Chapter 11: He's Back

81 6 3
                                    

Chapter 11: He's Back

Pinapanood ko ‘yung eroplanong sinakyan ni Pedro. Dapat nga siguro hindi na ako sumama maghatid sa kanila. Lalo lang akong nalulungkot. Ito naman kasing si Pedro, hindi kinulit sila Tito na huwag na siyang sumama, ngayon ano’ng gagawin ko buong bakasyon? Hay.

“Buti nandito ka pa.” Napatingin ako sa nagsalita.

“Franz!” gulat na sambit ko, “Ano’ng ginagawa mo dito sa airport?”

“Nanggaling kasi ako sa inyo, sabi ng Papa mo hinatid mo nga daw si Paul kaya sinundo kita,” nakangiting sagot niya.

Ngumiti ako. “Ikaw talaga, dapat t-in-ext mo muna ako, paano kung wala na pala ako dito?”

Nagkibit-balikat siya at ngumiti. “I don’t know, alam ko at ramdam ko na maabutan pa kita dito,” inabot niya sa akin ‘yung kamay niya, “Tara na?” Naningkit ang mga mata ko. “Ayos lang kung ayaw mo.”

Umiling ako at inabot na ang kamay niya. “Tara na nga,” nakangiting sabi ko.

Napalunok ako ng tatlong sunod nang titigan ako ni Papa at Mama. Kumakabog ng sobrang lakas ang puso ko. Kulang na lang ay lumabas ito sa dibdib ko.

“Seryoso ka na ba sa anak ko? Tamad ‘yang batang iyan, baka nagugulumihan ka lang, hijo,” taas kilay na sabi ni Mama. Napasimangot ako.

Tsk! Tama ba’ng siraan ako?

“Seryoso po ako,” nakangiting sagot ni Franz.

“Anong gayuma ang pinainom mo sa kanya, Piper?” nakangising tanong ni Kuya.

“Ma, Pa,” tumingin ako nang masama kay Kuya, “Kuya, puwede po ba pakisabi na lang po kung hindi niyo po siya pinapayagang manligaw.”

“Piper,” pigil sa akin ni Franz, “Baka lalo silang hindi pumayag niyan.”

“Bakit ba kasi kailangan pa ang consent namin?” tinignan ako ni Papa, “Ikaw rin naman ang masusunod d’yan, anak,” hinawakan niya ang kamay ni Mama, “Ang sa amin lang, huwag kayong gumawa ng mga bagay na hindi niyo pa dapat gawin.”

“Tama ang Papa mo, aba baka maunahan mo pa ang kuya mo,” tinignan niya si Kuya, “Itong si Peter, e ilang taon na pero hanggang ngayon wala pang pinapakilalang nobya sa amin. Hindi ka naiinggit sa kapatid mo?”

Kumunot ang noo niya at napakamot ng ulo. “Bakit sa akin naman napunta ang usapan? Tss.” Tinignan niya nang masama si Franz. “Huwag mong sasaktan ‘yang kapatid ko, kakausapin mo kamao ko at ni Paul pag nangyari ‘yun,” mariing sabi niya at iniwanan na kami.

“Nako, ‘wag mong pansinin ‘yang si Kuya. Pareho sila ni Paul minsan, KSP,” inis na sabi ko.

“Piper,” saway sa akin ni Papa, “Ano’ng sabi ko sa iyo sa gan’yang pananalita?” Yumuko ako at umiwas ang tingin. “Sige na, mukhang may balak pa kayong lumabas ngayon. Umuwi lang bago mag-ala-sais,” bilin ni Papa at inaya na si Mama na pumasok sa kuwarto nila.

“Pepper, umalis ka na d’yan,” tawag ni Kuya sa bunso naming kapatid.

Napailing-iling si Pepper bago niya nilubayan nang tingin si Franz. “No offense kuya ha?” sabi niya kay Franz, “Kahit kasi ano’ng gawin kong tingin sa iyo, tingin ko mas guwapo pa rin si Kuya Paul,” nakangiti niyang sabi at saka tuluyan na kaming iniwan.

Napahawak ako sa mukha ko. “Pasensya ka na sa pamilya ko, alam ko naman na ang weird namin,” nahihiyang sabi ko.

“Ayos lang, ‘no. Nakakatuwa nga kayo, e,” tumayo siya at inalok ang kamay niya sa akin, “Tara na, baka mahuli tayo.”

Skinny LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon