Di tumitigil si Arianne sa pagligpit ng kanilang mga gamit samantalang si Katherine naman ay wala pang balak kumilos. Hinihintay pa niya ang sagot ng pinsan.
"Paparating na ang mga pulis," sagot nito nang may halong kaba sa boses nito.
"Ano?" di makapaniwalang tanong ni Katherine kay Arianne. Agad na siyang bumangon mula sa kama upang makapaghilamos.
Mga ilang sandali ay dumating na rin sina Gabriel at Alfred para tulungan na sila. Hindi pa rin magawa ng dalaga ang magtanong dahil sa labis ng kanyang pagkagulat sa nangyari.
Bago pa man makalabas ng silid ay sinigurado nila na walang maiiwan na anumang gamit mula sa kanila at bakas na magtuturo sa kanila.
Naglalakad na silang apat pababa ng hagdan habang naghihintay sila Patricio, Yael, Charlie at ang lima pang bodyguard ni Katherine. Naroon rin sina Derick at Kendra na hinihintay na rin kanilang paglabas.
"Sasamahan ko na sa daan patungong exit," saad ni Derick sa kanila. "Pero di ko na kayo sasamahan sa labasan niyon dahil haharapin pa namin mga pulis."
"Basta mag-ingat lamang kayo. Nasabihan na namin doon sa caretaker ng bahay ng tutuluyan niyo mamaya," sabi naman ni Kendra.
Mga ilang hakbang pa ay natunton na nila ang isang maliit lamang na yatch.
"Sumakay na kayo baka mahuli pa kayo ng mga pulis," pahayag ni Derick. "Bilis sakay." Inalalayan na nila ang mga ito kasama pa ang ilang mga tauhan upang mapabilis na kanilang pagtakas.
"Maraming salamat," wika ni Alfred sa kanila at ganoon din iba pa niyang kasamahan. Sinangunian naman siya ni Gabriel.
"Sige na, Mang Bruno ihatid niyo na sila," huling sambit ni Kendra na may mahinahon sa kabila ng nalalapit na pag-encounter sa kanila ng pulis.
Nang makalayo na sila Katherine ay kaagad silang bumalik sa mansion at inayos pa anumang ebidensya na makikita mula sa kanila.
Nasa kalagitnaan na ng karagatan sila nang may nakarinig sila ng sunud-sunod na putok ng baril.
"Ahhh!" daing ni Katherine kasabay sa pagtakip sa kanyang tenga. Kaagad siyang niyakap at inalalayan ni Arianne. Di na rin nagdalawang isip si Gabriel kaya siya na mismo ang gumawa niyon.
"Ligtas na tayo, ok?" Nanatili lamang nakapulupot kanyang mga braso sa dalaga.
"Natatakot ako!" Halos nababaliw na ng husto si Katherine dahil sa sunud-sunod pang putok na kanyang naririnig. Kaya naman mas hinigpit pa niya ang pagyakap sa dalaga para di na marinig ito ang anumang putok ng baril.
"Ssshhh." Pagpapakalma niya pa rito.
"Magiging ok din lahat, Kath. Makakarating na tayo sa bahay na tinutukoy kanina nila Derick." Tumango si Gabriel sa sinabi ni Arianne pati kanilang kasamahan.
Trenta minuto ang oras ng kanilang biyahe para makapunta sa isang village. Naglakad lamang sila para mahanap iyon. Natagalan pa sila ng ilang minuto bago natagpuan.
Mabilis naman silang sinalubong nang mag-asawa na may edad ng singkwenta anyos.
"Bilis, pasok po kayo!" wika ng lalaki.
"Dito po." Itinuro naman sa kanila ng ginang na si Yolly ang bahay na kanilang matutuluyan pansamantala. Tago ito dahil natatakpan ng isang malaking up and down na bahay na pagmamay-ari naman nila.
"Mga Sir and Ma'am, heto po ang susi niyan." May ibinigay sa kanilang susi galing sa bulsa ng lalaki.
"Salamat po, Mang Edgardo," sabi ni Gabriel saka inilahad niya ang mga susi kay Yael na siyang nasa pinakamalapit ng pintuan.
BINABASA MO ANG
You Are The Reason
RomanceSi Katherine Grace Yuzon isang kilalang writer sa Pilipinas at tagapagmana ng kanyang lolo na ai Rodelio Yuzon, na naghahangad lamang ng simpleng pamumuhay. Masayahin, matalino, matapang na babae at mabuting kaibigan si Katherine subalit may katigas...