Chapter 4: The Armed Men

10 8 3
                                    

Naglalakad si Katherine pabalik sa kanyang kwarto nang makasalubong niya si Gabriel na kakalabas lang din ng silid nito. Hindi niya pinansin ang binata upang komprontahin. Nilampasan lang niya ito nang walang anumang salita na binitiwan.

Nang makarating na ang dalaga sa kanyang kwarto ay kaagad na lumapit sa kanya si Arianne, "Kath, ano nangyari?"

Nginitian niya lang ito at wala siyang balak magsalita. Dire-diretso lamang si Katherine sa kanyang silid. Masasakit pa rin ang buo niyang pangangatawan dahilan para mapadaing pa rin siya. Kaya, mas pinili na lang niya ang manahimik lalo na napagod siya makipagdiskusyon sa kanyang lolo.

"Uy, Kath! Kung may problema ka, magsabi ka lang ah. Handa ako makinig," dinig niya sa kabilang silid. Napangiti siya ng kaunti roon at muling bumalik sa seryosong mukha.

Kasalukuyang pinanonood ni Gabriel si Katherine sa silid nito gamit ang CCTV camera na nakakabit para siguradong ma-monitor bawat kilos ng dalaga. Napansin niyang matamlay pa rin ito dahilan na nakaramdam siya ng pagkaawa sa dalaga kaya naman inalis niya muna ang tingin sa laptap.

Napabuntong-hininga siyang napahinga sa kwarto nang may nag-text sa kanya.

Pagkalipas ng mga araw naging maayos na rin ang pangangatawan ni Katherine. Matapos ang pagtatalo ng kanyang lolo hindi na siya nagpumilit pang lumabas ng mansion.

Sa kabilang dako, nakabusangot si Arianne nang makita niya mga kumukupas na rin ang ilan sa mga kanyang damir.

"Nako, parang di na 'to nagkakasya sa'kin ah!" wika ng dalaga habang sinusukat ang ilan sa mga damit niyang panglakad.

Ang ilan sa mga ito minsan na lang suotin dahil bihira lang talaga sila makalabas ng mansion.

"Heto pa!" reklamo niya. "Mas lalo ata akong tumataba dito sa bahay ni lolo kaya mga damit ko hindi na nagkakasya, tzk.".

Mga ilang sandali ay may bigla siyang naisip tutal naiinip na rin siya manatili sa loob ng mansion. Nagtungo siya sa kwarto ni Katherine saka kumatok.

"Sige, pasok!" dinig niya at mabilis niyang binuksan ang pinto. Bumungad sa kanya si Katherine na abala na nakatutok sa computer.

"Hays, naipadala ko na ang manuscript sa kanila. Sana wala na masyadong babaguhin. Mas mahirap pa naman na gano'n," dinig pang muli ni Arianne.

Napansin siya ni Katherine na nakatayo lamang sa may pintuan kaya kaagad siyang tinanong sa sadya nito. "Bakit, Rian?"

"Eh kasi may sasabihin ako sa'yo..." nahihiyang pahayag ni Arianne sa kanya.

"Ano ba 'yan?" curious na tanong ni Katherine sa kanya. Sinara niya muna ang computer saka muling humarap kay Arianne.

"Hmm, napansin ko kasi na di nagkakasya sa'kin 'yong mga ilan kong damit," panimula ng dalaga. "Tapos, ayon naisipan ko sana pumunta tayo ng mall para mamili. Ikaw, baka may gusto ka ring bilhin na susuotin."

"Kung gusto mo sasamahan lang kita. Dami ko pa kasing damit sa cabinet na di pa nga nasusuot eh," sagot ni Katherine. "Saka hindi ako mahilig sa fashion pero kung may bibilhin man ako hindi mga damit. Mga libro- non-fictional and fictional books. Filipino and English."

"Gora naman ako diyan kaso ang problema natin ay si lolo kung pumayag siya ulit na lumabas tayo ng mansion," saad ni Arianne.

"Ako, bahala. Kausapin ko si lolo," sambit ni Katherine.

"Hindi, ako na lang Kath. Nakakahiya naman sa'yo eh. Ikaw na nga madalas lumalapit kay lolo at ikaw rin madalas na napapagalitan," presinta at pagtanggi ni Arianne.

Nahihiya na talaga siya kay Katherine at naaawa na rin. Siguro ito naman ang pagkakataon niya na humarap sa kanyang lolo at magpaalam na lumabas naman sila. Halos dalawang buwan na rin silang di nakakagala sa labas ng mansion.

You Are The Reason Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon