Chapter 17: JS Prom
LUMIPAS ang isang semester. Hindi kami masyadong nakakapag-usap ni Pedro o kahit si Rina. Well, mostly, ako talaga ang umiiwas sa kanilang dalawa. Alam ko kung gaano kagusto ni Rina si Pedro at alam ko kung ano ang tingin n’ya sa best friend relationship namin ni Pedro. Ayaw kong may ma-misunderstood siya.
Hindi ko pa rin sinasagot si Franz. Gusto ko siya, pero hindi ko sure kung oras na ba para sagutin ko siya. Lumalabas labas kami minsan. Date-date ba, may holding hands na rin. Kinikilig ako sa effort n’ya. Hindi naman n’ya ako minamadali. Basta, masaya naman daw siya tuwing may date kami. Okay na muna raw siya doon sa ngayon.
“Nakakatamad talagang mag-enroll,” reklamo ni Rachel. Sabay kasi kaming nag-enroll. “Malapit ng mag-November pero ang init-init pa rin. Nauna na ba talaga sa Mercury ang Pilipinas?”
“May El Niño nga kasi, Che,” natatawang sagot ko sa kanya. Tumayo na ako dahil ako na 'yung tinawag ng cashier. Pagkabayad ko ay hinintay ko na lang sa gilid si Rachel. “Kain tayo,” aya ko sa kanya. Inabutan na kasi kami ng lunch sa pila.
“Doon tayo sa coffee shop malapit sa mall. Nakakasawa na 'yung mga fast food dito, e.”
Tiningnan ko 'yung laman ng wallet ko. May sobra naman ako pero parang magiging sakto lang 'yung pera ko. Pamasahe saka pangkain ko. Ngumiti sa akin si Rachel at umangkla sa braso ko.
“Tara, ako na bahala sa iyo. Sobra naman binigay nila Mama pang-tuition ko, hindi na nila kukunin 'tong sukli,” pilyang sabi n’ya at umalis na kami.
Medyo nahihiya na ako kay Rachel dahil simula ng maging close kami ay lagi na lang n’ya akong nililibre. Okay lang naman daw sa kanya, pero kasi nakakahiya talaga. Isang beses ko pa lang siyang nalibre, at nilagang mais lang 'yon. Kung ikukumpara mo sa mga nalibre n’ya, walang-wala.
“Si Paul ba 'yun?” tanong sa akin ni Rachel pagdating namin sa coffee shop. “Uy, Paul!” tawag na n’ya rito.
Nagkatinginan kami ni Pedro. Hindi ko alam, nanibago yata ako sa kanya. Medyo matagal na rin noong huling nagkita kami. Nagkaka-text kami, pero hindi na talaga kami nagkikita, kung magkikita man, saglit na saglit lang. Magha-hi sana ako nang biglang may umangkla sa braso n’ya. Si Rina.
“Sila na ba?” bulong sa akin ni Rachel habang papalapit kami kila Pedro. Nagkibit-balikat lang ako bilang sagot. “Kayo na?” walang hiyang tanong na n’ya nang makalapit kami.
Nakatingin lang ako sa magkaangklang braso nila. Napansin yata ni Rina at bigla n’yang hinawakan na ang kamay ni Pedro. 'Yung naka-in between. Sila na nga yata.
“Kahapon lang,” sagot ni Rina at parang hinigpitan pa ang hawak sa kamay ni Pedro. Inangat ko na ang tingin ko sa kanila. “Piper, kumusta ka na? Hindi na tayo masyadong nagkikita, a.”
“A-a, okay naman ako. Busy sa school, e. Alam mo naman ang daming ginawa,” sagot ko na lang. Napatingin ako kay Pedro. Nakatingin din siya sa akin. Pilit na ngumiti ako. “Congrats pala sa inyo.”
“Thank you,” sagot ni Rina at nakangiting tumingin kay Pedro, umiwas na siya nang tingin sa akin. Hindi rin naman n’ya sinalubong ang tingin ni Rina.
“Kat, tara na. Male-late na tayo. Hinihintay na tayo ni Ate Pau sa sinehan,” aya ni Pedro kay Rina.
“Ah, oo nga pala.” Tumingin sa akin si Rina. “Mauna na kami, a. See you around,” sabi nito at umalis na sila.
Nagmadali akong maupo sa isang table. Parang nawalan akong kumain. Umupo sa harapan ko si Rachel. Nanliliit ang mga mata n’ya habang nakatingin sa akin. Parang may gustong sabihin. Pero dahil kilala ko si Rachel alam kong sasabihin n’ya rin ang naiisip n’ya.
“Ano’ng nangyari sa inyo ni Paul?” taas kilay na tanong n’ya.
“Anong ano’ng nangyari? Wala. May kanya-kanya na lang kaming buhay, gano’n,” sagot ko.
“Alam mo, akala ko dahil busy lang tayo sa school kaya hindi na kayo masyadong nagkikita, e. Pero ngayong nakita ko kayong dalawa sa iisang lugar, hindi pala. Nag-iiwasan kayong dalawa,” inis na sabi n’ya.
“Che, may girlfriend na 'yung tao. Mas okay nang hindi kami masyadong magdidikit sa isa’t isa. Ayaw ko rin naman kasi ng misunderstanding between us. Noong wala pang Rina at Franz sa buhay namin, nai-issue na kami. Ngayon pa kayang nand’yan na sila? For sure iba na ang iisipin ng mga tao,” paliwanag ko sa kanya.
LUMIPAS pa ang ilang buwan. December na. Malapit na ang Junior-Senior Prom namin. Hindi ko namamalayan ang paglipas ng mga araw. Ang bilis-bilis lang. Hindi sana ako a-attend ng Prom pero dahil inaya akong maging date ni Franz, sino ako para tumanggi?
“Piper!” sigaw ni Ate Pau nang sagutin ko ang tawag n’ya.
“Ate Pau!” balik ko naman sa kanya. “Napatawag ka?”
“Nami-miss na kita. Hindi mo na ako binibisita, e,” malungkot na sabi nito. “Ikaw, a. Bakit hindi na kayo magkasama ni Edison? Sabi ko na, masamang impluwensya 'yung Katarina na 'yun, e.”
“Hala, ate. Hindi, a. Mabait naman 'yun si Rina. Best friend ko rin po 'yun, masaya ako para sa kanila.”
“Hindi ako masaya para sa kanila,” tila humihikbing sabi n’ya. “Nami-miss ka na rin nila Mommy. Kinalimutan mo na raw kami,” nagpapaawa pang sabi nito.
“Ate, naman, e. Hindi naman totoo 'yan, madami lang talaga kaming ginagawa sa school,” paliwanag ko. Pero ayaw talagang maniwala ni Ate Pau at mukhang nagtatampo talaga ito.
“Samahan mo ako sa mall. Malapit na prom n’yo, 'di ba? Bili tayo ng damit mo. Hindi ka p’wedeng umayaw, gusto mong makabawi, 'di ba?” seryosong sabi n’ya.
“Ate Pau, mahal kapag sa mall bumili ng damit, 1000 lang binigay sa akin ni Kuya Peter pambili ng damit.”
“Ako ang bahala sa iyo, mag-ayos ka na, ha? Dadaanan kita in 30 minutes.” Dial tone na ang narinig ko sa kabilang linya. Wala na akong magagawa dahil seryoso talaga si Ate Pau.
PAGDATING namin sa mall ay pina-text sa akin ni Ate Pau si Franz para itanong kung ano ang outfit nito para sa darating na prom. Dapat daw terno kami para magandang tingnan kapag magkatabi kami.
White long sleeves polo with black vest and orange silk tie. – Franz
Napangiti ako sa orange silk tie. Favorite ko kasi ang orange. Na-imagine ko na ang suot n’ya. Sinabi ko kay Ate Pau ang description ng outfit ni Franz. Orange din daw ang tie nang kay Paul pero naka black coat ito.
Sa kids section kami nagpunta. Hindi na nakakapagtaka kung bakit dito. Ang liit ko kasi. Naghanap si Ate Pau ng damit na babagay sa damit ni Franz. Ako nakaupo lang sa isang tabi. Hindi naman kasi ako magaling pagdating sa damit-damit. Basta ako kung saan comfortable 'yun ang binibili kong damit.
May kinuha siyang isang simpleng tube type na orange dress na may parang belt na gawa sa something na makinang. Long dress siya sa pambata, pero for sure kapag sinukat ko na ay hanggang tuhod ko lang or above the knee ng kaunti.
Sinukat ko ang dress, hindi nga ako nagkamali. Above the knee ko ng kaunti. Lumabas ako sa fitting room at pinakita kay Ate Pau. Pinanggigilan n’ya ang pisngi ko nang makita n’ya ako.
“Ang cute mo, Piper,” kinikilig na puna nito. Inangat n’ya ang buhok ko at ginawang bun. “'Yan, gan’yan ang ayos mo, a. Medyo messy bun. 'Tapos pahiramin kita ng bagay na accessories.”
Pumasok na ulit ako sa fitting room para magpalit na ng damit ko. Pagkabihis ko ulit ay tiningnan ko ang tag price. 599 pesos 'yung damit. May 400 pa akong pambili ng sapatos. Minsan may naidudulot ding maganda ang pagiging maliit ko. He-he-he!
Syempre, dahil maliit ako, sa kids shoes section din kami nagpunta. Medyo nahirapan kaming maghanap ng may mataas na heels. Pero hindi naman kami nabigo kasi may section doon na may mga heels pero 'yung medyo pang-teens na 'yung sizes ng paa. Dahil magpapasko, naka-sale ang mga shoes. May nakita si Ate Pau na silver closed shoes na kaagad n’yang pinasukat sa akin. Napapalakpak pa siya nang makita n’ya na maganda sa paa ko at bagay daw talaga sa dress ko. At pasok pa sa budget ang presyo. Dati siyang 799 pero dahil naka-sale 400 na lang siya.
GABI NG PROM, nasa bahay namin si Ate Pau at inaayusan n’ya ako. Siya raw ang fairy God mother ko ngayong gabi. May dala rin siyang ilang accessories na ipapagamit sa akin. Inayos muna n’ya ang buhok ko bago ako nilagyan ng make-up sa mukha. Gaya ng plano n’ya, messy bun ang ginawa n’ya sa buhok ko pero iniwan n’ya ang patilya ko at kinulot ito. May maliit na tiara rin siyang nilagay sa ulo ko.
Simpleng make-up lang ang ginawa sa akin ni Ate Pau, maganda naman daw kasi ako at hindi ko na kailangan pang magpaganda masyado baka raw pag-agawan ako pagdating ko sa school. As if naman, 'di ba? Ha-ha-ha! Sinuot ko na ang damit ko pati ang sapatos. P-in-ictur-an kagad ako ni Ate Pau, ise-send n’ya raw kay Pedro para magsisi at hindi ako ang inayang maging date.
“Sino ka raw, sabi ni Edison,” natatawang sabi ni Ate Pau.
“S-in-end mo nga, ate?!” gulat na tanong ko. Abot tainga ang ngiti n’ya habang tumatango. “Nakakahiya,” bulong ko.
Bumaba na kami ni Ate Pau nang dumating si Franz. Hindi ko alam pero feeling ko ang ganda ko talaga dahil napanganga si Franz nang makita n’ya ako. Kung hindi pa siya tapikin ni Ate Pau hindi siya makakapagsalita.
“A-ang ganda mo.” Pasimpleng kinilig na lang ako. “Tara na?” Inabot n’ya sa akin ang kamay n’ya. Paglabas namin ng gate ay nakaabang na si Ate Pau at nakasakay sa convertible na sasakyan n’ya. “Si Ate Paula na raw ang maghahatid sa atin,” nakangiting sabi ni Paul at inalalayan akong makasakay.
Nagpasalamat kami kay Ate Pau nang makarating kami sa labas ng school gym kung saan gaganapin ang prom. Marami ng tao at may nakapila na rin sa entrance kung saan maglalakad ka sa red carpet. Umangkla ako sa braso ni Franz noong turn na namin para maglakad sa red carpet. Nasilaw ako sa mga flash ng camera. Hinawak ko ang isa ko pang kamay sa braso ni Franz kung saan nakaangkla ang braso ko. Bigla kasi akong kinabahan.
BINABASA MO ANG
Skinny Love
Teen FictionSkinny love (n.) When two people love each other but are too shy to admit it, but show it anyway.