Chapter 15: Confrontation

5 4 1
                                    

Sandali lamang tumitig si Gabriel kay Katherine. Nagawi kanyang mata sa ilong ng dalaga hanggang sa labi nito. Hindi na siya nagdalawang isip na nakawan ito ng halik. Labis ang pagkagulat ng dalaga sa nangyari. Sa halip, napapikit siya ng mata upang tugunan ang halik ng binata.

Mga ilang sandali lang ay nilayo na ni Katherine ang sarili kay Gabriel. Hindi siya mapakali.

"Matutulog na 'ko." Naiilang pang saad nito saka naglakad na palayo sa kubo.

"Hindi pa nga tayo tapos mag-usap," wika ni Gabriel na tila na nasiyahan pa siya sa ganoong eksena.

Napangisi lamang ang binata sa nangyari. Tinawanan niya ang naging reaksyon ng dalaga matapos niyang halikan ito sa labi. Sa pangalawang pagkakataon, nagdampi kanilang mga labi. Kay Katherine lamang niya iginawad 'yon na kahit matagal na rin silang magkasintahan ni Hannah. Magkaibang spark ang nararamdaman para sa dalaga kumpara sa kanyang girlfriend.

Simula pa lang niya maramdaman iyon kay Katherine halos di na siya mapakali at halos mabaliw na rin sa selos sa kaibigan nitong si Denzel. Kakaiba ang naidulat ng dalaga na iyon sa kanya.

Matindi na talaga ang kanyang kasalanan kay Hannah. Niloloko na niya ito. Kaya't kapag bumalik na talaga sa normal, kakausapin niya ito at aaminin ang totoo. Hindi niya sinasadya ang magtaksil sa kasintahan. Sadyang nahulog lang talaga ang loob niya kay Katherine na di malamang dahilan.

"Uy, brad! Saan ka galing?" tanong ni Alfred kay Gabriel matapos makita nitong kakapasok lamang sa kanilang silid.

"Nagpahangin lang." Pilit na itinatago ng binata ang kanyang reaksyon kanina.

"Talaga?" Hindi magawang maniwala ni Alfred.

"Iyon nga." Napangiti lamang ng nakakaloko ang kasamahan sa naging sagot ni Gabriel.

"Sige, matutulog na'ko. Good night." Nahiga na lang ang lalaki at di nagtanong pa.

KINAUMAGAHAN. Halos sabay-sabay silang kumain ng breakfast. Napansin ni Patricio na di pa rin nagkikibuan sina Katherine at Gabriel.

"Wala bang pag-asa na magkasundo kayo?" tanong niya pa.

Tila walang narinig si Katherine. Tahimik lamang siya na kumakain. Napabitaw naman ng kubyertos si Gabriel upang uminom ng tubig. Sariwa pa sa kanya ang nangyari kagabi kung paano nag-response rin si Katherine sa kanya.

"Di ba dati ok naman na kayo?" sambit ulit ni Patricio.

"Hirap lang kalimutan ang ginawa ng taong nagsinungaling tungkol sa kanyang sarili. Hindi gano'n kadali." Nakapagpaliwanag pa rin si Katherine sa nais niya sabihin.

Nagtinginan lahat sa kanya pati kay Gabriel na tuloy-tuloy na lamang sa pagkain. May bahagi sa kanyang puso na naging apektado siya sa sinabi ngayon ni Katherine. Akala niya ok na ang lahat matapos niyon.

Pagkalipas ng isang oras, naisipan ng dalaga na tumambay sa pangpang ng dagat. Tumitig siya sa di kalayuan. Mayamaya ay may tumabi sa kanya. Si Gabriel.

Hinawakan nito kanyang kanang kamay para di makatakas. "Di na ba talaga tayo magkakasundo?" tanong sa kanya ng binata. "Friends na tayo dati eh."

Lumingon aa kanya si Katherine, "Hindi tayo friends. Sina Denz at Rian lang kaibigan ko."

"Ibig sabihin, joke mo lang 'yon?" Halos di matanggap ni Gabriel ang pagbawi ng dalaga sa pangako nito sa kanya.

"Wala akong naalala na naging magkaibigan tayo," sabi pa ni Katherine.

"Ano pa ba dapat kong gawin para mapatawad mo ako, Kath?" Nabigla ang dalaga sa kanyang narinig. Tinawag siya nito sa kanyang palayaw na dating Miss Yuzon ang tawag naman sa kanya. "Or Grace na lang?"

You Are The Reason Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon