Chapter 10: Secrets

8 6 2
                                    

Kitang-kita sa mukha ni Mr. Yuzon ang ngiti sa kanyang mukha nang muli niyang marinig ang paborito niyang awitin. Natuwa siya kay Denzel sa ginawang surpresa nito sa kanya.

Samantala, napatitig naman si Denzel kay Katherine habang sinasambit ang ibang liriko ng awitin.

Woah, my love, my darling
I've hungered, hungered for your touch
A long, lonely time

Kinilig bigla si Arianne kaya naman kinikiliti nito si Katherine sa tagiliran. Si Gabriel naman ay tuluyang nawala kanyang ngiti sa mga labi. Nagsalin na lang din siya ng wine sa kanyang braso at kaagad ininom 'yon. Napansin din ito nina Patricio at Alfred.

And time goes by so slowly
And time can do so much
Are you still mine?

Napalakpak ang mga taong nanonood pati si Katherine at humiyaw pa ito.

Maya-maya ay natapos kaagad ang performance ni Denzel. Bumalik siya sa dating inuupuan kung saan naroon rin sila Katherine.

"Did you plan this together?" biglang tanong ni Mr. Rodelio kay Denzel.

"Ako lang po. I'm just asked Katherine of what your favorite song is. She mentioned that you preferred, "Unchained Melody," paliwanag ng binata sa matandang lalaki.

"Napaka-romantic! Parang noong kabataan ko pa nang hinaharana ko pa ang lola nila," pagtukoy ni Mr. Yuzon sa kanyang asawa na namatay ng dalawangpu't limang taon. "Napakaganda din ng boses mo, iho. Napakalamig."

Napangiti ng todo si Denzel, "Thank you po, Sir Rodelio."

"Thank you din dahil muli mong binuhay ang alaala namin ng aking yumaong asawa," pahayag ni Mr. Yuzon na may kaunting pag-flashback sa kanyang isipan.

Maya-maya pa ay muling nagsalita ang MC upang mabigyan ang iba pang makapag-perform o makapagsalita sa gutna ng stage. Tumayo sa kinauupuan ang isang ginang na si Sonia Yuzon- ina ni Arianne.

Nagpalakpakan ang mga tao. Mayroon pang sumunod na mga iba upag magpahayag ng pagbati at pasasalamat sa matandang lalaki.

Sumunod, ang biglang pag-anunsyo ng MC ng kainan at sayawan para sa gabing 'yon. Kaya naman marami-raming tao ang pumunta sa gitna upang sumayaw. Tanging smooth at slow na love songs ang ipinatugtog gamit ang violin at guitar na background ng musika.

Unang sinayaw ng dalaga kanyang lolo ng ganoong katagalan. Naupo na rin siya matapos si Arianne naman ang sumunod hanggang sa iisang anak na babae ni Mr. Yuzon na si Sonia.

Mga ilang minuto pa ay may lalaking tumayo sa harapan ni Katherine- kanyang college bestfriend na si Denzel.

"May I have this dance?" direktang pagyaya nito sa kanya na sumayaw. Kinilig si Arianne at napatulala naman ang iba nilang kasamahan particular kila Alfred, Patrick, Yael at iba pa nilang kasamahan. Maliban lamang kay Gabriel na tanging kalmado lang at walang reaskyon na bakas sa kanyang mukha.

"Sure!" Nakangiting sagot ng dalaga sa binata saka siya tumayo at pumunta sa gitna upang sumayaw.

Saktong pagtapak nila roon ay biglang nag-play ang song na "Perfect" by Ed Sheeran. Nag-slow motion ang paligid maging sa kanilang dalawa. Nakatitig lamang si Denzel kay Katherine. Nakangiti dahil natutuwa siyang masilayan muli ang kagandahan ng kanyang babaeng iniibig. Natutuwa rin siya dahil nakakasayaw niya ito. Isa sa unforgettable moment 'yon ng binata.

"You really look so gorgeous, Kath." Napaka-sexy ang tinig na iyon ni Denzel na kung saan damang-dama niya ang pagmamahal para sa dalaga. Balak na rin niya mag-confess dito pero nauunahan siya ng kaba kaya hinayaan muna niyang lumipas pa ng ilang mga minuto. Kailangan niya makahugot ng lakas para umamin.

You Are The Reason Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon