"Huwag na kayo maglaban pa kung ayaw niyo magkaroon pa ng problema. Basta isuko niyo lang sa amin ang apo niyo." Mahinahon lamang itong kumausap sa kanya.
"Hindi naman ako tututol diyan, Mr. Domingo." Nang napansin niya ang apelyido nitong nakaukit sa uniporme. "Kung gusto niyo halughugin ang buong mansion, sige lang."
"Heto po ang arrest warrant laban sa apo niyo." May inabot sa kanya na isang papel at tumango lamang siya.
"Hahayaan ko ang kamay ng aking apo sa inyo," sigaw niya nang may halong panghuhumaling para di mapansing pinatakas niya iyon.
Wala nang sali-salita pa at kaagad na ring binigyang sign ng lalaking pulis kanyang kasamahan na sumugod na sila papasok pa main area ng bahay.
"Sundan niyo sila," utos naman niya kaagad sa dalawang tauhan para mabantayan ang kilos ng mga pulis.
"Masusunod po, Mr. Rodelio," tugon kaagad sa kanya ng mga ito at kaagad ding sinundan ang mga kapulisan.
Mahigit isa't kalahating oras naghanap ang mga ito sa mansion subalit hindi nila makita si Katherine. Nagkalat na nga ang isa kanila.
"Mukhang naisahan tayo ng mga 'yon ah!" saad ng namumumo sa kanila.
"Nahalata nila na susugod tayo ng ganitong oras," sambit ng isa pang lalaki na tila may edad ng trenta anyos.
"Impossible, dahil sekreto ang operasyon natin." Nagtataka si Mr. Ramirez kung bakit nalaman kaagad ng mga Yuzon ang tungkol sa kanilang pagsugod rito.
Wala siyang kamalay-malay na isa sa kapulisan niya ang nakapaglahad ng kanilang operasyon kay Mr. Rodelio. Nagawa pa rin ng lalaki na maging kalmado at tila wala siyang alam doon.
"Mabuti pa subukan natin hanapin si Miss Yuzon sa labas mismo nitong bahay. Malamang di pa 'yon nakakalayo," positibong pahayag muli ng kanilang pinuno.
Sinamaan niya ng tingin si Mr. Rodelio. "Hindi pa kami tapos sa inyong apo. Mahahanap pa rin namin siya."
Walang anumang reaksyon nagmula sa matandang lalaki at naghihintay lamang siya ng sasabihin pa ni Mr. Ramirez.
"Kung ako sa inyo sabihin niyo na kung nasaan ang 'yong apo kundi madadawit kayo sa kasong ito," giit pa ng lalaki. "Maaari kayong kasuhan ng pagtulong niyo sa isang akusado na takasan ang batas."
"Huwag ako ang subukin mo, Mr. Ramirez. Walang kasalanan ang apo ko. Kung sino man nag-utos sa inyo na huluhin siya at sirain ang reputasyon niya, hintayin niyo na lang hatol ng kapalaran." Matapang na nilahad ni Mr. Yuzon kanyang nais iparating sa mga pulis. Hindi niya uurungan ang mga ito. Anong halaga na lamang ng kanyang pera, kapangyarihan at impluwensya kung di niya magawang ipagtanggol si Katherine. Gagawin niya pa rin ang lahat para sa dalaga.
Di na nakapagsalita pa ang lalaki saka ng dumiretso palabas ng palasyo. "Magpapatuloy pa rin tayo sa paghahanap," utos niya sa kanyang kasama sa team at mabilis na lumabas ng Yuzon compound.
Kasalukuyang nag-iisip si Katherine kung saan sila paroroon gamit ang private plane na ito. Naalala niya kanina kung kahanda lahat sa kung paano siya itatakas sa mga pulis. Inihatid pa sila ng isa sa tauhan ng kanyang lolo sa mismong airport. Halos di siya makapaniwala.
"Ilang minuto na lang, malapit na tayo!" Dinig niyang saad ni Gabriel sa kanila. Napatitig siya rito saglit at kaagad niya inalis ang paningin sa binata. Hanggang ngayon, masama pa rin ang loob niya rito. Parang napakabigat sa kanya na patawarin ito.
"Ok ka lang ba?" tanong sa kanya ni Arianne na kagigising lang din.
"Ayos lang ako." Isang tipid na sagot ang ginawad lamang ni Katherine sa kanyang pinsan. Wala talaga siya sa mood para makipagkwentuhan. Naghalo-halo na ang kanyang emosyon sa nangyari- fears, confusion, sadness and regrets.
BINABASA MO ANG
You Are The Reason
RomanceSi Katherine Grace Yuzon isang kilalang writer sa Pilipinas at tagapagmana ng kanyang lolo na ai Rodelio Yuzon, na naghahangad lamang ng simpleng pamumuhay. Masayahin, matalino, matapang na babae at mabuting kaibigan si Katherine subalit may katigas...