandata," pagsang-ayon ni Arianne nang may karagdagang motibasyon para palakasin ang loob ni Katherine.

"For now, kailangan ko na paghandaan ang sarili ko." Kumuha ng damit ang dalaga sa aparador saka nagtungo sa banyo. "Teka, kailan nga pala ang contest?"

"Next week kaya mas makakapaghanda ka nang maayos. Ako na lang din pala magpapaalam kay lolo," wika ni Arianne.

"Sige, salamat Rian!" Ngumiti si Katherine sa kanyang pinsan bago niya isinara ang bathroom upang maligo. Kailangan niyang i-refresh ang sarili para makapaghanda.

SA KABILANG BANDA naman ay kasalukuyang kausap ni Avril ang isa sa kanyang mga tauhan. Nalaman niya kasing kasali din ang rivalry niyang si Katherine sa isang writing contest na gagawin next week. Hindi niya hahayaan ang babae na 'yon mahigitan siya ulit. Tanging siya lamang ang karapat-dapat na magaling na manunulat sa buong Pilipinas at wala ng iba.

"Anak, sino kausap mo?" tanong ng kanyang ina na si Melanie. "Bakit nakabusangot ka? Dapat nga eh masaya ka dahil unti-unti na natin siya matatalo at mapupunta na sa'yo ng nasa kanya?"

"Kausap ko si Bruno isa sa tauhan natin. Inutusan ko na maghanda na mga bata niya para pigilan si Katherine na 'yan!" wika ng dalaga nang inis sa kanyang mukha. "Sumali rin siya sa writing contest na gaganapin next week?"

"Ano?" gulat na gulat na sambit ni Melanie.

"Kaya, gumawa kaagad ako ng paraan para di siya makadalo." Nanatili pa rin kay Avril ang paghahamon kay Katherine. Ganoon siya kapag nadedehado lahat gagawin niya para makabawi at wala siyang pakialam kung may ibang tao man siya natatapakan.

"Ambisyosa talaga ang babaing 'yan! Lahat na lang ata kinukuha niya pati 'yong nararapat sa'tin?"

"Kaya nga Ma! Sa ngayon, hindi na siya magtatagumpay lalo na kukunin ko lahat sa kanya," pahayag ni Avril nang may pangagalaiting makuha lahat ng bagay na tinatamasa ni Katherine.

Si Avril ay bunsong anak nina Melanie at Gregorio Lhorin. Si Alicia Gail Lhorin ang panganay niyang kapatid na tumutulong din para maisaktuparan ang plano. Nagmula din siya sa mayaman na pamilya. Mechanical engineer ang kanyang samantala dating nurse ang ina ng dalaga. Nagkaroon ito ng violation sa dating hospital na pinagtatrabuhan noong dalaga pa kaya nawalan ito ng trabaho.

"Magtatagumpay tayo anak. Wala man ang lola mo dito, tiyak na matutuwa 'yon sa atin," aniya ng ginang na si Melanie.

Papunta na sana sila Katherine sa gaganaping writing contest nang may biglang humarang na kotse sa kanilang daraanan. Naalarma si Gabriel pati kasamahan nito kaya nagawa nilang niloko ang sasakyan subalit nagpaputok ng baril ang mga armadong lalaki. Biglang nawala sa sarili Katherine sa narinig niyang 'yon.

"Kath, magpakatatag ka. Takpan mo lang mga tainga mo. Huwag mo papakinggan ang mga putok ng baril. Sasali ka pa sa contest, remember?" Pagpapakalma sa kanya ni Arianne.

"Tama siya. Please!" Habang hawak ni Denzel ang pagkabilang pisngi ni Katherine. Napansin din iyon ni Gabriel dahilan muntikan na siyang mabaril ng mga kalaban.

You Are The Reason Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon