Chapter 2: College Friend

13 8 3
                                    

Bigla nakarinig ng isang pamilyar na boses si Katherine mula sa di kalayuan.

"Hey, Miss Yuzon! Long time no see."

Nilingon niya ito at nagulat sa kanyang nakita, "Haze?"

"Oh, come on. Denzel na lang itawag mo sa'kin, please? Graduate na tayo sa college eh," reklamo ng binata sa kanya.

"Matagal na kayo magkakilala?" Naguguluhan si Arianne dahil ganoon na lamang ang closeness nila Katherine at Denzel.

"Yes!" masiglang sagot ng binata sa kanya at muling humarap kay Katherine.

"Eh kaya pala napansin ko na sobrang close kaagad kayo eh," muling sambit ni Arianne.

Tinawanan lamang siya ni Denzel, "Hmm, magkaano-ano nga pala kayo ni Miss Yuzon?"

"Magpinsang-buo kami ni Arianne," mabilis na tugon ni Katherine sa binata.

Nakipagkamayan si Denzel sa pinsan ni Katherine. "Nice to meet you, Arianne."

"Same here," nakangiting sagot nito sa binata. Di rin siya makapaniwala na dati na ring magkaibigan ang dalawa. Napapaisip si Arianne kung nagkaroon din ba relasyon ang dalawa.

Binalik ulit ang atensyon ng binata kay Katherine.

"Ok! Why are you here, anyway?" tanong nito sa kanya.

"Hulaan mo," nakangiting sagot ng binata.

"I have no idea since matagal na rin tayo hindi nagkakausap eh," sagot naman ni Katherine.

Pagkatapos ng graduation, nagkanya-kanya na nga sila at walang kamustahan kahit sa social media platforms lang. Ganoon na naging ka-busy ang kanilang buhay.

Halos di pa rin nawawala ang ngiti ng binata sa kanyang labi. "Well, I'm here for the award."

Napatingin si Katherine kay Arianne at muling tumitig sa binata. "Don't tell me na- "

"I got an award as one in the best recording artist of the year," mabilis na tugon ni Denzel kaya hindi na naituloy ang sasabihin ni Katherine.

Di makapaniwala ang dalaga sa sinasabi ng dating kaibigan.

"All I thought na imagination mo lang 'yon and now, tinupad mo nga naman talaga. You said before that music is not included in your priority."

Labis pa rin ang pagkagulat ni Katherine sa kanyang nalaman ngayon. Nagkukwentuhan kasi sila noon ni Denzel tungkol sa kanilang goals and priorities in life. Kaya di siya makapaniwala na tinupad pa rin talaga ng kaibigan ang passion nito sa music. Talagang marami na ngang pagbabago sa kanila buhat nang grumadweyt sa college.

"I'd realized that I really love music kaya gusto ko pa rin i-pursue ito kahit di naman iyon ang pinag-aralan sa kolehiyo. Wala eh, music is life for me," muling paliwanag ni Denzel. "This is also the way how I express my thoughts and feelings about something. Eh, ikaw ba't ka nandito? Only updating about your fave celebrities?"

"Nakakuha ako ng award for being best-selling author," direkta niyang saad dahilan para kumunot ang noo ng binata sa kanyang sinabi.

"Really?" gulat na tanong ni Denzel sa kanya. "I don't know you have passion in writing too. Ang alam ko lang na kumakanta like me."

"Mahilig din ako magsulat mula pagkabata hanggang teenage life natin pero di ko lang sineryoso because I tried to explore my skills in singing."

Sila ang dalawa madalas na magkasama sa isang sulok ng kanilang classroom tuwing break-time at sa tuwing walang pumapasok na professor sa isang subject. Kumakanta sila gamit ang isang gitara.

You Are The Reason Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon