Nakatulala habang tumutulo ang luha ni Katherine habang tinatapos pa niya ang anunsyo ng isang publishing house na kung siya nag-submit ng mga nobela. Isa rin 'tong malaking kahihiyan sa kanya sa pangyayari kahit di pa napapatunayan at malaking panghihinayang din ito sa akdang sinulat niya na ngayon nasabing ninakaw umano niya.
Mga ilang sandali ay biglang pumasok ng kanyang silid si Arianne. Natigilan ito nang makitang mugto ang mga mata ng kanyang pinsan.
"Nabasa mo?" tanong niya rito at tumango si Katherine. "Hindi ko alam kung paano nangyari. Nagulat na lang ako kanina nang makita ko sa newsfeed." Nilapitan nito ang pinsan at niyakap nang mahigpit.
"Ga---lit at sa----kit ang nararam----daman ko ngayon, Rian. Hindi ko alam kung ano ga----gawin ko." Humihikbing pahayag ni Katherine dahilan upang maging putol-putol bawat salitang sinasabi niya.
"Iiyak mo lang lahat 'yan, Kath. Nandito lang ako."
Matapos niyon nakatulog si Katherine samantala si Arianne naman ay nagtungo sa dining area.
"Oh, Arianne bakit hindi mo kasama ang pinsan mo?" wika ni Mr. Yuzon nang napansin niyang wala ang paborito niyang apo.
"Di po maganda ang pakiramdam ni Kath." Hindi magawang sabihin ni Arianne ang totoo dahil binilin sa kanya ng pinsan na huwag na muna ipapaalam ang tungkol doon.
Alam ni Katherine na di pa ito malalaman ng kanyang lolo lalo na busy sa kanilang negosyo. Kailangan niya munang humugot ng lakas para ipaalam kay Mr. Yuzon.
"Padadalhan ko na lang po siya pagkatapos kumain," aniya ni Arianne.
"Uminom na ba siya ng gamot?" sunod na tanong ng matandang lalaki sa kanya.
"Kapag nakakain na po siya ng dinner saka ko siya paiinumin," sagot ng dalaga nang may buong pag-iingat.
Matapos nilang kumain kaagad siyang bumalik sa silid dala ang mga pagkain. Nagtungo siya sa kwarto ni Katherine.
"Are you OK now?" kaagad na tanong ni Arianne habang hawak ang isang tray ng mga pagkain.
"Hindi pa pero magiging ayos din ako. Di ko pwede ipakita sa kanila na mahina ako kaya kailangan ko ng makaipon ng lakas ng loob at magpalakas ng pangangatawan," pahayag ni Katherine na masasabing nabawasan ng kaunti ang sakit na kanyang nararamdaman. "Pupunta ako bukas sa publishing house kung saan ko pinasa ang mystery book ko."
"Sasamahan kita diyan, Kath. Ako na lang magsasabi kila Sir Gabriel at sa iba pang personal bodyguards mo para ma-inform sila na may pupuntahan ka bukas." Tumango si Katherine nanf may buong pagsang-ayon sa sinabi ni Arianne.
"Thanks," tipid niyang ngiti bilang reaksyon.
"Walang anuman. Hindi rin ako papayag na mawala ng gano'n lang lalo na dugo't pawis iginawad sa pagsusulat ko ng nobela. Talagang ipaglalaban ko 'yan dahil karapatan ko ang natapakan." saad ni Arianne.
"Sabi nga ni Elaine at Therese, possibleng malaking tao ang gumawa niyon at nagawang bayaran ang publishing company para siraan ako. Pero, wala kaming ideya sa pagkakakinlanlan at motibo ng gumawa niyon," kwento din ni Katherine sa kanyang kasama.
May kinalaman din kasi ang nakita niya sa balita sa mga text messages na natatanggap niya ng mga ilang buwan at 'yong balak na dukutin siya. Masasabi niya kung tungkol man lang sa pamana sa kanya ni Lolo Rodelio ang dahilan, bakit nakasama pa roon ang pagbibintang sa kanya ng pagnanakaw ng isang intellectual rights na siya naman talaga ang nagsulat niyon. Binanta na nga kanyang buhay at sinaraan pa siya ang kanyang pangalan bilang writer.
Kasalukuyan nang binabaybay nila Katherine ang Paper and Roses Publishing Company na kung saan dito niya ipinasa ang kanyang mystery-action book. Ilang sandali ay nakarating na kaagad sila roon at nakasalubong ng dalaga kanyang mga most supportive fanreaders. Dati na tanging sila Jane, Elaine at Therese lamang ang nakasama niya, ngayon nandito na sina Kyla at Harley na parehas na estudyante pa lamang.
BINABASA MO ANG
You Are The Reason
RomanceSi Katherine Grace Yuzon isang kilalang writer sa Pilipinas at tagapagmana ng kanyang lolo na ai Rodelio Yuzon, na naghahangad lamang ng simpleng pamumuhay. Masayahin, matalino, matapang na babae at mabuting kaibigan si Katherine subalit may katigas...