Kuya (TEN)

130 0 0
                                    


"ANG MUNDO KO AY GUMUHO," panimula ni Mark sa unang linya ng kanta at muling tumingin kay Jen. Parang tumatagos naman ang boses ni Mark sa dibdib ng dalaga. Patuloy lang ang lalaki sa parang mas emosyonal niyang rendisyon ng kanta ni Gary Granada.

"Nang sinabi mo sa kin
Na ang pag asa ko'y malabo
Di mo pwedeng mahalin."

Hindi alam ni Mark pero parang gustong gumaralgal ng boses niya. Pero the show must go on ika nga. Ilang mga customer ang napapalakpak sa lyrics ng kanta. O kaya ay polite lang, sa isip isip ni Mark, kaya pumapalakpak.

"At mayroon na kamo
Sayong nagmahahal.
anong magagawa ko
Kundi ang magdasal..."

Nakatungo na lang si Jen at di na tumitingin sa kanya. Sumisikip din ang dibdib ni Mark. Kahit siya ay nadadala ng kanyang kinakanta.

"Na pag ika'y may pagkukulang
Lagi niyang pupunuan.
Ang iyong pangangailangan
Lagi niyang tutugunan...

Bumubuwelo na si Mark papalapit sa chorus nang kanta. Mas nagiging emosyonal na siya. Yun tipong nasasaktan pero nagpapakalalaki...nagpapanggap...na hindi masakit ang katotohanang nasa harapan mismo ng sarili niyang mga mata.

"Sana ay mahal ka niya
At walang iba...
At siya nga palaaaaa....

Nakatingin na si Jen sa kanya. Tinatamaan na masyado ang dalaga sa kantang narininig. Ngumiti si Mark...Ibinuhos ang damdamin sa awitin.

"Balitaan mo ako pag hiwalay na kayo,
Balitaan mo ako pag hiwalay na kayo,
Balitaan mo ako pag hiwalay na kayo
ng boyfriend mo ...oh woh...

Magkahalong palakpakan at tawanan ang pumailanlang. May waitress na sumigaw pa ng sir, hiwalay na kami ng BF ko! Tuwang tuwa ang mga pamangkin ni Mark. Click ang uncle nila sa pakwelang love song nito. Di napigilan ni Jen ang mapatawa sa kanta. Kuwela ang dating...pero alam niya...nararamdaman niya ang nararamdaman nito. Napansin naman ni Mark ang hindi napigilang pagtawa ni Jen. Binago nito ang huling bahagi ng inaawit.

"Pag hiwalay na kayo ng boyfriend mo
Pag hiwalay na kayo ng boyfriend mo#
kung pwede...akina...
ang number ng boyfriend mo....
mas bagay kami....hindi kayo...
kami ng boyfriend mo...oh woh...

At naghagalpakan na ang mga tao na hinaluan ng palakpak. Pigil na pigil ni Jen ang pagtawa. Kwela talaga ang mokong na ito. Ngunit napalitan ang kanyang tawa ng pagkabigla ng may magandang babae na pmunta sa stage at hinalikan sa pisngi si Mark.
Napangiti naman si Mark dahil sa kapilyahan ng pamangking si Mich. Naiiling niyang itinaboy ito pabalik sa lamesa nila.

"Ayos, sir..." sabi ng gitarista kay Mark.

Nag thank you si Mark sa gitarista at kinamayan ang gitaista. Sa kamay niya ay may nakatuping sanlibo. Tinanguan lang niya ang gitarista nung maramdaman ang nakaipit sa kanyang kamay at binulungan ng shhh bago tuluyang bumalik sa table ng mga pamangkin. Hindi na niya napansin ang nakasimangot na ekspresyon sa mukha ni Jen.

"Tapusin nyo na yan at ihahatid ko na kayo sa disco...uuwi na ko..." sabi ni Mark sa mga pamangkin. "Sakit pa ulo ko sa hangover kagabi." pagpapaliwanag nito. Pumayag naman ang mga pamangkin niya. Alam nilang pagod pa ang kanilang uncle. Pagkabayad ng bill at pagkabigay ng tip sa waiter, sabay sabay nang tumayo ang grupo at tinungo ang direksyon palabas. Kinawayan na lang ni Mark ang trio sa stage na nagpasalamat naman sa kanya sa mic. Hindi na tinignan ni Mark ang table ni Jen. Ayaw naman niyang parang masyadong paawa epek. Di niya estilo yun. At umalis sila ng lugar na yun. Nakasunod ang mga mata ni Jen sa grupo...Inis...galit..Nagseselos!

Maya maya pa'y nagyaya na ring umuwi Jen. Umungot pa si Bong kung pwede daw silang mag short time na sinagot niya ng matigas na "Ano ka siniswerte!" at iniwanan nito ang lalaki at sumakay na mag isa sa taxing pumarada sa harapan nila. Wala nang nagawa si Bong nang tumakbo na ang taxi. Iiling iling itong naghintay ng sariling taxi.

Nagshower agad si Mark pagkadating sa bahay at dumiretso na sa kuwarto nito. Hindi maalis sa isip ang eksena kanina. Guwapo pala BF eh. Wala kang binatbat Mark, pang aasar ng isipan nito sa kanya. Kinuha ni Mark ang laptop niya at nag online sa site na pinagsusulatan niya. Naghahanap siya maaaring isulat upang ma divert ang utak niya sa kaiisip kay Jen.

NATAPOS ni Leslie ang binabasa. Siyet, sabi nito sa sarili. Magaling nga magsulat ang Mark na yun. Kahit siya ay di napigilan ang pag iinit na naramdaman habag binabasa niya ang kuwento nito. Lalo siyang naintriga. Ano kaya kung...? Hmnnn...Di naman siya BF ni Jen eh. Binibigyan niya ng hustisya ang binabalak. Well...bahala na! Pinadalhan niya ng message si Mark. Magkahalong nerbyos at excitement ang naramdaman ng dalaga ng i press niya ang send button.

Nakita naman ni Mark na may message siya sa inbox niya. Binuksan niya ito.

"Hi, Mark." saad ng message.

Nagtaka ang lalaki. Paano nalaman nito ang pangalan niya eh alias lang naman ang gamit niya sa site na yun. Nagtype ang binata sa reply.

Mark: Sino ka? Paano mo nalaman pangalan ko?

Leslie: I'm Leslie...Kaibigan ni Jen...Naikwento ka niya sa kin.

Mark: Naikuwento?

Leslie: Yeah...naikuwento nang buong buo...walang labis walang kulang...hihihi.

Walang hatid na tuwa sa lalaki ang message na yun. Iba ang pumasok sa isipan niya. So ganun lang pala talaga sa kanya yun? Experience lang pala habol ni Jen sa kanya at ngayon? Ipapasa na siya sa iba? Absurd mang isipin, pumasok sa isipan ng lalaki na he's being used para sa katuwaan ng magkaibigan. Napailing na lang si Mark. Sinagot uli si Leslie.

Mark: What do u want?

Leslie: Obvious naman what i want eh....Or baka hanggang kwento lang pala sinabi ni Jen?

Naghahamon ha. Sa isip isip ni Mark, Ok...so this is how they play their games now.

Mark: Where and when?

Leslie: Burger King Welcome Rotonda . I'll be there in an hour.

Mark: Ok. Im calling your bluff.

Leslie: Who's bluffing? baka naman takot ka lang? sabihin mo na.

Mark: Burger King. One hour. Bye.

Leslie: Bye.

Pagbaba ni Mark ay saktong paparada naman ang kapitbahay niyang taxi driver. May naisip ito. Kilala siya nito. Nakangiti pa ito ng lumapit siya dito. May naiisip na plano si Mark. Gusto mo ng excitement Leslie? Well, this will be a night you wont forget.

"Manong, Gusto mong kumita ng extra 2,000?" tanong niya dito na sinuklian naman ng matanda ng napakaluwang na ngiti.

Sneaky Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon