Kuya (SEVEN)

189 0 0
                                    


"I'LL BE YOUR CRYING SHOULDER
I'll be love suicide
I'll be better when I'm older
I'll be the greatest fan of your life..."

Dahan dahang iminulat ni Jen ang mga mata patungo sa tinig na naririnig. Nagtutuyo ng buhok si Mark na nakaboxers lang. Galing sa shower. Ang tinig ay napalitan ng pagsipol sa verso ng kinakanta nito. Masaya ang lalaki. Masigla ang dating. Makajackpot ba naman ng batang babae, sa isip isip ni Jen. Napangiti siya. It was worth it pag amin niya sa sarili. Isang bagay na ngayon niya lang naranasan. So what she just read and heard about are actually true. Napasimangot siya bigla. Lintek na ex ko. Wala man lang ka effort effort.

"Galit ka yata?" tanong ni Mark na hindi alam ng dalaga ay kanina pa siyang pinagmamasdan.

" Hindi ah..." sagot ni Jen. Nginitian nito si Mark. " May iniisip lang ako".

Tumango tango lang lalaki. " Baka kako di ka satisfied earlier...sayang naman yung efforts ko," saad nito sa nanunuksong ekspresyon ng mukha.

"Sira!" sagot ni Jen at binato ng unan ang lalaki na humalakhak habang mabilis nitong sinalo ang ibinato sa kanya.

"Hindi ka ba hahanapin sa inyo?" tanong nito sa kanya na may bahid pag aalala sa maaring kompromisong hatid ng kanilang ginawa.

"Hindi. Nagtext ako earlier sa nanay ko...sabi ko kina Leslie ako matutulog." pagpapaliwanag ni Jen. "Bakit? pinapauwi mo na ba ako, huh?" paghahamon pang tanong ng dalaga.

"Leslie...hmnnn... i like the name," paiwas na sagot ni Mark. " Is she as beautiful as you are?" nanunudyo ang tanong nito sa dalaga.

Mabilis na nakatayo si Jen. Hubo't hubad nitong sinugod si Mark at pinagkukurot sa tagliran.

"Um...umm...ganun ha?" gigil na gigil ang dalaga. Inis na inis.

Tawa naman ng tawa ang lalaki. Nang mapagod ay masuyo nitong inakbayan si Jen at hinalikan ito sa buhok.

"Youre beautiful, Jen..." masuyong sabi nito at tinignan ang mukha ng dalaga. "...And I'm one of the luckiest guy on this earth for having you here with me now," may emosyon ang boses nito.

May init na humaplos sa puso ng dalaga. Parang nanlambot ang tuhod niya at humapdi ang sulok ng kanyang mata. Hindi siya umimik at marahang idinampi ang labi sa lalaki at isinubsob nito ang mukha sa dibdib ni Mark. Ayaw niyang makita nito ang luhang pilit niyang nilalabanan sa pagpatak. Ikinulong naman ng lalaki sa kanyang mga bisig si Jen. Hubo't hubad ang dalaga ngunit hindi libido ang namamayani sa pagkatao ni Mark. Sa mga sandaling iyun, gusto niyang maging depensa ng dalaga sa anumang daluyong na dadaanan pa ng buhay nito...na kahit alam niyang imposible...na kahit man lang sa sandaling iyun ay magampanan niya ang papel ng isang matibay na pader na sasandigan nito...kahit sandali lang...kahit sa ilusyon lang...

May ilang sandali rin silang magkayakap nang biglang inangat ni Mark ang mukha ni Jen at dinampian panumandali ang labi nito.

" Shower ka na kid...amoy clorox ka pa...hehehe" at mabilis itong kumalas sa dalaga bago pa nito mapigilan ang lalaki upang kurutin uli. Nakatakbo na ito sa gilid ng kama bago niya pa ito mahagip. Nagsimulang dumial sa phone si Mark.

"Sino tatawagan mo?" tanong ng dalaga dito. Check out na sila? Napasimangot siya na nakita na naman ng lalaki. Nababasa ng lalaki ang isipan ng dalaga.

'Oorder lang ako ng pagkain...kakagutom kaya," sagot nito sabay labas ng dila at ngumuso sa kaselanan niya.

"Manyakis!" sigaw niya dito pero alam ng dalaga na nakangiti siya kay Mark ng sabiihin yun. May kausap na ang lalaki sa phone. Kinuha ni Jen ang isang bathrobe na nakaplastik pa at set ng towels at tinungo ang bathroom.

Sneaky Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon