Chapter 13: Paul
“SURPRISE!”
Napatitig ako kay Rina. Wait. Totoo ba 'to? Nandito talaga si Rina sa school namin? Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. She's wearing our school uniform!
“Gan’yan mo ba ako sasalubungin?” taas kilay na tanong niya.
Mabilis na tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap siya. “Oh my gad! Totoo ka! Bakit hindi mo sinabi sa 'kin na dito ka na mag-aaral?!”
“Hindi na surprise 'yun kapag sinabi ko,” nakangiting sagot niya nang magbitaw kami. “Kumusta? Akala ko nga hindi kita makikita kasi magkaiba pala tayo ng course na kinuha.”
“Ayos lang. Buti na lang naabutan mo pa ako. Pauwi na sana ako kaya lang nag-text si Franz na ihahatid niya daw ako, e.”
Bigla niya akong kinurot sa tagiliran. “Ikaw ha! Ano 'yan? Kayo na?” kinikilig na tanong niya.
“Uy! Hindi, ah!” tanggi ko. “Promise hindi pa talaga.”
“Bakit defensive ka? Nagtatanong lang ako, e!” pang-aasar niya pa. “Bakit kasi ayaw mo pang sagutin? Ilang buwan na bang nanliligaw sa 'yo?”
“'Yan talaga pag-uusapan natin dito sa labas ng gate? Hindi ba p’wedeng pumunta muna tayo sa bahay ko o mo para makapagkuwentuhan tayo?” natatawang sagot ko sa kanya.
“E, ngayon ko na gustong pag-usapan!” kinikilig na sabi niya.
“Piper, kanina ka pa?”
Sabay kaming napatingin ni Rina sa nagsalita.
Si Franz.
“Hindi naman, halos kalalabas ko lang din,” sabi ko. “Nga pala, si Rina nga pala bestfriend ko,” tumingin ako kay Rina, “Rina si Franz.”
Napaawang 'yung bibig ni Rina. Pasimpleng tinuro niya si Franz at parang tinatanong ako kung seryoso ba akong si Franz na nga ang kaharap niya. Tumango lang ako bilang sagot.
“H-hi! I’m Rina. Gad. Finally na-meet na rin kita! Lagi kang kinukuwento sa 'kin ni Piper, e,” nakangiting bati ni Rina.
“I hope positive naman ang kinukuwento ni Piper tungkol sa 'kin,” biro ni Franz. Ngumiti lang ako bilang sagot sa kanila. “Tara uwi na kita?” aya niya.
“Teka,” tinignan ko si Rina, “Ano punta ka muna sa bahay?” tanong ko.
“Hindi, siguro bukas na lang. Kalilipat lang kasi namin marami pa kaming aayusin,” sagot niya. “Kayo muna sa ngayon,” sabi niya sabay kindat.
“Sigurado ka?” Tumango tango lang siya bilang sagot. “Sige, mauna na kami. Chat na lang tayo mamaya, ha?”
PAGKAHATID sa 'kin ni Franz ay mabilis na nag-online kagad ako. Excited na akong maka-chat si Rina. Hindi niya naman kasi ako sinabihan na babalik na siya dito, e. Paano na lang pala kung hindi kami nagkita?
Paul Edison Roxas: Pepita, sabay tayong pumasok bukas ha? Ako kasabay mo sa pagpasok pakisabi kay Franz.
Piper Manaloto: Bakit? Sino ka?
BINABASA MO ANG
Skinny Love
Teen FictionSkinny love (n.) When two people love each other but are too shy to admit it, but show it anyway.