Kuya (TWO)

350 1 0
                                    


LINGGO. Halos wala pang alas nuebe ng umaga ay gising na si Jen. May sigla ang mga hakbang nitong nagtungo sa kusina at naghanda ng hot milk. Gumawa din siya ng pan de sal sandwich na pinalaman niya ng pritong itlog. Hotdog na lang ang kulang,sa isip isip nito, kumpleto na. Hihihi. Pilya mode na naman ang takbo ng utak ng dalaga. Mabilis nitong tinapos ang almusal at nagpunta sa banyo upang maghilamos at magsipilyo. Nang makatapos ay mabilis itong bumalik ng kuwarto niya. Wala pa rin siyang pasok at balak niyang magbabad sa kuwarto niya. Tinatamad siyang lumabas dahil malayo pa ang suweldo at gusto niyang magtipid tipid muna. Mabilis uling dumapa ang dalaga sa kama at binuksan ang laptop nito. Hindi na siya nag abala pang mag check ng mga paborito niyang streaming video. Sa oras na ito, malamang parang pagong ang internet. Agad siyang nag log in sa erotic site. Tama nga ang hinala niya. Naka online din si Mark.

"Bulaga!" type ng dalaga. HIndi sumasagot ang lalaki. Hmp. Isnabero ha. Hindi niya alam kung bakit naiinis siya. Ini expect niyang mabilis itong sasagutin ng lalaki dahil maganda naman ang rapport nilang dalawa.

"Isnabero ka pala. Hmp." type uli ng dalaga.

"Ow, sorry ha?" nabasa niyang sagot nito. "Nahulog yung pasyente ko sa kama niya" type pa uli ng lalaki.

"Ganun ba?" nakalimutan ng dalagang nurse nga pala ito at nakaduty.

"Sensya ka na...Ngayon ko lang nakita ang message mo." paumanhin pa ng ka chat niya.

"Ay ok lang...nawala sa isip ko nasa work ka nga pala...asikasuhin mo muna yung pasyente mo." nakokonsensyang sagot ni Jen.

"Ok na siya. Wala namang bali eh...naibalik ko na sa kama...Mukhang nag slide lang from bed...at mababa naman yung kama niya." pagpapaliwanag ni Mark. "O, musta?" tanong pa nito

" Ok lang..." sagot ng dalaga. Magaan talaga ang dating nito sa kanya. " Ang galing mo palang magsulat" sundot papuri ng dalaga.

"Ow binasa mo?" halatang natutuwa ang ka chat ni Jen. "Thanks ha? Nakakagana ang magsulat pag alam mong binabasa talaga," pasasalamat pa nito.

"Ok nga eh..nakakalibang" muntik ng masabi ng dalagang "nakakalibog" napigilan niya lang ang sarili.

"Teka...talaga bang based on true events yun?" naisipang itanong ni Jen.

"Bakit mo tanong?" naiimadyin ng dalagang nakangising nagtatype ang lalaki. Mukhang pilyo.

"Eh sabi kasi true story...confirm ko lang," nakatikwas pa ang nguso ng dalaga habang nagtatype.

"Well..lets say may exaggerations yung ibang bahagi dun," sagot ni Mark..."Pero mostly totoo" dagdag pa nito.

"Yung mga foreplays...the actual sex thing...nangyari talaga...pero siyempre kinailangan ko ng konting creative freedom para mas may appeal yung kwento" paliwanag pa nito.

"Ah..." tatatango tango ang dalaga at bumalik na naman yung eksenang nabasa niya sa alaala....nahagilap nito yung part ng foreplay. Lintek. Parang naiinitan yata siya. "So siguro yung mga sizes no? " medyo panunudyo ng dalaga.

"Are you sure ganito talaga tema ng chat natin? hehehe." napapangiti ang lalaki sa kinalalagyan. Pilyang bata.

"Curious nga ako eh," sagot naman ng dalaga.

"Curiousity killed the cat, kiddo...maraming nadidisgrasya sa kuryosidad...hahaha" pang aasar ng lalaki.

" Ah ewan! Kung ayaw mong sabihin, e di wag!!!" Sinadya ng dalagang 3 exclamation points ang itype para malaman ng kausap na naiinis siya.

"Wag kang magalit...masyado kang pikon..." pang aalo ng ka chat niya. "Malaki..." dagdag na type ng lalaki.

"Ows? Malaki? Weh?" medyo nangingiti na uli si Jen.

Sneaky Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon