Chapter 4: Eco-Environmental Program
Palabas na ako ng gate para hintayin si Pepita. Sabay kaming umuuwi lagi eh. Sa kabilang wing ng building pa kasi yung locker nya kaya sa gate na lang kami naghihintayan.
Nakasandal ako sa pader nang makita ko syang naglalakad kasama si... Franz? Close na kaagad talaga sila, huh. Naglakad ako papalapit sa kanila.
“Piper! Kanina pa kita iniintay dito.” Sabi ko sa kanya. Tumingin ako kay Franz. “Uy Franz! Ano trip natin?” Nginisian ko si Franz. Sa peripheral vision ko, kitang-kita kong nanlilisik ang mga mata ni Pepita. HAHAHAHAHA!
“Hahatid ko sana pauwi si Piper.” Nakangiting sagot nya sa akin. Ah, so nasa ganoong stage na pala sila ha. May pahatid-hatid pang nalalaman ‘tong Tangos na ‘to. Tiningnan ko si Pepita, nakakunot ang noo ko. Gusto ko talagang itanong sa kanya kung kelan pa sila naging ganito ka-close ni Franz para ihatid sya. Pero nag-kibit balikat lang sya. “Okay lang naman ‘di ba? Hindi ka naman boyfriend ni Piper.”
Nginisian ko sya at tinalikuran silang dalawa. Oh eh di magsama sila. Bakit pala? Uuwi na lang akong mag-isa.
Palakad na sana ako nang marealize kong sa kabilang direksyon ako papunta. Letse. Umikot ako sa pwesto ko at sumunod sa dalawa. Panay ang sipa ko sa bawat batong madaanan ko. Nakakairita, ako dapat yung kasabay ni Pepita pauwi at hindi yung Tangos na yun. Out of the way nga yung bahay nun eh, bakit nya hinahatid si Pepita?
Da moves ang putek.
Pagdating ng Biyernes, maaga akong nagpunta ng school. Bago yung Environmental Quizbee, pinag-report muna kami sa faculty room. Tatlo kaming representatives ng Grade 10. Ako, yung isang kong kaklaseng babae, saka isang taga Section B.
Pinabalik lang sa amin yung reviewers na ginamit namin tapos ay pinapunta na kami sa gym. Tinext ko si Pepita kung asan na sya. Nagreply sya na nasa room daw sila. Tinext ko sya ulit na pa-simula na yung program kaya pumunta na sya sa Multi-Purpose Hall.
“Pedro!” Lumingon ako sa pinto ng Multi. Tumakbo si Pepita papunta sa akin. Hinihingal pa sya nang tumigil sya sa harapan ko.
“Bakit ka tumakbo?” Tanong ko sa kanya. May tumutulong pawis pisngi nya. Nginitian nya ako.
“Eh kasi sabi mo mags-start na yung program.” Kumapit sya sa balikat ko kahit na mas matangkad ako sa kanya. “Papunta na din yung mga kaklase natin dito.”
“Pasaway ka. Umupo ka lang dyan, babalik ako.” Tinuro ko yung upuan sa tabi ng bintana.
Iniwan ko sya saglit para mapa-register. May mga nakasabay pa akong grupo ng higher years.
“Hi Paul!” Bati ng isa sa kanila. Tiningnan ko sila at nginitian. Tapos ay nagsulat na ako ng pangalan ko sa registration form. Hindi ko sila kilala eh.
Habang nagsusulat, naririnig kong naghahagikgikan sila. Nasa lima yata yung mga babae na yun, mga Grade 12 na. Mga ate ko na yun kung maituturing.
“Uhm, Paul?” Tiningnan ko silang muli. “Ano... pwede daw bang mahingi yung number mo?” Nahihiyang tanong ng isa.
Tumingin ako sa direksyon ni Pepita. Nakita kong nakatingin din sya sa akin at nakangisi pa. “Ahh, ano ate...” Panimula ko. Pagkasabi ko pa lang ng ate, nag-iba na yung mga mukha nila. “Sira yung cellphone ko eh. Ahh, sige po, mauna na ako.” Iniwan ko sila.
Mabilis akong naglakad pabalik kay Pepita. Nakangisi sya sa akin. Bwiset. “Pati ba naman mga Grade 12, nahuhumaling na sa iyo?” Umiling sya. “Grabe, anong nakikita nila sa iyo?”
“Ewan ko. At ewan ko sa ‘yo.” Inis kong sabi sa kanya. Naiinis kasi talaga ako kapag may mga babaeng umaali-aligid sa akin. Hindi ba sila nahihiya? Kababae nilang tao, sila pa yung dumadamoves sa akin? Hindi rin naman kasi sila yung tipo ko kaya wala rin silang mapapala sa paglapit sa akin.
BINABASA MO ANG
Skinny Love
Teen FictionSkinny love (n.) When two people love each other but are too shy to admit it, but show it anyway.