HINDI mapakali sa harap ng salamin sa loob ng powder room si Jen. Naroong sinisipat kung tama lang ba ang at hindi sobra ang mascarang inilagay sa pilikmatang lalong nagpalantik sa mga ito. Pumungay lalo ang kanyang mata. Parang naging mysteriously seductive ang dating. Nag apply lang ang dalaga ng powder sa mukha at matapos ay nag lipstick na kulay berry light. Naging very prominent ang pouty lips niya dahil sa contrast na nalikha nito kumpara sa kulay ng makinis niyang mukha na nagsilbing background. Inilugay niya ang itim at tuwid na buhok na lampas balikat. Plinantsa ng sariling kamay niya ang suot na usong purple sporty dress with matching black thin cardigan na halos kasing haba ng kanyang dress na umaabot hanggang 2 inches bago ang kanyang tuhod. Nakasuot siya ng Adidas Superstar white with black stripe na usong uso ngayon. Very stylish. Very sporty ang peg ni Jen. Confident ang dating ng porma. Pero nanginginig ang kalooban ng dalaga. Muling tinignan ang sarili sa salamin. Maganda siya. Alam niya yun. Alam niyang di iilang lalaki ang makakapansin sa kanya pag naglakad siya sa labas. Hay, napahinga ng malalim ang dalaga. Nag spray muli ito ng D&G sa pulso na ipinahid sa magkabilang leeg. Bahala na, ng isipan nito. At lumabas na ito upang bagtasin ang daan patungo sa Padi's Point kung saan naghihintay ang estrangherong sa chat niya lang nakilala.MATAPOS ang ilang minutong pakikipagsaligwayan sa paroon at paritong dagat ng mga tao, narating rin niya ang Padi's Point. Marami nang tao sa loob nito. Ngunit di karamihan sa labas kung saan ay may mga lamesa at upuan. Ang ilan sa mga ito ay may beach umbrella pang nakatirik sa mismong gitna ng lamesa. Nakikinig ang mga ito sa live band na tumutugtog sa loob sa pamamagitan ng mga speakers na nakakalat sa iba't ibang bahagi nito. Palinga linga ang dalaga. Hinahanap ang estranghero. Parang nakaramdam siya ng init ng matang sa kanya nakatingin. Luminga siya sa direksyong iyon at sa sulok, sa medyo dim na bahagi ay namataan niya ang isang lalaking nakaupo. Black collar shirt na nagrereflect ang three stripes na skyblue ang kulay. Nakatingin ito sa kanya. Maigsi ang buhok na medyo wavy. Clean cut. Kahit nakaupo ito ay kita ni Jen ang cargo pants na suot nito at canvas blue low cut Nike na sapatos. Hmnn...Clean cut pero mukhang koboy, sa isip isip ng dalaga. Hindi takot ang naramdaman ni Jen. Mukhang mabait ang lalaking nakatingin lang sa kanya. Parang tumatawa ang medyo singkit nitong mata na animo'y pinag aaralan ang bawat kilos niya at mga susunod na hakbang. Hindi kaguwapuhan ang lalaki pero aaminin ni Jen na lalaking lalaki ang dating. Ninerbyos siya bigla. Hindi nerbyos ng takot. Parang naeexcite siya. Huminga muli ang dalaga ng malalim. Ah bahala na si Batman! palakas loob nito sa sarili at naglakad na ito patungo sa mesa ng lalaki. Nang malapit na siya ay biglang tumayo ang lalaki. Ang tangkad! Sabi sa sarili ni Jen na napatingala kay Mark. Ngumiti lang ito sa kanya. Pilyong ngiti, isip isip ng dalaga. Hinatak ng lalaki ang upuan upang makaupo ang dalaga.
"Thank you," pasasalamat ni Jen. Naamoy niya ang lalaki. La Coste Blue...
"My pleasure," sabi naman nito bago naupo sa harap niya. Magkatapatan sila ngayon. Sinenyasan nito ang waitress na dagliang lumapit. "Drinks?" tanong nito sa kanya.
"Sanmig please" sagot ng dalaga.
Tinignan ng lalaki ang waitress. " Sanmig for the lady, Miss....Make it two," sabi nito matapos tignan ang boteng nasa harap niya. "and the menu please?" dagdag pa nito.
Tinignan muli ni Jen ang lalaking kaharap niya. Nakatitig din lang ito sa kanya na wari'y binabasa kung anuman ang naglalaro sa utak niya. Nakoconscious siya sa tingin nito, lalo pa't nang ngumiti ito na parang nanunudyo sa nakikitang discomfort niya. Patuloy pa rin ang pagtibok ng mabilis ng kanyang dibidb. Siyet...Ano ba yan? tanong ng dalaga sa sariling kaisipan. Naramdaman na lang niyang may kamay na masuyong pumatong sa sarili niyang kamay.
"Relax, kid," kalmadong simula ni Mark. "We are just having a wee drink ok? kuwentuhan lang...Nothing to worry about.." saad pa uli nito na ngayon ay nakangiti na.
BINABASA MO ANG
Sneaky
RandomThis story is intended for reading purposes only and is not my original work. I do not own the rights to this story. Please be aware it contains mature content and may not be suitable for all audiences. Reader discretion is advised. You have been w...