Chapter 16: Awkward
"Ano? Pupunta ka ba mamaya? Hindi, 'no? Sinabi sa akin ni Franz, manonood daw kayo sine, e." Sunud-sunod kong tanong kay Pepita. Tinawagan ko na, hindi kasi ako nire-reply, wala raw s'yang load. Aysus, kung alam ko lang.
"Syempre si Ate Pau pinili ko." Napangiti ako sa sinabi nya. "Magtatampo 'yun, e. Saka hindi naman mawawala kaagad sa sinehan 'yung Jurassic Park World. Mapapanood pa namin 'yun."
Naningkit ang mga mata ko. "Ang lagay ba niyan, kayo na?"
"Hindi, a! Hindi ko pa siya sinasagot."
'Yun lang ang gusto kong marinig mula sa kanya. "Ah, gano'n ba? Sige," sabi ko saka ibinaba ang tawag.
Napahiga ako sa kama. Okay na si Pepita, si Kat na lang ang problema.
Inangat ko ang cellphone ko sa ibabaw ng mukha ko at tiningnan ang mga pictures namin ni Pepita. Wow, lakas maka-senti, ano?
Nagulat na lang ako nang biglang mag-ring iyon.
"PUCHA!" sigaw ko sabay hawak sa ilong ko. Taena, nabagsak ang iPhone ko! Pero shit, sa mukha ko pa talaga?
Habang hawak ang ilong ko, tiningnan ko kung sino ba 'yung hinayupak na tumawag sa akin.
Napamura na naman ako nang makita ang pangalan ni Kat. Ini-swipe ko ang daliri ko at sinagot ang tawag nya.
"Hello?" napaupo ako pagkarinig ko sa boses nya.
"Uy, hi Kat. Tamang-tama ite-text kita."
"Buti tinawagan kita. Nag-search kasi ako sa net ng mga pwede nating puntahan, I found about this newly-opened coffee shop, maybe we could check this out?" agad nyang sabi.
"Ah, ano kasi..." Paano ko ba sasabihin na hindi ako pwede? Na kung maaari, sa susunod na lang?
"Great! Let's meet up at 4pm, doon sa tapat ng fountain facing the mall. See ya!" at binabaan nya na ako ng telepono.
Wala na akong nagawa. Hindi na ako naka-angal pa. Tumingin ako sa orasan ko, mag-a-alas tres na kaya nag-ayos na ako. Medyo may kalayuan pa naman 'yong mall dito sa lugar namin. Halos 30 minutes din akong bi-biyahe. Bandang 3:30, lumabas ako ng kwarto. Nakita ko si Ate Pau sa kusina, inaayos ang mga iihawin.
"Hoy Edison, bakit bihis na bihis ka dyan? San ka pupunta?" kunot-noong tanong ni Ate.
"Lalabas lang ako saglit. Sina Mama at Papa sa likod?" tanong ko. Tumango lang si Ate kaya tumakbo na ako palabas.
"Edison, anak, bakit naligo ka kaagad? Mag-aayos pa tayo ng mga mesa," sabi ni Papa.
"Ah, Pa, Ma, lalabas lang po ako saglit. Pero saglit lang talaga, may pupuntahan lang. Babalik din ho ako agad. Sige po."
Hindi ko na hinintay ang sagot nila. Lumabas na ako sa gate at naglakad papuntang sakayan. Nakasakay rin naman ako kaagad ng jeep. Tumagal ang biyahe dahil panay ang tigil ng driver sa tapat ng mga taong nasa gilid ng kalsada tapos hindi naman sumasakay. Badtrip eh.
Ite-text ko sana si Kat na papunta na ako pero nang kapain ko sa bulsa ng pantalon ko, wala. Kinabahan pa ako dahil akala ko, nadukutan ako pero naalala kong naiwan ko pala 'yun sa ibabaw ng kama ko.
Nakarating ako sa mall dalawang minuto bago mag-4. Agad akong nagpunta sa fountain sa tapat ng entrance mall. Ine-expect kong andun na si Kat. Naghintay ako hanggang 4:30 pero wala pa sya.
"Paul, I'm sorry I'm late!" agad nyang sabi nang dumating sya. Tumayo ako para salubungin sya.
"Wala 'yun, ano ka ba? Maliit na bagay."
BINABASA MO ANG
Skinny Love
Teen FictionSkinny love (n.) When two people love each other but are too shy to admit it, but show it anyway.