Pwersang kinaladkad ng mga tauhan ni Mr. Yuzon ang isang lalaki na sinasabing nagtraydor sa kanila at sinasabi ring mata ng mga Lhorin.
Galit na galit niyang tinititigan ang lalaki. "Ikaw pala ang taong tumatar*nt*ado sa'min!" Sinuntok pa niya ng dalawang ang beses dahilan upang matumba ito. "Akala mo di namin malalaman? Sino sa inaakala mo."
"Sir Rodelio, ano na po gagawin natin sa kanya?" tanong sa kanya ni Carlosin.
Itinutok ng matanda ang baril sa mukha ng taong tumaraydor sa kanila. "Mabait naman akong tao di ba? Huwag na huwag mo lang tatrayduhin dahil kapag ginawa mo, huwag nang umasa na magkakaroon ka pa ng second chance," sambit niya pa sa lalaki. Gigil na gigil siya sa nagawa nitong pagtataksil sa kanila.
Naging maamo ang mukha ng lalaki kasabay ng kanyang pakiusap kay Mr. Yuzon. "Huwag mo po ako patayin. May mga pamilya po ako. Maawa kayo sa'kin," naluluha nitong pahayag.
Tinawanan lamang siya ng karamihan roon. "Sana inisip mo pa 'yan noon. Eh di sana, makakasama mo na ang family mo."
"Please, maawa po kayo. Bigyan niyo ako ng pagkakataon. Hindi ko na po uulitin."
"Never, iho. Ginawa mo na kaya dapat sa'yo..." Di na nagdalawang isip pa si Mr. Rodelio na baralin ang lalaki ng tatlong beses. Nagkaroon ng sunod-sunod na putok sa buong mansion at halos dumanak na ang dugo ng lalaki.
"Itapon niyo na 'yan saka pakitawag si Philip na ayusin at linisin ang mga nagkalat na dugo dito. Maliwanag?" utos niya pa sa mga tauhan.
Pagkatapos ibinigay muli kay Carlosin ang hawak niyang baril.
"Yes, Sir Rodelio," sagot ni Francis saka nagsialisan na silang lahat sa isang malaking inabandonang silid sa mansion.
"Alam kong hindi lang siya ang taong nagmamanman sa atin, Sir Rodelio," sambit ng kanyang personal secretary na si Mr. Hidalgo. "Sa ngayon, wala pang nakikitang lead sila Francis tungkol dito."
"Tama po si Sir Warren. Meron pang iba sa tauhan at gwardiya natin na tauhan din ng mga Lhorin," sabat naman sa kanila ni Carlosin. "Huwag po kayo mag-alala, Sir mananaliksik kami at magmamasid kung sino pa ang nagtataksil sa'tin."
"Hanapin niyo at muli mong iharap sa akin. Ako na mismo ang papatay sa kanila. Mga traydor at walang utang na loob!" Bakas pa rin sa matanda ang pagkainis sa kanyang nalalaman. Hindi niya inaaasahan na makakapasok pa ang mga kalaban sa kanyang teritoryo.
Kasalukuyang kumakain sila Elaine, Jane, Therese, Kayla at Harley sa isang kilalang kainan malapit sa park. Nagdesisyon silang magkita-kita ngayon upang pag-usapan ang gagawin na pagtulong kay Katherine. Tutulungan nila itong pawalang bisa ang kaso laban sa dalaga.
Abala sila kwentuhan at sa pagkain nang mapansin ni Elaine ang labis na pagtutok ni Ksrla sa kanyang phone. Kanina pa niya ito napapansin. Di nga magawa ng dalaga makasabay sa kanilang usapan lalo na sa gagawing plano.
Sa sobrang kuryosidad ni Elaine mabilis niyang nakuha ang phone nito.
"Sino kausap mo ah? Nandito nga pero naka-focus ka naman sa textmate mo!" sambit ni Elaine na hawak-hawak pa rin ang phone.
"Uy, akin na 'yan!" giit ni Kayla na pilit kinukuha sa kanya ang phone.
"Ibigay mo na nga, Elaine tzk," wika naman ni Jane.
"Titignan ko muna kung sino 'tong kausap ni Kayla. Boyfriend mo ba 'to?" tanong naman niya.
Hindi nakasagot ang kasama kaya tinignan niya ang nasa screen ng phone. Natigilan siya sa kanyang nabasa, nainis at saka ipinasa kay Jane.
"Basahin mo!"
"Ano meron?" bunga rin ng kuryosidad tinignan rin iyon ni Jane. Kumunot ang kanyang noo sa nabasa.
BINABASA MO ANG
You Are The Reason
RomanceSi Katherine Grace Yuzon isang kilalang writer sa Pilipinas at tagapagmana ng kanyang lolo na ai Rodelio Yuzon, na naghahangad lamang ng simpleng pamumuhay. Masayahin, matalino, matapang na babae at mabuting kaibigan si Katherine subalit may katigas...