Chapter 7: Ligaw

130 6 8
                                    

Chapter 7: Ligaw

NAGHIKAB ako habang binabasa ang text sa akin ni Franz. Random lang naman ang pinag-uusapan namin pero umabot kami ng alas kwatro ng madaling araw. Ganito yata talaga kapag interesado ka sa isang tao, kahit antok na antok ka na hindi mo magawang tulugan siya. Maghihintay at maghihintay ka pa rin sa reply niya.

From: Franz

Hindi ka pa inaantok? :)

To: Franz

Hindi pa, ikaw ba?

Naghihikab kong reply, sa totoo lang kanina pa ako inaantok. Pero hindi ko na magawang matulog dahil mamaya lang din naman babangon na ako para maghanda sa pag pasok.

From: Franz

Tawag ako, okay lang?

Hindi pa ako nakakasagot nag ring na kagad ang cellphone ko, sinagot ko naman kagad.

“H-hello?” Napahikab ulit ako kaya tinakpan ko ang bibig ko dahil baka marinig niya.

“Inaantok ka na yata eh.” Natatawang tanong niya.

“Nako, hindi na naman tayo pwede matulog kasi mamaya lang gigising na rin tayo para pumasok.” Siya naman ang narinig kong naghikab. “Ikaw din eh, inaantok.” Natatawa kong sabi.

“Hindi ah, gising na gising kaya diwa ko. Naghikab ka kasi kaya nahawa ako.”

“Eh? Pwede ba ‘yun?” Hindi ko mapigilan, pero ang tawa ko halatang kinikilig na.

“Piper, pwede ba ako’ng magtanong?” Napahikab ulit ako, grabe inaantok na talaga ako.

“Oo naman, ano ba ‘yun?” Kinusutkusot ko ang mga mata ko.

“Pwede ba kitang ligawan?”

“Ha? Sige.” Bigla kong natampal ang pisngi ko. “Wait! Ano nga ulit ‘yung tinanong mo?”Nagugulumihan ko’ng tanong. Hindi ko alam pero feeling ko o parang narinig kong ngumiti siya. May sounds ba ang pag ngiti?

“Sabi ko, kung pwede ba kitang ligawan?” Base sa pagsasalita niya alam ko at nararamdaman ko’ng nakangiti siya.

“Si-sigurado ka? Baka naman dahil lang iyan sa puyat? Itulog mo na lang kaya? May konting oras ka pa naman.” Tuloy tuloy na sabi ko.

“Seryoso ako.” Binaba ko muna sandali ang cellphone ko sa kama at tumayo ako.

“Oh may gaaaad! Oh may gaaaad! Nanaginip ba ako? Seryoso ba ito? Totoo talaga?” Halos bulong ko sa sarili ko. Napapatalon talon pa ako habang tinitignan ko ang cellphone ko na nasa kama. Kitang kita ko ang nakalitaw na pangalan ni Franz sa screen nito. “Hindi ito panaginip?” Kinikilig na tanong ko sa sarili ko. Kinurot ko ang braso ko. “Oh sssshhh!Totoo ‘to!Totoo!” Huminga ako ng malalim at saka binalikan si Franz sa cellphone.

“Sana naman pagbigyan mo ako, matagal ko na gustong sabihin ito, pero lagi akong kinakabahan…” Base sa pagkakarinig ko sa sinasabi ni Franz parang kanina pa siya may sinasabi. “…kung hindi ka lang binabakuran ni Paul e ‘di sana matagal na kitang naligawa–“

“Franz?” Putol ko sa monologue niya. “Hindi ako binabakuran ni Paul.” Natatawang sabi ko. “Wait, sisiguraduhin ko lang ulit na hindi nga ako na nanaginip.” Inipit ko sa balikat at tenga ko ang cellphone at kinurot ulit ang braso ko. “Aray.”

“Totoo naman ‘to, Piper.Seryoso ako. Sige na, ano’ng oras na din oh? Sorry kung napuyat kita, kita na lang tayo sa school! I love… love you!” Hindi pa ako nakakasagot narinig ko na ang tutut ng phone.

“Ano’ng nangyari?” Napatayo ako sa kama at nagtatatalon! “Liligawan ako ni Franz! Liligawan ako ni Fraaaanz!”

Nanggigil ako sa cellphone ko. Niyayakap ko habang sobrang kinikilig ako. Kailangan ko nang malalabasan nito! Pedro. Tama si Pedro! Agad agad ko’ng dinial ang number niya. Ilang ring lang sinagot na niya.

Skinny LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon