Lumapit si Dean Sanchez sa desk ni Daniel. Tumingala si Daniel nang maramdaman ang paglapit nito sa desk niya."Good morning, Dean" bati niya dito.
" Good morning, Daniel." balik nito sa kanya. " Are you busy today?" tanong pa nito.
" Di naman masyado, maam" sagot ni Daniel. " Tsini check ko lang po ang mga different case studies na ipi present ng different groups sa kin bukas...and then start writing test questions ."
:" Can you please do me a favor? "
"Yes, Dean...Basta ba kaya ko...wag lang kayong uutang sa kin.. I dont lend money to people unless it's a million or above." nangingiting sagot ni Daniel sa kanyang dean.
Di mapigilan ni Dean Sanchez ang matawa sa tinuran ng lalaki. Alam niya ang kabaligtaran ng financial capabilities nito kaya nga ito ang nilapitan niya.
" May experience ka sa Emergency Room Nursing right?" tanong nito kay Daniel.
" Been there. Done that...and all i have is a T-Shirt that says i can do CPR..but for beautiful girls only!" pabirong sagot uli ni Dan. Tinaasan ng kilay ng dean ang lalaki.
"Maam naman...Opo i have an extensive experience sa ER." nakangiti pa ring sagot niya sa dean. Di siya takot kay Mrs Sanchez. Alam ni Daniel na nirerespeto ng dean ang kanyang competency regarding nursing.
Tatango tango ang dean. " Ok then...you better hurry sa ER ng (binanggit ng dean ang pangalan ng malapit na hospital)...May naghihintay na group ng senior students dun.
"Po?" naguguluhang tanong ni Daniel.
"Tumawag si Ms Cortez...She is not feeling well today...Flu daw yata. I want you to cover that shift " pagpapaliwanag ng Dean.
"Ah..ok po dean." Sabay tayo ni Daniel at suksok ng cellphone sa bulsa ng slacks at ballpen sa chest pocket at magilas na hinagip ang kanyang blazer na isinampay sa kanang balikat. Parang sundalo na may pupuntahang giyera o pulis na nakatanggap ng emergency call. Dali dali itong naglakad patungo sa pintuan ng faculty room.
" Daniel !" tawag pa uli ng dean bago ito nakalabas ng pinto.
"Yes, maam?" tanong ng lalaki
"Paano kung matandang pangit na lalaki ang nangailangan ng CPR aber?" tanong ni Mrs Sanches.
" Madali lang yun, Dean..." mabilis na sagot nito. " Susunduin ko po kayo para kayo mag CPR sa kanya." Sabay ngiti nito sa dean at lumabas ng pintuan.
Di napigilan ng dean ang mapailing at mapangiti sa huling tinuran ni Daniel. Hindi mayabang ang dating nito. May easy confidence sa sarili. May gift for teaching although tinanggihan nito ang theoretical teaching post na inoffer niya. Ano nga sinabi nito nung ininterview niya about being a CI...
" Ok Mr Delos Reyes...we will call you once we evaluated your competency for the job vacancy." turan ng dean matapos mag demo teaching si Daniel.
Tumingin ng tuwid si Daniel sa mata ni Dean at marahang nagsalita.
" With all due respect, Maam. Mas gugustuhin ko pa pong ireject nyo ako here and now." Medyo nagulat ang dean sa tinuran ng lalaki. Pero hinintay niyang magpatuloy ito.
"Three days ago...Last friday to be exact... was my last day sa hospital. Im a jobless man right now." pagtutuloy ni Daniel. " But i cannot run the risk of putting my future livelihood into an uncertainties of the usual we'll call you later scheme. I have a family to support."
Di pa rin umiimik ang dean although nagiging interesado siya sa conviction na pinapakita ng lalaki sa harap niya.
Patuloy si Daniel sa pagsasalita. Measured ang bitaw ng mga words nito. " But dont mistake my plea as a sign of desperation." diin pa nito. "I believe i will have more than a fair chance of being accepted in other schools... Yet i must guiltily admit na this is my school of choice."
BINABASA MO ANG
Sneaky
RandomThis story is intended for reading purposes only and is not my original work. I do not own the rights to this story. Please be aware it contains mature content and may not be suitable for all audiences. Reader discretion is advised. You have been w...