Chapter 8: Kala Mo Ikaw Lang?
“Piper, pwede ba kitang ligawan?” Ito na yata ang isa sa pinakabaduy na panliligaw na nakita ko sa buong buhay ko. Kala ko sa TV lang ako makakakita ng ganito. Akalain mo nga namang sa totoong buhay, may ganitong kabullsh*tan palang nalalaman si Mt. Everest?
Iniwan ko si Piper na nakatulala sa banner na yun. May nakasalubong din akong schoolmate na may dalang bouquet ng roses. Napailing na lang ako. Naabutan ko pang nakatayo si Franz sa gitna ng daanan ng mga estudyante. Anong kalokohan na naman nya yan? Iniwasan ko yung ginawa-gawa nyang stage at umakyat na sa building namin. Hindi ko marinig kung anong mga pinagsasasabi nya kay Pepita ko.
Pumasok ako sa room at pinatong ang bag ko sa upuan. Nilampasan ako ni Patrick at ng iba naming mga kaklase. Sumunod ako sa kanila palabas ng room. Mukhang makikiusyoso sila sa ligawan ng dalawa. Bumaba sa hagdan ang mga kaklase ko. Ako naman, dumungaw mula sa second floor. Doon, narinig ko na kung ano ‘yung mga pinagsasasabi ni Tangos kay Pepita.
Nakita kong pinupunasan ni Franz ang mga luha ni Pepita. Hindi pa sila pero pinapaiyak na nya? Sisigawan ko na sana sila nang magsalita si Pepita. “Shet. Tears of joy. Nakakainis ka.”
“Last na ‘yan ha? Promise, hinding hindi kita papaiyakin.” Niyakap ni Franz si Pepita. Napangiwi ako sa nakita ko. “Mahal kita.” Sabi nya. Napadila ako. Ang korni! Saka naman nag-bell. Hindi ko tuloy narinig yung sinabi ni Franz.
“Ang tanong, kaya mo ba?” Tanong ni Pepita kay Franz. Di ko na tuloy maintindihan kung anong pinag-uusapan nila.
“Kakayanin.” Sabi nya at kinabog ang dibdib nya ala-Tarzan. “Strong ata ‘to!” Gusto kong matawa sa inaakto nya. Ang baduy. Nag-bell na naman ulit. Kapag itong mga ‘to, hindi pa pumasok, late na sila.
Nagsigawan naman yung mga schoolmate namin at ibang usisero. “Paburger ka Franz! Burger! Burger! Burger!” At meron pa. “Libre ng one hour ngayon sa shop nila Franz!”
Pangatlong bell na. Hindi na ko nakatiis at sinigawan na sila. “Pangatlong bell na, late na kayo!” Hinanap nila kung asan ako. Nakita naman ako ni Pepita at tiningnan nila akong lahat. “Titingnan niyo lang ako? Late na kayo.” Sabi ko.
“Aakyat na!” Sigaw nilang lahat. Napailing na lang ako at pumasok na sa room. Nakatanga lang ako sa harapan. Nang magsipasukan na ang mga kaklase ko, inaabangan kong pumasok na rin si Pepita pero saktong paglingon ko sa labas, nandoon si Franz. Kinausap sila ni Ma’am at umalis na si Franz. Si Ma’am naman, may sinabi kay Pepita tapos ngumiti lang sya.
Paalis na ng room si Sir at magrerecess na. Nakapangalumbaba lang ako at nakatulala sa board. Nagugutom ako pero tinatamad akong lumabas ng room. Lumingon sa akin si Pepita dahil sa harapan ko sya nakaupo. “Psst, Pedro! Recess tayo?” Tanong nya.
“Ayoko, ikaw na lang.” Sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya. Humikab ako dahil antok na antok ako. Hindi ako nakatulog kaninang umaga nung tumawag si Pepita. Peste.
“Eeeh. Sige na!” Pilit nya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, tinarayan ko sya.
“Ayoko nga sabi eh. Dun kasa Franz mo magpasama!” Sa inis ko, sinubsob ko ang ulo ko sa mga braso kong nakapatong sa armchair. Hindi na ako ginulo ni Pepita. Naramdaman ko na lang na umalis na sya.
May tumapik sa balikat ko kaya inangat ko ang ulo ko. Nang tingnan ko, si Patrick pala. “Pre, ang hard!” Sabi nya sabay tawa. Umiling na lang ako. “Ba’t mo naman ginanun si Piper?”
“Ayoko nga kasi magrecess.” Dahilan ko. “Pero lalabas ka ba? Pabili ako ng juice.” Dinukot ko sa bulsa yung barya ko kahapon at inabot iyon sa kanya.
BINABASA MO ANG
Skinny Love
Teen FictionSkinny love (n.) When two people love each other but are too shy to admit it, but show it anyway.