Chapter 11: Heartbreaks

7 5 0
                                    

Kasalukuyang binabaybay nila Katherine ang daan patungong hospital kung saan naka-confine kanyang lolo. Hindi siya mapakali na di nakikita ang tunay na kalagayan nito. Nang nakarating na sila ay napagdesisyunan nilang maghiwa-hiwalay dahil bawal sa ospital ang maraming bisita at baka mapagdududahan silang mga kriminal. Tanging sila Katherine, Arianne at Gabriel ang unang nagtungo sa kung saan naka-confine si Mr. Yuzon.

"Uy, Ma'am Katherine!" gulat na saad sa kanya ni Hilario. Isa sa assistant personal bodyguard ng matandang lalaki. "Di ba masyadong delikado para sa inyo ang lumabas ng ganito?"

"Alam ko pero gusto ko lang talaga makita si lolo. Kamusta siya?" tanong ng dalaga nang may kasabikan makita si Mr. Yuzon.

Ilang segundo bago nakapagsalita si Hilario, "Ayos naman siya kaso sabi ng doctor kailangan niya magpahinga. Sa tagal ng panahon, ngayon ulit siya inatake ng sakit sa puso," pagpapaliwanag ng lalaki sa kanila. "Paalala pa ng doctor kailangan ng iwasan na ng lolo mo ang mga bagay na nagbibigay sa kanya ng sama ng loob."

Napatango-tango ng dalawa bilang kanyang reaksyon sa nalaman. Naawa siya sa sitwasyon ni Mr. Yuzon. Matanda na rin ito para magkaroon ng masyadong alalahanin.

"Saan siya? Gusto ko makita si lolo..." Pakiusap ni Katherine nang mahinahon kay Hilario. "Kahit sandali lang mabisita namin siya at aalis man din kami kaagad."

"Sige po, Ma'am Katherine." Itinuro sa kanyang ng binata at hinatid na kung saan naroon si Mr. Yuzon. Nakahiga, may nakakabit na oxygen at binabantayan din siya ng tatlong bodyguard nito sa loob ng silid.

Dahan-dahang lumapit ang dalaga habang tinitignan niya ang kalagayan ng matandang lalaki. Bakas din sa mukha ni Arianne ang nararamdaman sa kanyang nakikita. Samantala, nanatili lamang na kalmado si Gabriel.

"Lolo..." Mahina subalit halos mangiyak-ngiyak na saad ni Katherine. Naupo siya sa gilid ng kama at muling tinititigan ito. "Kamusta kayo? Pasensya na kung nagawa naming lumabas ngayon dahil di po ako mapakaling di ka makita at malaman ang kalagayan mo."

"Huwag po kayo mag-alala, Ma'am Katherine at Ma'am Arianne. Gagaling din kaagad si Sir Rodelio. Sabi ng doctor malakas ang resistensya niya kayq magagawang labanan niya ang sakit," sambit ni Carlosin na siyang personal bodyguard din ni Mr. Yuzon. Sinang-ayunan din ito ng dalawa pa niyang kasamahan na sina Francis at Jonathan.

Apatnapung minuto silang nanatili roon hanggang sa napagdesisyunan nilang lumabas na ng silid. Kailangan nilang bumalik kaagad dahil nanatili pa rin delikado sa kanila ang gumala. Hinayaan muna nilang makapunta roon sila Alfred at iba para madalaw din kanilang amo. Nagkita na lamang sila sa isang waiting shade ng hospital.

Nilakasan ni Gabriel ang loob na kausapin si Katherine upang humingi siya ng tawad. Hindi niya matinis ngayon na manatili silang gano'n. Sanay na siyang nagkakausap sila ng dalaga.

"Pwede ba tayo mag-usap?" tanong kaagad ng binata. Nagsialisan kaagad kanilang mga kasama pati si Arianne.

Natigilan ang dalaga sa kanyang paglalakad. "Ano pa pag-uusapan natin?"

Napabuntong-hininga na si Gabriel. "I'm sorry." Tanging iyon lamang nasambit niya dahil inuunahan siya ng kaba.

Ewan ba sa kanya na kung bakit nakakaramdam pa siya ng gano'n dahil sanay na siya at dahil di dapat nangingibabaw sa kanya ang emosyon. Pero bakit ngayon para siyang nanghihina sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib.

Hindi pa rin siya nililingon ni Katherine. "Iyon lang ba sasabihin mo?" Malamig na pahayag ang muling bumungad kay Gabriel. First time niyang makita ng gano'n ang dalaga lalo na mas kilala ito sa pagiging masayahin, palabiro at sa pagiging matigas na ulo. Ngunit ngayon, parang di na niyang magagawang makapagsalita nang maayos dahil sa malamig nitong boses.

You Are The Reason Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon