Chapter 5: Medyo Manhid
Piper Manaloto: Pedro, saan na ‘yung picture namin ni Franz?
Tinitignan kong mabuti kung online talaga si Pedro. Online naman, pero hindi pinansin ‘yung chat ko. Tignan mo talaga ‘yung isang ‘to. Minsan wala sa lugar ang kaartehan. Kung hindi lang talaga nag loloko ‘tong peste kong cellphone malamang hindi na ko nakisuyo sa kanya na picture-an kami ni Franz. Na alala ko na naman ‘yung picture namin! Nakaakbay siya sa’kin.Kinikilig ako nakakainis.
Katarina Madrigal: Beeeest! Ano na nangyari sayo?
Piper Manaloto: Kinikilig pa din ako best. Kainis si Pedro ayaw pa isend ‘yung picture.;A;
Katarina Madrigal: Wala pang kwento, mamaya mo na isipin ‘yung picture! Anong nangyari?
Piper Manaloto: Paano ko ba ieexplain? Basta kinikilig ako best! Naikwento ko na ba na hinatid niya ako nung nakaraan? Waaah! Promise best ngayon ko lang talaga na enjoy ang pag pasok sa school.
Katarina Madrigal: Grabe ah. At lalaki pa talaga ang naging dahilan niyan.Nako, baka naman mapabayaan mo pag aaral mo nyan?Hahaha.
Piper Manaloto: Grabe ka naman best! Hindi ‘no.Sinisipag nga akong pumasok eh. Paano ko mapapabayaan?
Katarina Madrigal: Sinisipag ka nga, pero tamad ka pa din sa room. Hahaha.
Piper Manaloto: Ang supportive mo best. -___-“ Ang tagal ni Pedro nakakainis na. Excited na talaga ako ipakita sayo ‘yung picture eh.
Katarina Madrigal: Baka namna hindi online si Pedro mo?
Piper Manaloto: Online! Kanina ko pa nga tinitignan eh. May topak na naman siguro. -__-“
Tinignan ko ulit ‘yung chat ko kay Pedro. Na seenzoned na ko may ilang minute na din ang nakakalipas. Tignan mo talaga ang isang ito. Tsk. Mag tatype na sana ulit ako para ichat siya kaya lang may lumabas na ‘typing’ sa kanya. Salamat naman.
Piper Manaloto: Rina wait lang, isesend na ata ni Pedro. Hihihi.
Lumipas pa ang ilang minuto.‘Typing’ pa din ang nakalagay kay Pedro. Hindi ko alam kung may problem aba ang facebook o ano, hindi naman siguro mag tatype ng nobela si Pedro.
Piper Manaloto: Pedro, hindi ko kailangan ng nobela mo. ‘Yung picture lang puhlease. *_*
Paul Edison Roxas: is typing…
Piper Manaloto: Wala akong panahon sa nobela mo Pedro. -___-“ ‘Yung picture.
Paul Edison Roxas: is typing…
Piper Manaloto: PEDRO!
Paul Edison Roxas: Na delete.
Paul Edison Roxas: Sorry.
Bigla kong gustong ibalibag ‘yung monitor namin dahil sa na basa ko sa chat ni Pedro.
Piper Manaloto: Hindi nga? T____T
Paul Edison Roxas: Na delete ni Ate. -___-“
Piper Manaloto: T_______________T
Hindi ko na hinintay na mag reply si Pedro, nag paalam na lang ako kay Rina at nag log out na. Huhu. Sayang ‘yung pag hintay ko.kaya ko lang naman pinaload-an ‘yung broadband kasi gusto kong makuha ‘yung picture kay Pedro. Na bura pa.Huhu.
BINABASA MO ANG
Skinny Love
Teen FictionSkinny love (n.) When two people love each other but are too shy to admit it, but show it anyway.