SKINNY LOVE
Prologue
Skinny love
(n.) When two people love each other but are too shy to admit it, but show it anyway.
Napahikab si Piper. Dalawang oras nang patuloy na nagsasalita ang teacher sa harapan. First day of school at sinakto nila sa freshmen orientation. Boring na, wala pa syang kakilala. Hindi naman nya mahila yung best friend nya noong elementary dahil sa ibang high school ito nag-aral.
Kinusot nya ang mata nyang nangingilid na sa luha dahil sa antok. ‘Anong oras ba matatapos ito?’ Tanong nya sa isip. Sumandal sya sa monoclock chair na inuupuan nya at pumikit. Wala syang pakialam kung makita man sya ng mga katabi nyang freshmen. Hindi naman nya kilala ‘yung mga ‘yun. Hindi rin nya alam kung sino ang mga kaklase nya dahil pagtapos ng flag ceremony, lahat ng first years ay dumiretso sa Multi-Purpose Hall ng school para sa Freshmen Orientation Program.
Nagising si Piper sa panandaliang pag-idlip nya nang may sumipa sa sandalan ng upuan nya mula sa likod. Muntik na syang malaglag sa sahig sa lakas ng pagkakasipa sa upuan nya. Nagngingitngit sa inis, tumingin sya sa mga tao sa likod nya. Isang grupo ng mga lalaking maiingay. Akala mo’y elementary pa rin kung magpasaway. Nagtatawanan sila at halatang hindi nakikinig sa harapan.
“Ano ba yan, ang gulo!” Bulong nya sa sarili. “Kainis ‘tong mga lalaking ‘to. Kala mo naman ang ku-cute eh puro dugyot naman.”
Patuloy lang sa pag-iingay ang mga lalaki sa likuran nya. Nang matapos ang program, nagsialisan na ang mga estudyante. Nagpahuli-huli lang sa paglabas si Piper. Nakita nya kasi ang isang pumpon ng balloons sa sagid ng stage. Luminga-linga sya para tingnan kung may ibang nakatingin. Lumapit sya sa stage at inabot ang kaisa-isang pulang lobo sa pumpon ng kulay blue at puti.
Pero sa paghawak nya sa lobo, may isa pang kamay na dumapo sa ibabaw ng kamay nya. Nanigas si Piper at tumingin sa may-ari ng kamay.
“Akin ‘to.” Sabi ni Piper. Yung lalaki, hindi nya pa ito nakikita. Hindi nya naman ito schoolmate nung elementary dahil kaunti lang naman silang estudyante. Malamang, galing ‘to sa West o sa East Elementary School.
“Akin na lang ‘to.” Sabi ng lalaki. Sumimangot si Piper at tiningnan ang mga kamay nilang nakapatong sa lobo.
“Akin na ‘to. Nakikita mo nang nauna ang kamay ko oh!” Tinuro ni Piper ang kamay nya sa ilalim ng kamay ng lalaki.
“Hindi mo ba ako nakikilala?” Tanong sa kanya ng lalaki?
“Hindi!” Sagot ni Piper. Tinangka nyang alisin ang kamay ng lalaki pero mahigpit ang hawak nito.
“Buti naman. Hindi rin kita kilala. Quits lang.” Nakatitig sa kanya ang lalaki. Wala nang alam si Piper sa mga sumunod na nangyari. Ang naalala nya na lang ay nakuha na ng lalaki ang lobo. Nagsimula nang maglakad palayo ang lalaki habang si Piper, naiwang tulala.
“Hoy! Bumalik ka dito! Akin yan!” Sigaw ni Piper sa lalaki at hinabol ito. Mabilis na tumakbo yung lalaki hanggang sa makarating silang dalawa sa gate. Hingal na hingal si Piper at tumigil sa guard house. Nasa labas ng gate ang lalaking yun. Pinanood ni Piper ang ginawa ng lalaki sa lobo. May tinawag itong batang gusgusin at inabot ang pulang lobo sa bata. Kitang-kita ni Piper ang ngiti ng bata nang ibigay sa kanya yung lobo. Nakaramdam sya ng kakaiba sa dibdib nya. Nainis sya sa lalaki pero natuwa sya sa ginawa nito.
Umiling na lang si Piper at pumunta sa building ng first years para hanapin ang classroom nya. Nakita na nya ang pangalan nya sa listahan nang maalala nyang naiwan nya ang bag nya sa Multi-Purpose Hall.
Taranta syang tumakbo papunta sa MPH para kunin ang bag nya. Sakto namang isasara na ang pinto kaya sumigaw sya sa bantay. “Kuya saglit! Yung bag ko!” Napatigil tuloy sa pagsara ang bantay at pinapasok si Piper para kunin ang bag nya.
Pawisan si Piper nang makarating sa classroom nila. Wala nang ibang pwesto sa classroom kundi sa isang upuan sa likod. Pumwesto sya doon at nag-punas ng pawis. Wala pa ang kanilang class adviser kaya nagkakagulo sa room. Karamihan ng mga kaklase nya noong elementary ay kaklase nya rin ngayon. Yun nga lang ay may kani-kaniyang grupo din sila kaya hindi sumama si Piper sa kanila.
“Uy, sorry pala sa lobo kanina.” Tumingin si Piper sa katabi nya. Yung lalaki kanina.
“Huh. Okay lang.” Yumuko si Piper at kunwaring inayos ang uniform nya. “Hindi mo naman sinabi agad na para pala yun dun sa bata.”
“Sus, bakit ko sasabihin sa’yo? Magkakilala ba tayo?” Supladong sabi ng lalaki. Napa-awang ang bibig ni Piper sa inasal ng lalaki. Mali, akala nya mabait yung lalaki. Hindi pala. Ang sama ng ugali. “Joke lang!” Ngumiti ang lalaki. “Ako si Paul Edison Roxas. Galing ako sa South Elementary. Ikaw?”
“Um, Piper Manaloto. Taga-North Elementary ako.”
“Ang American naman ng pangalan mo! Dapat sa iyo, pang-Pinoy.” Tumawa si Paul.
“Bakit ka ba nangingialam ng pangalan? Yun iyo rin naman ah.”
“Wala eh. Ganun talaga. Ah!” Ngumiti si Paul nang kakaiba. “Alam ko na. Binibinyagan kita ngayon bilang si Pepita! Pepita Manaloto!” Sumimangot si Piper.
“Yuck! Pepita? Ang korni!” Dinilaan ni Piper si Paul.
Tumawa si Paul. “Ang cute kaya! Pepita!” Tinakpan ni Piper ang tenga nya para hindi marinig ang pagtawag ni Paul sa kanya ng Pepita.
“Shut up!” Inis na sabi ni Piper.
“Hahaha! Pepita, Pepita!”
“Shut up! Pedro ka!” Napatigil si Paul sa pang-aasar kay Piper.
“A-Anong sabi mo?”
“Pedro! Paul Edison Roxas? Eh Pedro ka naman pala eh.”
Pepita at Pedro. Isang kakaibang pagkakaibigang nabuo sa isang kakaibang pagkikita. May ilang taon pa sila para magkasama. Paano na yan?
BINABASA MO ANG
Skinny Love
Teen FictionSkinny love (n.) When two people love each other but are too shy to admit it, but show it anyway.