Tahimik lamang pinagmamasdan ni Katherine ang buong paligid sa labas ng mansion. Tila kahapon lamang ang nangyari sa kanya kahit tatlong buwan na itong lumipas.
Bumuntong hininga siya nang napakalalim hanggang sa may narinig siyang boses ng isang lalaki.
"Hinihintay mo ba ako?" tanong nito sa kanya.
Kaagad siyang lumingon sa lalaki at nanlaki kanyang mata nang makita ito ulit.
"Ano ginagawa mo dito?"
"Tsk! Hanggang ngayon masungit ka pa rin sa'kin sa kabila ng nangyari," pahayag ni Gabriel.
Buhat ng iniligtas niya ang dalaga ay hindi pa rin sila nagkakasundo. Subalit, narito na ang pagkakataon upang magkausap sila nang masinsinan.
"Nagtaka lang ako sa biglaang pagbisita mo."
Pagpapaliwanag ni Katherine bilang depensa sa kanyang sarili."Nagulat lang ba o natuwa kang makita mo'ko?" Ngumisi sa kanya ang binata at bahagyang lumapit ito. Tinititigan nanaman siya sa mata dahilan upang ilipat ang tingin sa iba.
Sinimangutan ng dalaga si Gabriel, "Sino naman nagsabi sa'yo niyan?"
Tinawanan siya ulit ng binata. "Ikaw!"
"Anong ako?"
Paano kasi, ikinuwento ng bagong hired na bodyguard ni Katherine kay Gabriel tungkol sa kalagayan nito nang wala siya at nagbitiw sa trabaho. Dagdag mo pa kung paano mag-alala ang dalaga sa kanya noong tamaan siya ng bala sa tagiliran.
Sobrang saya sa pakiramdam ni Gabriel na malaman niyang may pagtingin din sa kanya si Katherine. Indenial lamang ito.
"Huwag mo ng ikaila sa akin, Kath." Inayos nito ang buhok niyang sumisingit sa kanyang mga mata. "Tama na pagpapanggap mong wala kang nararamdaman para sa'kin kahit meron naman talaga."
"Assuming ka rin talaga noh?"
"Assuming ba talaga ako. Let's see." Mas inilapit pa ni Gabriel ang mukha niya sa dalaga dahilan upang nanlaki mga mata nito.
Dinig na dinig ni Katherine ang bilis at lakas ng tibok ng kanyang puso habang palapit na ang mukha ni Gabriel sa kanya. Magpapahalik ba siya o ide-deny niya pa rin dito ang tunay niyang nararamdaman?
Mga ilang segundo pa ay di na tumanggi pa si Katherine hanggang sa dumampi ang mga labi niya sa labi ni Gabriel. Napayakap siya sa binata habang nakahawak ito sa kanyang baywang. Tumagal pa ang halik ng ilang segundo saka muli silang nagtitigan sa isa't isa.
"Mahal kita, Kath. Hayaan mo akong iparamdam ko sa'yo ito. Please?"
Di na nag-alinlangang sumagot si Katherine. "Yes, I will."
"Thank you, Kath." Niyakap siya nito. "Hindi mo ba alam kung gaano kita na-missed sa loob ng tatlong buwan na di pagkikita natin?"
"Bakit kasi umalis ka at nag-resign? Hindi naman kita pinapaalis ah." Pagmamaktol ng dalaga sa binata.
"Kailangan dahil kumuha ako ng licensure examination for teachers at nakapasa ako. Natanggap din ako sa isang eskwelahan na inaplayan ko kaya nagpaalam ako sa lolo mo na magre-resign na ako bilang bodyguard mo." Hinimas nito ang mukha ni Katherine. "Pero kahit nag-resign man ako, nanatili ka pa rin sa puso ko."
Kinilig ng todo roon si Katherine hindi niya lamang pinahalata sa binata. May bahagi pa ring kalungkutan sa isip niya dahil malayo ito sa kanya. Minsan lang sila magkikita nito ng personal.
Mayamaya ay may hinablot ito sa knapsack at lumitaw ang isang bulaklaking paper bag. Inilahad ito sa kanya.
"Happy birthday, Kath!"
BINABASA MO ANG
You Are The Reason
Любовные романыSi Katherine Grace Yuzon isang kilalang writer sa Pilipinas at tagapagmana ng kanyang lolo na ai Rodelio Yuzon, na naghahangad lamang ng simpleng pamumuhay. Masayahin, matalino, matapang na babae at mabuting kaibigan si Katherine subalit may katigas...