Biyernes...Pasipol sipol na naglalakad sa hallway ng Nursing Building si Daniel, nakapamulsa ito at nakasampay ang blazer sa balikat. Sa loob ng bulsa ay may isang susi siyang pinagawa sa Recto. Mula ito sa hugis na binakat niya sa isang panligong sabon sa loob ng banyo nina Marie nung maligo siya. Napangiti siya. Nasa bulsa niya ang susi ng langit...Ang langit sa piling ni Marie. Ang batang bata, maganda, masarap at malibog na si Marie.
" Dan!"
Nawala sa daydreaming mode si Daniel at lumingon sa direksyon ng tumawag sa pangalan niya. Sinalubong niya ang lalaking papalapit. Si Gary. Or Sir Gary sa mga estudyante. Professor ng theoretical learning ng Oncology Nursing. Bale counterpart niya dahil siya ang kasama ng estudyante sa hospital sa applied learning or Related Learning Experience. RLE for short. Matangkad lang siya ng kaunti sa medyo chinitong colleague niya. Maganda rin ang pangangatawan nito. Mahilig magbasketball eh, sa isip isip niya. In short, maappeal. Crush ng karamihan ng estudyante kahit medyo may edad na rin. between 38 to 42 na yata ang kumag. Kung iisipin mo maraming nayaring babae itong si Gary pero alam ni Daniel ang kahinaan nito...Torpe! Indecisive ika nga. Pero may asawa na ito. Ayon sa kuwento nito minsan nag iinuman sila. Nagpunta lang ito sa Mindoro minsan dahil naimbitahan ng pinsan. Nakipag inuman. Nalasing. At paggising nito, may katabing babae na nakukumutan lang ang hubad na katawan. Ang masakit pa, nakatindig ang isang matandang lalaki sa harapan niya na may hawak na mahaba at nangingintab na itak. So kung may shotgun wedding, Si Gary ay biktima ng itak wedding. Naikasal agad di Gary sa huwes sa munisipyo ng Calapan. Isinama niya ang kanyang maybahay sa maynila at nanirahan sa isang apartment. Nurse din ang napangasawa ni Gary. May hitsura din naman. Kumbaga hindi lugi. Kinalaunan ay pinalad makapunta ng Chicago si Hilda na asawa ni Gary. Hindi sila magkaanak kahit anong pilit. Hindi ko naman matanong si Gary kung palyado ba ang sandata niya at puro blank bullets ang laman or kung asawa nito ang may problema. Pribadong buhay na nila yun. Hindi ugali ni Daniel maging UZI sa mga ganitong sensitibong bagay. Dahil nakaalis na nga si Hilda ng may dalawang taon na rin, solo na lang si Gary sa apartment niya. Paminsan minsan ay dun sila nag iinuman habang nag gigitara. Isa yun sa hilig nilang magtropa kasama si Ver.Si Ver? Vergilio Mulintapang. Sir Ver sa mga estudyante nitong third year levels ng nursing. Kasamahan ni Daniel sa hospital na dati nilang raket. Nasa Abroad ang asawa. May tatlong anak na inaalagaan ng ina ni ver na nakatira sa apartment na inuupahan niya. Kung anong torpe ni Gary siyang pagkamanyakis nitong si Ver. Pasimple nga lang. Di rin kagwapuhan at pinakamaliit sa kanilang tatlo sa height nitonh 5'7". Medyo nahahalata na rin ang pag usli ng tiyan nito. Di mahilig sa sports maliban sa taekwondo kung saan blackbelt level ito. Kumpyansa itong gumalaw at magdala ng sarili. Mabiro at kinagigiliwan ng mga estudyante dahil sa pakwela itong magturo. Sabay silang ni recruit ni Gary mula sa hospital nung makita silang magtrabaho sa ward nun. Kinausap sila nito and the rest is history na nga. Naging magtropa sila since nag umpisang magturo si Daniel at Ver sa unibersidad na yun. Medical-Surgical ang tinuturo ni Ver. Theoretical at RLE. So may araw na nagtuturo ito sa classroom. At may araw na CI ito sa affiliate hospitals ng University. In fairness, magaling magturo ang tatlo. Sa Last evaluation na ginawa sa mga estudyante ng Nursing, 1-2-3 ang rankings nila. Una si Daniel. Sumunod si Ver. Pumangatlo si Gary. Sa halos isandaang nagtuturo sa Nursing ng iba't ibang theoretical at RLE, napakaganda na ng pagkakapuwesto nila sa evaluation. Maging ang dean ng nursing na si Mrs Sanchez ay nagpadala ng card sa kanilang tatlo na nadatnan na lang nila sa kani kanilang desk. Keep up the good work! Saad ng card kung saan nakapirma ang Dean.
Maayos ang samahan ng magkakaibigan. Usually pag Friday or Saturday nakatambay sila kina Gary. Dun nag iinuman, tumutugtog at nag gigitara. May kanya kanya silang Gitarang acoustic. Puro imported pa. Pinag ipunan o pinadala. Martin ang gitara ni Gary. Halagang hindi bababa sa 50k kung itutumbas mo sa pera natin. Naka Taylor Guitar si Ver. 35k daw ang raket niya. Padala ng mahal niyang asawa ang pera at dito na lang sa Pinas niya nabili. Si Daniel? Washburn guitar. Inabot din ng 15k at pinagipunan pa niya talaga. Puro electro acoustic ang mga ito. kapag nag iinuman sila, isinasaksak nila ang mga ito sa PA system ni Gary sa bahay na unti unti niyang naassemble at sa pagitan ng kanilang pag iinom ay ang pagla live session nila na hindi naman ikinaiinis ng mga kapitbahay. Ika nga kaya nilang magdala ng tono. Pasado na siguro kahit tumugtog sila sa Quiapo biro minsan ni Gary sa tropa. Game ako dyan laging sinasagot ni Daniel. Basta mga brod, dapat multiple branches tayo. Dapat tatlong sumbrero ilalatag natin sa bangketa ika nga. At sasabayan na nila ito ng paghahagalpakan.
BINABASA MO ANG
Sneaky
RandomThis story is intended for reading purposes only and is not my original work. I do not own the rights to this story. Please be aware it contains mature content and may not be suitable for all audiences. Reader discretion is advised. You have been w...