Nagmamadali sila sa pag-alis upang di mahuli pa ng mga iba pang tauhan ng dalaga.
"Bilisan niyo!" sigaw ng isang lalaki upang isama na si Charlie sa pagsakay sa berde na van.
"Napakagaling mo, Char. Nagawa mo siyang mahikayat sa simple lamang pamamaraan," saad ni Melanie na nakangisi lamang kasama kanyang mga anak.
"Sa wakas nahuli na rin natin siya," wika ni Avril na nakangisi rin.
"Mas mabilis pa tayo kumilos kaysa sa mga pulis na puro palpak ang mga operasyon," sambit pa muli ni Melanie.
"Kaya nga, Mama! Naiinip ako sa aksyon na ginagawa nila masyadong makupad," aniya ni Alicia na nanatili siyang nakatitig sa walang malay na si Katherine.
Pagsapit ng gamit, nagising ang dalaga mula sa kanyang pagkawala ng malay buhat kanina. Napagala kanyang paningin sa paligid. Napansin niyang wala siya sa mansion at nakagapos kanyang mga kamay. Masyadong kulob ang lugar kaya di madali sa kanya ang makatakas.
Napansin niya ang isang napakaliit na bintana sa bandang itaas ito. Tila matindi ang pagkakasara niyon kaya kailangan niya ng matigas na bagay upang sirain 'yon.
Hindi niya pa nagagawa ang pagtakas ay lagapak na ang pawis sa kanyang mukha. Hindi magawang punasan dahil sa nakatali niyang mga kamay at paa. Tanging nagawa lamang niya ay gumalaw-galaw upang lumuwag ang lubig na nakapulupot sa kanya.
Inaalala ni Katherine ang nangyari kanina habang ginagalaw-galaw ang katawan. Sariwa sa kanyang isipan ang pagtawag sa kanya ni Charlie. Wala siyang alam na niyon na kasabwat ito sa pag-kidnap sa kanya.
"Paano niya itong nagawa sa'min?" saad ng dalaga sa kanyang isip. "Lahat na lang ng ipinagkakatiwalaan ko, isa lamang palang impostor." Bakas sa kanyang mukha ang inis na nararamdaman. "Nakapakabuti kong tao para traydurin at lokohin ako ng ganito!"
Sa gitna pa ng kanyang pag-iisip ay napansin niya ang unti-unting pagbukas ng pinto. Bumungad sa kanya ang mag-iina at mga tauhan nito. Nakangisi tila bang nakuha na nila ang kanilang kailangan.
"Long time no see..." sambit ni Avril sa kanya. "Sa wakas, nandito ka na."
"Masyado mo kaming pinahirapan sa paghuli sa'yo ah!" wika ni Alicia. "Talagang napakagaling ng mga bodyguards mo para protektahan ka at iligtas pero nandito ka ngayon. May natatago rin pala silang katangahan sa katawan nila gaya ng amo nilang katulad mo." Humalakhak pa ito kasabay naman ng malakas palakpak ni Melanie.
Tahimik lamang ni iniobserba ni Katherine ang mga ito sa halip na makipagtalo pa dahil sa huli siya lang naman ang lugi. Ang tanging naisip niya lamang paraan ay paamuhin mga ito kapalit ng pera.
"Pakawalan niyo na ako, please?" Pagmamakaawa ng dalaga sa mga kaaway. "Magbibigay ako kahit ilan na gusto niyo."
Muli siyang tinawanan ng mag-iinang Lhorin. "Hindi namin kailangan niyan. Kitam mo?" si Avril habang intinuro ang bawat sulok ng silid. "Mayaman kami para tumanggap ng pera."
"Di ba 'yon naman ang gusto niyo ang makuha ang mga mana kay Lolo Delio, di ba? Ibibigay ko kapalit ng pagpapalaya niyo sa'kin." Pilit na kinukimbinse pa ni Katherine ang mga ito upang mabakasakali siyang makuha niya ang loob ng mag-iina sa isang maayos na usapan.
"Hibang ka na ba?" saad ni Melanie. "Sapalagay mo, mapapayag mo kami sa gusto mong mangyari? Nagkakamali ka."
Napansin ni Katherine na walang patutunguhan ang naisip na plano. "Katapusan ko na ba?" sambit niya sa isip.
"Ang gusto namin mamatay ka na saka makuha ang kayamanan na dapat sa'min mapupunta," muling wika ni Avril.
"Dahil sa'yo at kay tanda kung bakit nakaranas ako ng matinding hirap," giit naman uli ng ginang sa kanya.
BINABASA MO ANG
You Are The Reason
RomanceSi Katherine Grace Yuzon isang kilalang writer sa Pilipinas at tagapagmana ng kanyang lolo na ai Rodelio Yuzon, na naghahangad lamang ng simpleng pamumuhay. Masayahin, matalino, matapang na babae at mabuting kaibigan si Katherine subalit may katigas...