"Kath, nagpupumilipit kasi siyang pumasok eh!" Di mapalagay na saad ni Arianne.
Bakas kay Gabriel ang pagkainis sa kanyang nakita. "Bakit hinayaan mong magpapasok ng bisita dito, Miss Yuzon? Mayroon tayong library, dining room, salas."
Kaya naman biglang nakatayo si Denzel sa kanyang kinauupuan.
"He is my friend. Wala ka na do'n," matalim na pagsagot ni Katherine kay Gabriel.
"Saka, lalaki siya at babae ka, Miss Yuzon. Paano mo hinayaan mo ang sarili na gawin 'to, ah?" giit muli sa kanya ng personal bodyguard.
Tinaasan niya ito ng kilay at nilapitan si Gabriel. Pipigilan na sana ito ni Denzel subalit tumanggi ang dalaga.
"Who are you para pangunahan ako sa kung sino ko patuluyin sa kwarto ko? You're just my bodyguard!" Tinamaan roon si Gabriel sa naging pahayag sa kanya ni Katherine.
"Tama na 'yan, Kath. Much better doon na lang tayo sa library or sa salas niyo." Pilit na pag-aawat na lang nais gawin ni Denzel. Ramdam niya kung gaano pabigat ng pabigat ang tensyon ng dalawa.
"Your personal bodyguard is right. Wala akong lugar dito. I'm sorry if lumampas na'ko sa boundaries." Dugtong pa muli ng binata sa kaibigan. "Pinoprotektahan ka lang niya, Katherine." Pagbibigay-linaw lamang ng binata subalit hindi ito nasunod.
"Wala kang kasalanan, Denz. In the first place ako 'yong masusunod. Hindi siya," muli pang hasik ni Katherine. "At sinasabi mong protection? Di ako naniniwala diyan. He is just doing this for his own sake para maging bida siya sa harap ni lolo."
Inawat na nga ng binata ang dalaga dahil para di na lumalala pa ang away sa pagitan ng dalawa. "Tara na, Kath. Huwag niyo nang painitan pa lalo mga ulo niyo. Just relax ok." Inalalayan na nga ni Denzel si Katherine na makalabas ng silid.
"I'm sorry. Kakausapin ko na lang siya." Bilin na lang nito kay Gabriel.
Pagkalipas ng limang oras ay pansamantalang nakatambay ang binata sa balcony. Malayo ang iniisip. Nabalik lamang siya ulirat nang lumapit sa kanya si Arianne.
"Gusto mo siya di ba?" Nagulat si Gabriel sa naging tanong nito sa kanya.
"No. Mayroon akong girlfriend." Pagsisinungaling pa niya sa pinsan ni Katherine.
"Pero si Kath ang gusto mo, Sir Gabriel. Kitang-kita ko kasi kung gaano ka nagselos nang makita mong magkasama sila kanina ni Kuya Denz eh." Wala ng takas ang binata sapagkat huli na siya. Ganoon ba ka-obvious para mapansing nagseselos nga siya?
"Alam mo, first time kong makita ng gano'n si Kath na magalit sa tagal namin magkasama," kwento pa ni Arianne sa kanya.
"Hanggang ngayon mainit pa rin ang dugo niya sa'kin." Napabuga nang hangin si Gabriel. "Di ko alam kung bakit. Sinusubukan ko naman na maging nice na sa kanya para wala ng tensyon pero gan'on pa rin."
"Nagsinungaling ka kasi sa kanya. Di mo kaagad sinabi ang totoo. Si Kath kasi ang tipong nagiging aggressive pagdating sa taong mahalaga sa kanya. Kitang-kita ko gaano siya magalit kanina eh. Kitang-kita ko rin noon kung gaano niya pilit na isinisisi ang sarili sa pagkamatay ni Tito Seb."
Napalingon ng diretso si Gabriel kay Arianne matapos marinig ang pangalan ng kanyang ama. Hanggang ngayon wala pa siyang nakukuhang lead kung sino pumatay rito.
"Tapos, heto dumating ka at nalaman niyang anak ka ng isang taong halos itinuring niyang ama at namatay rin dahil sa kanya. Siyempre iba mararamdaman niyon ni Kath kundi guilty sa sarili niya."
Pilit na lamang mapigilan na maging affected sa mga pahayag ni Arianne sa kanya. Masasabing mas lumalalim pa ang nararamdaman niya para kay Katherine. Dati rati kapag magtatalo sila nito ay balewala sa kanya at ang mahalaga magawa niya ang trabaho higit sa lahat siya ang masunod. Pero sa nangyaring sagutan nila ng dalaga ay nasaktan siya sinabi na personal bodyguard lang siya nito.
BINABASA MO ANG
You Are The Reason
RomanceSi Katherine Grace Yuzon isang kilalang writer sa Pilipinas at tagapagmana ng kanyang lolo na ai Rodelio Yuzon, na naghahangad lamang ng simpleng pamumuhay. Masayahin, matalino, matapang na babae at mabuting kaibigan si Katherine subalit may katigas...