Chapter 1: Si Pedro
Tinitigan ko 'yung babaeng umiiyak sa harapan ni Pedro. Wala na kong ibang na gawa kundi ang umiling. Kahit kailan talaga, hindi ko maintindihan kung bakit ang daming na gwagwapuhan dito kay Pedro. Pag matalino ba gwapo na din? Sa tatlong taon na naging mag kaibigan kami, never kong nakita 'yung sinasabi nilang 'charisma ni Paul Edison Roxas'. Meron ba talaga no'n si Pedro?
"Pepita, paano ka tatalino niyan kung puro novel book ang binabasa mo? Puro fiction lang 'yan. Malayo sa reality." Tinignan ko lang siya saglit at tinuloy ang pag babasa ng My Bestfriend's Baby. "Hulaan ko, na anakan nung bidang lalaki 'yung bestfriend niya." Inilapag ko 'yung libro sa desk ko.
"Oh sige. I-kwento mo na lang, Pedro." Sumimangot ako at nag kibit balikat lang siya. "Nakita ko kanina, may pinaiyak ka na naman." Pasimpleng tanong ko.
"Ah yo'n?" Marahang tumango ako. "Tinanong niya ko kung pwede daw ba siyang maging girlfriend ko." Umupo siya sa desk sa harapan ko, mag katapatan na kami ngayon.
"Oh ano? Binasted mo na naman? Akala mo na naman gwapo ka?" Bigla akong nakaramdam na para bang may mga matang nakatingin sa'kin. Nilibot ko 'yung tingin ko, halos lahat ng babae sa room namin ang sama nang tingin sa'kin. "Oh." Yumuko ako at binukasan ulit 'yung librong binabasa ko.
"Hindi naman sa gano'n, kasi tinanong ko siya kung ano meaning ng procrastination nginangahan lang ako. Ayoko ng gano'ng babae. Simpleng word lang hindi pa alam." Bigla akong napaisip.
"Uhm. Ano ba meaning ng procrastination?" Tinawanan niya ako. "Ano?"
"'Wag ka ngang mag joke, Pepita." Alanganing ngumiti na lang ako. Pero seryoso, hindi ko talaga alam kung ano meaning no'n.
"Piper, pinapatawag ka daw ni Ma'am Pelayo." Napatingin ako sa kaklase ko. "May sundo ka pa." Bigla siyang kinilig ay este ako pala ang kinilig. Tumayo na ako at nilapitan si Franz.
"H-hi Franz." Hindi ako makangiti ng maayos baka kasi bigla na lang lumapad dahil kinikilig talaga ako.
"Hello." Ngumiti siya sa'kin! OMG! Pwede na kong himatayin. "Sabi pala ni Ma'am Pelayo pakikuha na daw 'yung gamit niya sa room namin at sabay na daw kayong bumalik dito para sa klase niyo."
"Oh sige." Akala ko sabay kaming pupunta sa room nila, mali pala. Sinabayan niya lang ako hanggang hagdan tapos bumaba na siya papuntang Canteen. Una kasi lunch break nila kaysa samin eh.
Si Franz Gonzales. Iniisip ko pa lang pangalan niya kinikilig na talaga ako. Lalo na pag nakita ko na siya. Siya ang patunay na may nag eexist talaga na gwapo sa mundo. Almost perfect na siya, matangos ang ilong, maganda ang labi, ang gandang pagmasadan ng medyo bilugan niyang mga mata at bagay sa kanya ang pang model niyang height. Matalino din siya! Kahit nasa section 2 siya, lagi siyang pasok sa Top 10 overall ranking. Mas matalino nga lang si Pedro.
Tatlong taon ko na din ata siyang hinahangaan. Simula grade 7 at hanggang ngayong grade 10 na kami. Wala. Sa kanya lang talaga ako na gwagwapuhan kahit sabi ng mga kaklase namin na mas gwapo daw si Pedro. Hindi ko talaga makita kay Pedro ang nakikita ko kay Franz.
“Huy Pepita!” Gulat na nilingon ko si Pedro. “Nag dedaydream ka na naman dyan! Si Ma’am nasa room na ikaw nandito pa din sa labas.” Nag madali akong pumasok sa room. Tinignan ko kagad ng masama si Pedro. Tinawanan lang ako ng loko. “Kinilig ka na naman kay Franz ‘no? Hindi naman gwapo ‘yon, ano ba na gustuhan mo do’n?”
“Gwapo siya, hindi katulad mo feeling gwapo.” Inilapag ko sa table ‘yung gamit ni Ma’am at dumiretso na ko sa upuan ko.
“Hindi po ako feeling gwapo. Tanong mo pa sa kanila.” Tinanguan ko na lang siya. Ano pa bang mapapala ko pag tinanong ko ‘yung mag kaklase kong patay na patay sa kanya? Sasang-ayon lang din naman sila.
BINABASA MO ANG
Skinny Love
Teen FictionSkinny love (n.) When two people love each other but are too shy to admit it, but show it anyway.