Magkahalong emosyon ang nararamdaman ni Jen habang binabagtas niya ang daan sa karagatan ng mga taong paroo't parito sa SM North Edsa. Muli niyang tinignan ang nakatiklop na papel na hawak niya. Padi's Point, Kiddo...Cargo pants, black collared Adidas with blue stripes. Ito ang nakasulat sa papel. Ninenerbyos siya na may halong excitement. Aaminin niyang ilang beses nang tumakbo sa isipan niya ang mga nangyayari ngayon, pero hindi niya inakalang eto na nga at nagsisimula na ang pangyayari. Pangyayari na nagsimula sa pagtataka niya kanina sa pinapasukan niyang popular na fastfood chain nang isang bata ang lumapit at tumapik tapik sa kanya. Nang tinignan niya ang bata, iniabot nito ang isang nakatiklop na papel sa kanya...at ang nakasaad na mensahe...at ang napag usapang password: Kiddo!"Sino nagpaabot sayo nito?" tanong niya sa bata na sa tingin niya ay batang kalye. Nakatingin sa kanila ang isang magkapareha na nahihinuha niyang magulang ng mga bata.
"Yung mama po...dinala nya kami dito...Nilibre nya kami ng mga tatay ko" sagot ng bata at agarang umalis na ito patungo sa mga magulang na naghihintay sa kanya.
Nilapitan ni Jen ang partikular na mesa. Di na siya pinansin ng bata na sinimulang kainin ang spaghetti. Tinignan ng dalaga ang mga magulang nito. Hikahos sa hitsura. Pero mukhang mababait.
"Manong, " saad niya sa lalaking nakangiti sa kanya..."Nasaan na po yung taong nagpadala nito sa anak nyo?" tanong nito.
Ngumiti ang lalaki at napakamot ito sa ulo. "Naku, ineng umalis na eh..." sagot nito.
"Kilala nyo po?" patuloy na tanong ng dalaga kahit sa loob loob niya ay alam na niya ang kasagutan.
"Hindi eh...kausap namin kanina sa labas...kuwentuhan lang tapos niyaya kaming kumain dito...mukhang mabait siya...matangkad eh." napapatingin pa sa kisame ang matanda na parang nag iisip pa ng sasabihin.
" Ah...sige po...enjoy kayo." saad ng dalaga at iniwan na niya ang mga ito. Hindi niya maipaliwanag ang kaba, ang paghahabulan ng tibok ng kanyang dibdib. Although naimagine na niya ang ganitong scenario, ngayong nangyayari na, hindi na niya malaman ang gagawin. Nagdadalawang isip siya. Pero kung tutuusin, may part talaga siya kung bakit nangyayari na ang nangyayari ngayon na nag ugat sa isang kuryosidad na hindi niya napigilan...
SABADO ng umaga. Nasa kuwarto niya si Jen. Bored. Nagrerelax lang. Walang pasok nang araw na yun either sa school or sa part time job niya sa isang foodchain. Nakadapa lang siya kama suot loose shorts at puting sando. Maalinsangan at since nag iisa naman siya sa kuwarto, obviously, wala din siyang bra. Mas komportable ang pakiramdam niya pag ganun. Sa edad niyang 20 years old, may karanasan na ang dalaga sa lalaki na kung ire rate niya ay "moderately satisfying at best". Nangyari yun with her BF na, in retrospect, na realized niya ay very selfish. Guwapo kung sa guwapo, pero walang iniintindi kundi sarili niya. Tamad pa. Yeah, sabi ng isip niya...pati sa kama tamad! Kakainsulto yun ha? Nakikipag usap na si Jen sa sarili. Tumindig ito at tumayo sa harap ng salamin. Fair complexioned ang dalaga na mag nagboborder sa kaputian.Hindi kataasan sa height nitong 5'1", pero nabiyayaan ito ng mahubog na katawan, maganda at tayong tayong ang susong katamtaman ang laki, hindi absurdly big pero hindi pahuhuli sa size. Sa pagkakatingin niya sa salamin ay bumakat ang kanyang nipples na kung aalisin lang sando ay tatambad ang mala pinkish lite brown nitong kulay. Petite beauty ika nga. Maamo ang kanyang mukha na tipong mahiyain. Ang hugis ng labi nito ay may kakiputan ngunit matatawag na pouty lips na binagayan ng may katangusan nitong ilong. May kahabaan ang maitim at tuwid nitong buhok na lampas balikat na madalas na nakaponytail sa school at sa work. At ang talagang asset ng dalaga ay ang mga mapupungay nitong mata na binagayan ng malalantik na pilik. Mga matang nagbibigay ng iba't ibang mensahe sa iba't ibang ekspresyon nito...nakikiusap...nagagalit...nagsusuplada...at sa pribadong lugar ng kanyang sariling imahinasyon...nanunukso..nanlalandi.
BINABASA MO ANG
Sneaky
RandomThis story is intended for reading purposes only and is not my original work. I do not own the rights to this story. Please be aware it contains mature content and may not be suitable for all audiences. Reader discretion is advised. You have been w...