Chapter 12: New Girl
Paglabas ng airport, huminga ako ng malalim. Langhap na langhap ko ang usok at polusyon ng Metro Manila. Dalawang buwan din akong nawala. May nagbago kaya?
Noong nasa America kami, hindi ako makapag-internet. Mayroon namang wifi sina Lolo pero lagi kasi kaming nasa labas ng bahay. Ang dami naming pinasyalan. Nag-Disneyland kami, Wizarding World of Harry Potter at Universal Studios. Kung saan saan kami nakarating. Nagpunta rin kami sa New York at nag-stay dun ng isang linggo. Nakitira kami sa kapatid ni Papa. Si Ate Pau, hindi pinalampas ang makapag-shopping sa NY. Palakad-lakad daw siya sa Times Square at ang dami niyang napamili.
Halos ayaw na naming umuwi ni Ate Pau dahil sobrang nag-enjoy kami sa America pero mas gusto ko pa rin talaga sa Pilipinas.
Sinadya kong hindi magpakita kay Pepita pag-uwi. Hindi ako lumabas ng bahay namin. Isang linggo na lang rin naman bago magpasukan. Nakapag-enroll na rin ako kaya pasukan na lang talaga ang hinihintay ko.
Dahil Grade 11 na kami, hindi ko na magiging kaklase si Pepita. Ang alam ko kasi, balak nyang mag-Commercial Cooking. E, gusto ko naman, Creative Writing. Ewan lang kung may subject pa kami na magkaklase kami. Sana meron pa rin. At sana sabay rin ang lunch break namin.
Mabilis akong nag-bike papunta kina Pepita. Binilhan ako ni Papa ng bisikleta, siguro naisip rin nila na kawawa naman ako, naglalakad ako palagi papunta at pauwi ng school. Tumigil ako sa tapat ng gate nina Pepita. “Tao po!” tawag ko.
Lumabas si Kuya Peter na kakamot-kamot pa ang ulo. “Uy Paul. Kailan ka nakabalik?” tanong nya habang nagsusuot ng tsinelas. Pinagbuksan nya ako ng gate pero hindi na ako pumasok.
“Nung nakaraang linggo pa. Kuya, si Piper?” tanong ko.
“Huh, maaga umalis ‘yun eh.”
“Ganun ba? Sige Kuya, mauna na ako. Salamat.”
“Sige, 'yung pasalubong ko ha?” natatawang sabi ni Kuya Peter. Hindi ako sumagot at nginitian lang sya. Sumakay ako sa bike at nagpunta na ng school.
Sa Gate 2 ako dumaan dahil may dala akong bike. Mas malapit kasi ang parking area doon kesa sa Main Gate. Habang pina-park ko ang bike, biglang may tumawag sa pangalan ko. “Paul? Ikaw ba 'yan?”
Lumingon ako at nakita si Rachel na naglalakad papalapit sa akin. “Uy, Rachel. Kumusta?” Hindi sya sumagot at nakatitig lang sa akin. Pakiramdam ko tuloy may kakaiba sa akin ngayon. “Huy?” Tinaas-baba ko ang kamay ko sa harapan ng mukha nya.
“Sorry. Shet, sorry Paul. Ang... ang gwapo mo kasi lalo! Grabe, oh my gosh,” sabi nya. Tumawa ako nang malakas.
“Wala namang nagbago Rachel. Ikaw talaga. Nakita mo ba si Piper?” tanong ko.
“Hindi, e. Hindi ko pa nga nakikita ‘yung listahan ng vocational courses. 'Di ko alam kung anong kinuha ni Piper. Speaking of which, mauuna na ako ha. Iche-check ko muna ‘yung listahan.” Kumaway siya saka naglakad palayo.
Naglakad ako papunta sa Main Gate. Malapit kasi doon ang bulletin board kung saan naka-post ang listahan ng mga vocation at kung sino ang mga enrolled sa mga program. Agad ko namang nahanap ang pangalan ko sa listahan sa ilalim ng Creative Writing pero nagulat ako sa isang pangalang nandoon.
Franz Gonzales.
Sino nga naman bang makapagsasabi, mag-eenroll din pala sa Creative Writing si Franz. At mukhang magiging magkaklase pa kami. Nang tumalikod ako sa bulletin board, hindi sinasadyang may nabangga ako. Sa sobrang lakas ng pagkakabangga ko, natumba sya.
“Sorry Miss!” Nataranta ako at agad na tinulungang makatayo ang nakabangga ko. “Okay ka lang ba?” tanong ko. Hindi siya sumagot, imbis ay tinitigan lang ako. “Miss?”
BINABASA MO ANG
Skinny Love
Teen FictionSkinny love (n.) When two people love each other but are too shy to admit it, but show it anyway.